Chapter 9

428 14 0
                                    

Maaga ako nagising. Five am palang ay gising na ako. Namamahay pa siguro ako. Naabutan kong gising na ang ibang maids. Nagulat pa nga sila at ang aga kong gumising.

"Wala pa palang laman ang ref dito. Gising na ba sila manong"

"Si Samuel pa lang ang gising manang"

" Ay yoon nga. Isasama ko sana sa palengke para may tiga buhat ako ng mga bibilhin"

"Can i go with you po. Gusto ko rin pumunta sa palengke" sabat ko. Curious lang talaga ako. Gusto ko rin mamasyal dito.

" Sigurado ka ba, baka hindi mo kayanin ang amoy doon"

Wala ba silang tiwala sa akin. Duh mabahong putok nga sa kilikili ng mga taong nakakasalubong ko ay nakakaya ko naman.

"Maliligo lang po ako"

"Ay wag ka na maligo. Tama na iyang suot mo. Malapit lang naman iyon at sa palengke naman ang punta natin"

" Po? Hindi pa po ako nakakapag suklay"

" Ay nakong bata ka. Itali mo nalang iyang buhok mo. Malapit na mag alas sais. Mabuting mauna tayo doon para makamura sa bilihin"

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Baka iwan pa nila ako. Kaya inayos ko nalang ang buhok ko at sumama sa kaniya. May dala silang basket para lagayan ng bibilhin.

Paglabas namin andon na pala si Samuel naghihintay sa labas. He's wearing white sleeves shirt and short. Naka tsinelas rin ito. Ang magulo nitong buhok ay bumagay sa kaniya.

"Good morning" bati nito. Kinilabutan ako. Ako lang ba nakapansin na parang ang lambing ng pagkakasabi nito.

"Morning" tipid na sagot ko. Nilampasan ko ito at pumunta sa gilid ni manang. Grabe ang kaba at wala pa mang init ay pinag papawisan na ako.

Grabe kaseng pandesal agad ang bungad sa umaga. Bakat kaya ang pandesal nito sa tuwing hahangin. Gaya nga nang sinabi ni manang ay malapit nga ang pamilihan bayan dito.  Pasimple akong sumusulyap sa likod. Nahuhuli kong nakatingin rin ito kaya inabot ako ng hiya.

Anong tinitingin tingin niyan. Dukatin ko mata niya .

"Ayos ka lang ba iha? Kanina ka pa panay tingin sa likod. May tinitingnan ka ba?"

"Wala ho" kabadong sabi ko. Hinawakan ko agad pisngi nito ng akmang lilingon ito sa likod.

Tumingin lang ito ng may kahulugan bago dumeretso sa paglalakad. Kahit maaga pa ay buhay na buhay na ang palengke rito. Ang dami na rin namimili gaya namin.

"Mabuti pa ay maghiwalay tayo. Kami nalang ang bibili ng isda at karne sa gawi na iyon. Samahan mo naman si Samuel sa gulayan at mga prutas" sabi ni manang.

Hindi ako nakaangak kase ngumiti ito. Alam ko naman ang ngiti nito. May meaning talaga.

"Sa fruits section ako tas ikaw sa vegetables" sabi ko. Hindi pa rin makatingin dito. Kunwariy binabasa ko ang hawak kong papel na may sulat ng bibilhin namin.

"I'll go with you. Bubuhatin ko pa mga pinamili mong prutas"

"No. I can handle it. Kaya ko naman iyon." Mabilis na sagot ko. Ayoko ko siyang kasama.

" Are you avoiding me?"

" Bat naman kita iiwasan?"

" I don't know. Maybe you're already catching feelings?"

" Kapal ng mukha mo" umangat ang tingin ko. Namula ako nang makita ang klase ng pagtingin nito. Masyadong nakakatunaw.

"Sasamahan ka na kase. I'll carry your things or baka gusto mo rin na buhatin kita?"

" Umayos ka nga Mr. Sullivan"

" Gamit na gamit mo na ah. Ready ka na siguro sa ganiyang surname mo"

" Hindi nakakatuwa. Ha ha ha" pikon na sabi ko at iniwan ito.

Nagsimula akong mamili sa fruit section. Inuna ko iyong avocado kase favorite ko iyon.

"Choose some green avocados" biglang salita nito sa may likod. I can smell his mouthwash and feel his hot breath .

"Wag ka nga lumapit" singhal ko lumayo ako dito.

"Why? you're affected?"

"Ang dami mong tanong. I don't need your opinion okay. I will choose whatever i want."

" Eh you can choose me also if you want" banat pa nito. Feeling ko pulang pula ko na. Hindi ko alam kung ba't

" SAMUEL!" sigaw ko sa pangalan nito dahil sa inis.

" yes misis ko?" Tumatawa pa nitong sagot.

" Shut up"

Nakakahiya sa tindera oh. Sabihin ang aga aga ay lumalandi agad kami. Ewan ko rin sa isang to. Ano ba nitong nahithit nitong droga para maging ganito siraulo. Hindi nako natutuwa kase kanina pa ako kinikilig kahit ayoko naman. May epekto ang ginagawa nito sa akin. Mas gusto ko pa yung civil treatment niya kaysa ngayon. Ano mang oras ay mawawalan ako ng ulirat sa kilig.

"Isang kilo nga po ng avocado" sabi ko. Binalit nito sa dyaryo kaya kinuha ko iyon at nilagay sa basket na dala ko. Binigay ko ang isang daan dito. Nang makuha ko na yung sukli ay pumunta naman ako sa ibang prutas.

Agad akong naglaway ng makita ko iyong prutas. Ang bango bango ng amoy nito.

"Ano pong tawag sa fruit na iyan?" Tanong ko kay Ateng nagtitinda.

"Langka ang tawag dyan" sagot ni Samuel sa likod ko. Natigilan ako saglit at tumitig sa langka na sinasabi niya.

"How much po sa isang buo niyan?"

"Itong buong langka kamo?"

" Opo"

Kinilo naman nito iyon. " 580 neng 550 nalang para sayo" nagagalak na sabi nito.

Inabot ko dito iyong isang libo. Tiningnan ko si Samuel. Nakataas lang ang kilay nito habang nakatingin sa prutas na iyon.

"Dalhin mo iyan."

"Mabigat"

"Kayanin mo. Ikaw magbubuhat diba" uyam ko. Nagkibit balikat nalang ito at binuhat iyon. Nagpatuloy ako sa pamimili ng prutas saka gulay.

Tahimik naman si Samuel sa may gilid ko. Namimili lang ako nang namimili saka ibibigay sa kaniya. May dala na rin ako at kawawa rin naman ito hindi na alam kung saan pa ilalagay ang another basket.

"Do you know how to eat this?" Turo nito sa Langka na dala nito.

"No, but I'd like to try it again. I'm sure I've eaten that before, but I can't remember when. Also, this fruit appears to be very familiar." Ani ko.

Hindi na ulit pa ito nagtanong. Kahit ako medyo naguluhan. Hindi naman ako bibili kung hindi ko alam kung paano kainin. Na feel ko lang na namiss ko iyong fruits na iyon.

"Ikaw,do you know how to eat that?"

"Yeah. I used to eat this with her when I was younger. We both like how sweet it is."

" Kailangan pala by partner. Pwede naman kaininin yan ng by group" bulong ko. Ewan ko pero naiinis ako. Sino naman yung her na yon.

" May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko uuwi na ako" galit na sabi ko at iniwan muli ito. Bahala nga siya. With her pala ha. Edi kumain kayo ulit mga bwiset.

___
Guess who's back?

OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon