Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan part 5

16 1 0
                                    

TUESDAY

Wala akong pasok ngayon kaya di ko sya makikita. Siguro naman vacant nila ngayon. Tatawagan ko sya.

Oh, no. Wag. Tetext ko na muna.

Vacant nyo?

2 minutes...

4minutes...

10 minutes...

May klase pa siguro to. Hays.

Bakit ba ako naghihintay ng reply? Sino ba ako? Ni hindi nya nga alam na gusto ko sya eh.

Teka. Di pa ba halata sa ginagawa ko na gusto ko sya? Siguro. Ilang araw pa lang naman kaming magkakilala eh. Hay. Ewan ko ba.

Sorry late. Kakatapos lang namin kumain ng friends ko eh. Vacant namin. Why?

Reply nya.

May earphones ka?

Yes. Why?

Do put them on and don't judge what I'm about to do next.

Wala ng atrasan to. Kakantahan ko sya. I feel like singing today.

Gusto ko sya yung kakantahan ko.

Sige na suot ko na yung earphones.

Dialling Andy's number...

"Hello?"

"Oh hi Andy. Uhm, pwede ka pumunta sa tahimik na lugar?"

Then I heard her friends teasing her.

"Asus Andyyyy sino na naman yan?"

"Lalalalalala"

"Si kuyang nagpapicture siguro yan."

"Asuuuuus nginingiti ngiti mo."

At madami pa.

"Sorry Josh. Ang ingay nila. Sige, layo muna ako sakanila."

Medyo humihina na yung ingay sa kabilang line kaya nagdecide na akong i tune yung guitar.

"Wait, are you tuning your guitar?"

"Yes. I feel singy today. I decide to sing this song to you. Naririnig mo ba?"

"Uhh, yes. Yes. Naririnig ko. Sige start mo na."

Play Michael Buble's Everything

Habang kumakanta ako, medyo naririnig ko yung ingay na naman. Pero okay lang. Ang mahalaga, naririnig nya yung gusto ko iparating sakanya.

Yung nararamdaman ko na idadaan ko na lang sa pagkanta nito.

Nang makatapos ako kumanta, biglang natapos yung call.

Tinext ko sya agad.

Maganda ba? Nagustuhan mo?

1 Message Received

Yup. Ang galing. Anong kanta yon?

Kanta ko para sayo.

Michael Buble's Everything. Nagustuhan mo ba?

Yup. Ang galing mo. Good job :) sige na may class na kami. Laters.

Then di na ako nagreply.

Aminin ko na kaya sakanya na gusto ko sya?

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon