Na Friendzone: Isang Malaking Kalokohan part 9

12 0 0
                                    

Nang makatapos sya magbihis, sabay sabay kami pumunta ng mga kaibigan nya sa may tambayan nila. Dun sa lagi nilang kinakainan.

"Guys, si Joshua nga pala. Joshua, si Gaile, Ishje, Divine, Maye, Mendz, Ruth, and Geli."

Pagpapakilala nya isa isa.

Nagexchange lang kami ng pagkakakilala ganun. Tas di ko napansin na nasa tabi sila Michelle, mga kaCollege ko.

"Uy Joshua, ikaw ah. Sino pinopormahan mo dyan? Si Andy noh?"

"Uy wag ka nga Mich."

Si Mich kasi isa sya sa na dump ko na babae nun. She liked me. Take note, LIKED. Tapos nung inamin nya, sinabi ko na di ko sya gusto. So, okay lang sakanya.

Forget about her. Ang mahalaga kasama ko si Andy.

"Andy, bibili ka ba ng food?"

"Nope. May baon akong lunch eh."

"Oh, sige intayin ko na muna bumalik friends mo bago kita maiwan dito."

Tumango siya as a response.

Pagbalik ng friends nya, umalis na muna ako para bumili ng lunch ko. Sisig.

Pagkabalik ko, nakikipag kwentuhan siya sa friends nya.

"Di ko na din alam gagawin ko. Bahala na talag-- oh Joshua kanina ka pa?"

"Nope. Kakarating ko lang."

Kumakain kami sabay. Nagkwekwentuhan na naman ng random topics. Ang saya lang talaga pag kasama siya.

Yung pag magkasama kami, parang kami lang tao dito.

"Asan na friends mo?" Tanong ko sakanya.

Kami na lang pala tao dito. Hahahaha

"Ewan ko eh. Baka nagstart na mag shoot para sa advertisements nila."

Sabay kami naglalakad ngayon papunta ng room ko, late na ko actually. Pero okay lang, mas gusto ko sya kasama kesa sa mabored ako sa nakakadugong subject na yun.

"Sige dito na ko. See you bukas."

Sabi ko.

Pero bago pa siya makaalis ng room, I pulled her back and hug her.

"I love you Andrea Erica Fernando."

NaFriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon