Chapter 10

470 17 0
                                    

"oh bat ganiyan ang mukha niyan" tanong ni manang ng makalapit kami.

"She's hungry po,that's why she's throwing tantrums," Samuel said.

Hindi na rin ako tumanggi kase gutom naman na talaga ako. Nakakapagod kaya umikot at maghanap ng mga fruits na bibilhin. At saka may dala ako ngayon at medyo mabigat iyon. Hindi man kasing bigat ng dala nila pero masasabi kong mabigat para sa akin.

Marami ng gising ng dumaan kami. May mga batang naglalaro at karamihan doon ay matatandang nagwawalis sa harapan ng bahay nila. Napapatingin naman ito sa amin animoy nangingilala.

I just smiled at them. Gumanti naman sila ng ngiti. They look friendly naman, siguro? Grabe rin ang ngiti ng mga batang nadaanan namin kaya kumaway ako.

Nahuhuli na pala ako sa kanila. Naging mabagal rin kase ang paglalakad ko.

"Nay, ayoko nga po. Haunted house po yon. Natatakot akong pumunta" sigaw ng bata. Nakita kong umiiyak ito.

" Ano ka bang bata ka. Umaga ngayon at may tao roon. Ibibigay mo lang naman yan sa tao roon" sigaw rin ng nanay niya.

"Ikaw nalang po nay." Hindi pa rin mapilit na sabi nito.

" Pag naabutan ka pa ng tatay mo"

"Excuse me po?"

"Anong kailangan mo ineng?"

"Saan po ba siya pupunta? pwede ko po siyang samahan"

" Ay nako salamat neng. Dyan sa bahay ni Don Ramos. May pinadadalang gulay kasi ang kaniyang amain. Ewan ko ba sa batang ito bat takot na takot sa pumunta sa bahay na yon" tila nawawalan na ng pasensya na sabi nito.

" Doon din po ako papunta." mahinahon na sabi ko. Tiningnan ko iyong bata at nagpupunas na iyon ng luha. "Samahan na kita"

Hindi ito nagsalita pero may kinuha itong bag at sumunod sa akin. I hold his tiny hand as we walk.

"Anong pangalan mo?"

"Tinyong po"

"Bakit ka umiiyak? "

" Ayoko po pumunta doon. Sabi po kasi ng kaibigan ko haunted house daw po iyon. May ilaw sa gabi e wala naman pong tao dyan"

" Actually, doon ako nakatira"

" Po? Edi multo ka po" nagtataka na tanong niya

" Hindi naman.Mukha na ba akong multo sayo? " pinisil ko pa pisngi nito. Kahit uhugin ito ang cute pa rin.

" Hindi po. Sabi po kasi may nakatira pong diwata at engkanto saka po multo" inosenteng sagot nito. Natawa ako.

I'm not aware of any rumors circulating about our mansion. Yes, it's just our vacation home, so I can't blame them for thinking it's haunted.

"Hindi kaya haunted house yon. Maganda sa loob promise"

" Baka po kase multo ka tas mamaya papangit ka na po pag pasok dyan"

" Ay may trust issues"

" Ang ganda niyo po kasi. Kahit po may maganda po dito iyong ganda mo po hindi katulad sa kanila."

" Nope, they're also pretty. Mas nakikita mo lang sila araw araw kaya sanay ka na but ngayon mo lang ako nakita kaya naninibago ka pa." sagot ko. Tumango tango naman ito.

Sumenyas ako sa guard namin ng makarating kami. Sumama ito sa amin kaya medyo naiilang si Tinyong.

"Kuya,kami nalang po ang pupunta doon. Maiwan niyo na po kami"

" Ay sige po maam"

" Wow ang ganda ng bahay" Tinyong look amazed. His lips parted to form a circle.

" Sabi ko sayo e hindi ito haunted" i said assuring him.

OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon