Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan part 7

12 0 0
                                    

Two weeks na simula nung umamin ako na gusto ko siya.

Simula nun, napadalas yung pagsasabay namin pag lunch. Hinahatid ko sya hanggang bahay nila. I get to know her parents and siblings.

Lagi na kami kumakain sa Ministop o kaya 7Eleven pag nag crave kami ng pre- midnight snack.

Yeah. Pre-midnight. Natutuhan ko sakanya yun. Sa isang araw kasi 9 times sya kumakain.

Breakfast. Pre Lunch. Lunch. Pre Merienda. Merienda. Pre Dinner. Dinner. Pre Midnight Snack. Midnight Snack.

Sa meals nya na yun, breakfast and Midnight snack lang kami hindi magkasama.

Di ko nga alam kung ano na namamagitan samin eh. Ineenjoy ko na lang tong moment na to.

"Uy, kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi naman. Ngayon lang din. Tara na?"

Sinundo ko siya ngayon sa school, wala akong pasok. Pupunta kami ng mall, magbo bowling kami.

"Strike!"

Sigaw nya ng mapatumba nya lahat ng pins. Hahahaha di daw sya marunong pero ang galing nya.

"Kala ko ba di ka marunong mag bowling?"

Tanong ko sakanya habang inaabot yung bottled drink nya tsaka towel.

"Di naman talaga eh. Dinaya ko lang kaya yun."

Tas tawa kami ng tawa.

"Tara pre merienda na tayo?"

Tsaka kami lumabas ng bowling court. Di ko inaasahang kakapit sya sa braso ko.

Nagkatinginan kami. Ngumiti siya.

Pag ibig na ba ito?

Sa Mcdo

"Alam mo yung loving a path?"

Tanong ko sakanya.

"Nope. Ano yon?"

"That's the number that comes after loving tatlo. Loving tatlo, loving a path, loving lima."

Then we burst into laughters.

"San mo ba nakukuha yang jokes mo. Hahahahaha"

She said in between her laughs.

"Wala. Sa internet. Pakalat kalat. Kain na nga lang tayo."

Tas tinuloy lang namin yung pag kain.

"Andy, pag niyaya ba kita ng pizza sa Friday sa bahay, sasama ka?"

"Yup. Unless ipapakidnap mo ako or you're planning something. Hahahaha joke. Sure. Yeah."

"Birthday kasi ng aso namin eh. So sama ka ah? Papakilala na din kita sa parents ko."

"Seriously? Sa aso nyo? That dog is so darn lucky."

Ito na yung moment. Ito na talaga. Para malaman ko na din kung ano ang meron kami.

This is it.

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon