Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan part 4

18 1 0
                                    

Papalapit na kami ngayon sa mga kagrupo nya.

"Gabriela, Trina, si Joshua nga pala."

"Hi joshua."

Nag hi din ako sa mga kagrupo nya.

"Okay na ko dito Joshua. Thank you sa paghatid."

"Mags stay muna ako dito Andy, wala pa din naman mga kablock ko eh. Dito muna ako. Kung okay lang sayo."

"Sure. Okay lang. Okay lang."

Umupo ako sa tabi niya habang nakikipag kwentuhan sya sa mga kagroup nya.

Kinuha ko na lang yung phone ko sa bulsa para itext sila Alyssa.

Ly, puntahan mo ko dito sa Luneta. Sabay na tayo pagpasok.

"Okay ka lang ba?"

Tanong nya bigla tas tinago ko phone ko.

Nakakahiya kasi, baka sabihin nya nabo bored ako kasama sya kaya gumagamit ako ng phone. Ayoko ng ganun.

Sabagay, sino ba naman gugustuhin na yung kasama mo nagce cellphone habang magkasama kayo. Nakaka bastos. Para ka na ding sinampal bigla.

"Uhh, oo. Okay lang ako. Tinext ko lang mga kablock ko."

Tumango lang sya.

"So nasan na nga pala yung pinag uusapan natin kanina?"

Pagpapaalala nya.

Yung pagiging selosa mo.

"Ah yung sa ex girlfriend mo."

"O-oo yung pagiging selosa nya. Hayaan mo na. Wag na natin pag usapan yun."

Biglang nag play yung Heaven na cover ng Boyce Avenue.

I really love this song.

Tas biglang narinig ko na lang na kinakanta ni Andy yung first part.

"You like this song?"

Tumango siya.

"Oh, ako din eh."

"Oh nice." Sabi nya.

Napakanta na din ako nung chorus na. Sabay kami.

Ang ganda ng boses nya. Parang may kasabay akong angel na kumakanta.

"Do you play some instruments?"

Pag o open ko ng topic.
"Yup. Guitar. I tried drums pero I'm still into guitar. You?"

"Guitar din."

"Woah. We're in common huh? Ang galing."

Sabi nya. Meant to be? Destiny? Soulmates?

"Gusto mo mag jam tayo minsan."

Pag yayaya ko sakanya. May studio kasi na malapit samin eh.

"Oh sure. Ano bang gusto mong kanta?" Natanong nya.

"You know Michael Buble's Everything?"

"Nope. Ano yon?"

"Maganda yun eh. Favorite ko yun. Yung Latch na lang or It's not a bad thing?"

"I have no idea. Sorry. Di ko alam yung mga kanta."

Grabe. Ang gaganda pa naman ng mga yun. Para sakanya yun e. Hays.

"Sino ba favorite artist mo?" Tanong ko sakanya para naman alam ko yung pwede naming gamitin pag nag jam kami.

"Artists? Hmmm. More on band kasi ako eh. Sleeping with Sirens, Pierce the Veil, Black Veil Brides, The Pretty Reckless, All Time Low, Paramore, and the list goes on."

Wow. Paramore lang alam ko dun. Pero I'll try to listen to those bands para naman matuwa sya.

Ganun naman diba? Pag nanliligaw ka, dapat alamin mo yung interests and hobbies nya. Hindi yung basta basta sasabihin mo na gusto kita.

"Uy Josh!"

Napatingin kami sa likod, dun namin napansin na nandun na si Alyssa.

"Alyssa. Uhm, Andy, si Alyssa. Alyssa, si Andy. Una na kami Andy. Thank you ulit sa time."

Tumango lang sya tsaka nagpakita na naman ng ngiti nya.

Ngiti na nagsasabing nakakatuwa ka.

Iba na ata to.

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon