Chapter 1

2K 26 1
                                    

Chapter 1

"Miss Ramos!" galit na sigaw ni Mrs Principal.Halos lumabas na usok sa ilong nito sa galit "Andito ka na naman.Hindi ka ba nagsasawa halos araw araw nalang."

I licked my lower lip
" Okay , it's not my fault. 
I slapped her coz she slapped me."
I replied but mukhang di nito nagustuhan ang sinabi ko.

"Aba!" 

"What? Except for this scumbag" tinuro ko si Ammy gamit ang middle finger ko "No one dares to slap me"

Galit na sagot ko rito. Lagi nalang ako ang may mali. Hindi ako basag ulo sadyang lapitin lang talaga ako ng mga hayop. Nanahimik ako sa isang tabi tas sila lalapit for what? Awayin ako tas ngayon parang mga tupa sa harap ng principal.

"Alam mo Ammy saka mga alipores mo pwede kayo mag artista" nakangiwing sabi ko habang pinagmamasdan ng kamatis nitong mukha. "Ayos naman itsura niyo e. Bagay nga  kayo sa Manila Zoo tas ikaw Ammy si Godzilla."

Hindi makaniwala ang mga mukha nito sa narinig. Walang habas at katakot takot na sinabi ko ito sa harap ng principal. What's the point of magmamalinis ba?eh masama naman na talaga ang tingin nila saakin. Idiot!.

"MISS RAMOS!" Sigaw nito kaya napatakip ako ng tenga aww my eardrum.

"Oo na ipatawag mo na si lolo dami pang sabi e" walang ugali na sabi ko dito. Sabay tumayo at lumabas ng opisina nito. Naglabas ako ng bagong chewing gum para mahimasmasan.

"You okay?" Biglang sabi nalang ni Andy sa tabi ko. Nagtatakang tiningnan ko ito.

"Hindi ako nagteleport kung iyan ang iniisip mo" pang-una nito. Inirapan ko lang dahil hindi naman yon ang iniisip ko.

"Ows"

" Tanga. Masyadong malalim iniisip mo kaya di mo 'ko napansin" mala batang ani nito. Habang pilit na umaakbay sa balikat ko. Dahil mas mataas ako dito medyo nahihirapan si Andy..

" Mas tanga ka" sabi ko habang tumatawa. She's my best friend kahit napaka contrast ng ugali namin. Halos di nga ito marunong makipag-away kaya ako ang umaaway sa kaaway nito.

" E,pareho tayong tanga" humahagikgik na sabi nito. Patuloy parin ang tinginan samin ng mga studyante. Matalino ako pag ako lang estudyante. Tamad lang talaga ako mag-aral kaya pag sinipag ako bobo parin .

Hinila ako nito patungong clinic. "Gagawin natin dito?"

"Look oh" tinuro nito ang konting kalmot sa aking kamay.Bukod nga pala sa sampal nakalmot pa pala siya ng mga alipores nito. "Ang daming kalmot."

"Oo nakikita ko pero ano naman 'yon?"

"Duh,kailangan natin yan gamutin . You know naman ayoko magkaroon ng peklat ang balat mo huhu" tumingin pa ito ng paghihinayang sa balat ko. Kahit anong gawin ko hindi ko parin mapigilan ang kalokohan nito. Napabuga nalang ako ng hangin para hindi mapikon.

"Ang oa mo naman parang kalmot lang e" sabi ko habang pinipilit hilahin ang braso sa pagkakahawak nito. Bigla itong ngumuso at nagmamakaawang tumingin sakin.

"worried lang ako,okay?Lagi ka nalang napapaaway at laging may sugat sa katawan. Kung marunong lang ako makipagsapakan e sinamahan pa kitang awayin sila Ammy." seryong sabi nito na ikinatawa ko. Kung hindi lang ako gagalitan ni tita sinama ko na to sa pakikipagbasag ulo ko.

"Mas okay lang na ko ang masaktan hwag ka lang.Duh takot ko lang kay tita pag nagkaroon ka ng galos hmp!"

" i can explain naman na kinamot ko lang para di ka magalitan" pilyang sabi nito napailing nalang ako sa naisip nitong palusot.BOBO

"No!" pagtutol ko rito kasabay ng mabilis na lakad.Finally,makakalayo narin ako sa clinic hayst.

