Napadaan kaming dalawa sa field ng university namin this Thursday morning.
"Ay di pa pala ako nagpapakilala ng maayos sayo."
Napatingin lang siya sakin.
"Ako si Joshua Cruz. Hindi ako manyakis, di din ako magnanakaw. Pero nagra rugby ako."
Then I smiled widely.
"Seriously Josh? You got to be kidding me."
Then I laughed as I nod.
"Yes. Varsity ako ng rugby dito sa univ natin. Remember the jersey I've been wearing the first time I accompany you home? Yun yung jersey ko sa rugby."
She nodded.
"Sporty ka talaga noh? You can do basketball, volleyball, bowling, swimming, soccer, and rugby. Wow."
"Gusto ko yung shirt na suot mo nung 12th year ng College niyo. Yung film maker."
Yun yung shirt na suot nya nung araw na nakilala ko siya. Nung araw na nagsimula ang lahat ng bagay na to.
"Trade tayo. Sayo na yung College of Accountacy and Economics ko na shirt tapos sakin na yung Film Maker shirt mo. Game?"
Alok ko sakanya.
"Ayoko nga. Mahal ko yung shirt na yun eh."
Sabi nya habang tumatawa. Sabagay. Eh di naman ako taga College of Mass Communication, hihingi na lang ako nun kay Ethan.
"Sige na Joshua, dito na ako sa gym. PE na namin. Bye"
Bago pa sya makapasok sa gym, hinawakan ko kamay nya.
"Anything else you want? Water, juice, food? Ihahatid ko after PE nyo."
She smiled as she looked into our hands.
"Nothing. I'm fine. Thank you. See you later Josh."
Tapos pumasok na sya sa gym. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makalayo na sya sa entrance ng gym kung nasaan ako.
Nang makalayo na siya, pumasok ako ng gym para hanapin yung kung saan malapit yung room nya pag PE.
Silly me. Yung dance studio lang naman yung kaisa isahang room dun.
Umupo ako dun sa may bleachers habang pinapanood ko sila mag warm up hanggang sa magsayaw na sila.
Di siya ganun kagaling sumayaw. Di ganon ka flexible yung katawan nya para sumayaw. Pero nakakasunod sya sa steps. Which is a lot more better.
Napaka confident ng pagsayaw nya. Although mali mali yung steps nya, tuloy pa din sya sa pagsasayaw.
Ano ba naman yan, Joshua. Mahal mo na ba sya? Dapat hindi eh diba?
Pero I like her. I really do.
Wala naman atang masama kung ituloy ko to. Parehas naman ata kaming walang relation ngayon.
Kasi kung meron, sinabi na nya sakin diba? Tsaka kung meron, edi sana may nanapak na sakin matagal na everytime hinahatid ko sya sa bahay niya or pag lumalabas kaming dalawa.
Eh wala naman. So I assure na wala siyang boyfriend kasi wala namang nagagalit sa ginagawa ko.
"Uy Joshua. Nagstay ka talaga dito?"
Siya.
"Yup. Ay, water nga pala. Mukhang pagod ka eh."
Iniabot ko sakanya yung tubig.
"Thank you. Magbibihis muna ako tsaka ang lagkit ko kasi eh. Ay, you ate your lunch na?"
I shook my head.
"Sige sabay ka na samin ng friends ko."
"Sige. Intay kita dito sa labas."