"KAMILA LOREN RAMOS SAAN KA PUPUNTA?" sigaw nito ng mapansin na malayo nako sa kaniya.

"Sa tambayan lang" sagot ko saka kumaway sa nagagalit na babae. Muli na naman akong naglabas ng chewing gum at dinura ang walang lasang gum na nasa bibig ko.

Deretsong pumasok ako sa di pa gaanong maingay na bar dito malapit sa school.Madalas itong puntahan ng mga feeling lasingero at lasingera.Hindi ako kabilang doon dahil hindi naman ko nainom. May respeto parin ako sa baga ko.Nakikipusta lang ako sa mga naglalaro ng bilyar dito. Tamang nood lang pero di naglalaro. Seryosong pinanood ko ang naglalaro nakapusta ako sa lalaking may pulang buhok na parang manok. Kilala ko ito dahil madalas rin ito mag bilyar dito. Isang pagkakamali lang nito di na ito makakatayo sa kalaban nitong may kulay dilaw na buhok.

"Tabi!" napatakip ako ng ilong sa sobrang  baho ng hininga nito pati narin sa alingasaw na naamoy ko. May bad breath na nga,may putok pa tas amoy marijuana. Napailing ako sa kabahuan ng lalaking to. Marijuana?

Hinabol ko ito ng tingin papunta ito sa may kumpol ng kabataan. May nilabas ito mula sa bag nito at tama nga ang hinala ko may marijuana.Nice!

Mabilis pa sa kidlat na kinuhaan ko ito ng litrato at pinadala sa police. Tumatawang nakatanggap agad ako ng  message galing dito. 

"Voltra bar"  yan lang ang nireply ko saka lumabas. Di pako nakakarating sa labas may umakbay na sakin.

"pre panalo iyong manok natin" napatakip ulit ako ng ilong.Ano ba yan lahat ba ng tao dito may bad breath? "kukunin mo pa ba iyong premyo mo?" napangiwi ako habang inaalis ang kamay nito sa balikat ko.

"Sayo nalang" ilag na sabi ko saka dali daling lumabas. Nakita ko agad sa malayo ang sasakyan ng pulis. Mga dalawa ito ngunit dalawa lang ang rin ang lumabas. Nanatili lang ako sa pwesto ko at pinanood ang dalawang papasok na pulis. Saka naman pumwesto sa  may bukana ang ibang naiwan. 

Nanahimik ang loob ng bar at napuno ng sigawan. Biglang naalerto lahat ng pulis habang ako masayang nanonood sa nangyayari. Ilang minuto lang lumabas ang mga drug addict na sinuplong ko kanina. Kasabay nito ang mga minorde edad na nakakapasok sa bar pati narin ang manager nito.

Hahanda nako sa pag-alis ng biglang may nagposas sa kamay ko. Gulat na tiningnan ko ito saka sinamaan ng tingin.

"Bawal to ah! may warrant of arrest ka?" matapang na sabi ko.

"Meron, kaya sa presinto ka na magpaliwanag" malamig na sabi nito at walang pakialam sa pagpupumiglas ko. Handa nako sa pagsipa sa paa nito ng mabilis nitong nabasa ang galaw ko at mabilis na nabuhat ako na parang sako ng bigas. Pilit akong umaalis sa pagkakabuhat nito ngunit naipasok nalang ako sa police car di pako nakaalis.

Kasama ko yung mga kapwa menor sa sasakyan.Tinaasan ko sila ng kilay at kunot noong tumingin sa may driver seat. 

"mga pare hindi nila ako kasama kaya pwede ba pakawalan nyoko" sabi ko na hindi naman pinakinggan ng mga pulis na to.

"mga bingi ba kayo?isusumbong ko kayo kay lolo" pananakot ko pero walang epekto sa kanila.

"ang batas ay batas kaya sana maintindihan mo bata" sabi nung mamang pulis na medyo matanda na.

"Let's go!" utos nito . Masama ko itong tiningnan ngunit di man lang ito tumingin sakin.

"yes inspector " magalang na sagot nito saka pinaandar ang sasakyan.

***

Kamila na po not Javisca. Nalito na ako and ngayon ko lang napansin. Thanks!

OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon