Chapter 19

325 7 0
                                    

Lahat kami ay masaya nang matapos ang game. Nanalo sila at nanalo rin ako. We decided to celebrate our victory sa isa sa mga resort dito. Isang oras ang byahe. Pumayag naman si lolo kase kasama ko si Samuel.

Napalingon ako sa kaniya ng maramdamn ko ang kamay nito sa may hita ko. Hinahaplos niya iyon at pinipisil. Tahimik kami buong byahe.

Natatawa ako sa tuwing iiwas ko ang hita ko. Hinahabol niya iyon at sinasamaan ako ng tingin.

Nang makadating kami ay kaniya kaniyang baba ng mga gamit. Hindi naman masyadong marami ang dala ko dahil pang isang gabi lang naman kami dito. Kung masisiyahan ay mga dalawang gabi na.

Hindi naman ako hinayaan ni Samuel na dalhin ang mga bag ko. Mga magagaan na gamit lang ang dala ko.

"Here's the keys sa mga room na nireserve ko." abot ko sa kanila. May apatan at tatlohan. Magkahiwalay kami ng room ni Samuel and si Andy ay hindi na nakasama dahil uuwi na rin sila ngayon. Sinundo siya ni tito.

"We can share—"

"No, what if malaman ni lolo."

"Hindi naman niya malalaman" kumindat pa ito. Natawa ako pero nailing iling pa rin.

Hindi talaga pwede. And im saving myself. Baka puro kahihiyan na naman ang gawin ko.

"I'll just sneak in" pahabol pa nito bago ito naunang naglakad.

Laglag panga ko lang itong sinundan ng tingin. He must be crazy.

Lakad takbo ko itong hinabol "T-teka.."

Mas lalo ko pa binilisan ang lakad ko para habulin ang pasara nang elevator. Walangya mukhang walang balak itong pigilan ang pasarang elevator.

"SAMUEL!" i shout angrily. How could he! Nakangiti pa ito samantala galit na galit na ako. "Sige tawa pa" asar na sabi ko.

"sorry ang cute mo kase" aniya.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik. Im mad at him. Does he think it's funny. Nang mapansin nitong hindi ako kumikibo ay panay naman ang sundot nito sa may tagiliran ko. I ignore him. Galit ako... galit na galit.

Hanggang sa makarating ako sa kwarto ko hinayaan ko lang itong ipasok ang gamit ko. Naghintay lang ako sa labas. Nang lumabas naman na ito saka ako pumasok at walang pasabi na sinarhan ang pinto.

Pinabayaan ko lang ang sunod sunod nitong katok. Wala talaga akong balak na labasin siya or pagbuksan. I make myself busy. Inayos ko ang dala kong damit at nagpalit narin para bumaba mamaya. Hindi naman pwede na hindi ako kakain kahit na galit ako kay Samuel. Sakaniya lang ako galit pero kailangan ko parin makisama sa mga kasama namin dito. Pumunta nga ako dito para magrelax tas i-stresin ko sarili ko kat Samuel. no way!!

Isang mahabang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago  lumabas sa kwarto. Wala naman akong nakitang Samuel na naghihintay sa labas ng kwarto para manuyo. Really?...

Mas lalo tuloy sumama loob ko. He's not making effort para magkabati kami. Mas gusto ba nito na magka away kami so by that wala gaano mangungulit.  Oo na... nag iinarte lang ako. Gusto ko rin naman ng lambing. I'm the one who started it pero napapasuko na ako.

Natagpuan ko nalang siya sa may seashore kasama ang iba pa. Masaya silang nag aayos doon ng mga dalang gamit para sa pagluluto. Alinlangan akong lumapit doon. Liliko pa nga sana ako kung hindi lang ako tinawag ni Kiko.

"May maitutulong ba ako?"

"Wala na maam. Magpahinga ka nalang po doon, kaya na namin to" Kiko replied.

" No..its fine really. I want to help din kase" pilit ko. Nakakahiya naman sa kanila.

Although wala naman akong alam sa ginagawa nila at least i offered a help than nothing.

Sa huli ay hindi pa rin sila pumayag. Napanguso tuloy ako at napilitan umupo nalang sa mat gilid habang nanunuod sa kanila.

Nahuhuli ko rin ang kanina pang pag sulyap ni Samuel. Yes,sumusulyap lang ito but hindi lumalapit. Ano magkakaayos ba kami sa katitingin niya. Kahit titigan niya ako magdamang ay wala rin mangyayari kung wala man lang siyang gagawin.

Sa muling pagtingin nito ay inirapan ko na. Tumayo na ako at lumapit kala maria na nag iihaw. Marunong naman ako mag ihaw kaya ito lang ang maitutulong ko.

"Guys tikman niyo niluluto ni maam Kamila. Masarap!" ani ni Maria. Hawak nito ang dalawang stick ng barbeque.

"Ano ka ba maria. Nag iihaw lang ako dito kayo pa rin ang nagtimpla niyan"

" Sus Maam...Ang pagkain na may halong pagmamahal ay mas lalong masarap. Ganiyan po pag talaga nasa tamang relasyon na. Hindi tulad ng isa dyan puro pangako" pagpaparinig nito. Nagtataka man ay nahalata ko rin kung sino ang gusto nitong paringgan.

Magiliw ko naman na inabot sa kanila ang barbeque na naluto ko na. Kinabahan ako nang lumapit na si Samuel sa may pwesto ko. Hihingi rin siguro?

"Let's talk" aniya.

"May dapat ba tayong pag usapan?" suplada na tanong ko dito.

"A lot... Follow me ,Loren" saka ako nito tinalikuran. Napatigil ako ng saglit. Did he just call me Loren? Asan na ang endearment niya saakin....Galit ba siya?

Tahimik kong iniwan ang niluluto ko at sinundan siya. Pinanatili ko pa rin ang distansya naming dalawa.

Nang huminto ito ay huminto rin ako.

"Ano bang pag uusapan natin?Bakit dito pa sa walang tao." i said. Masyadong madilim sa lugar na ito. Dahil sa gabi na rin at hindi rin sakop ng ilaw ng mga poste kaya tanging aninag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw para makita ko ang mukha niya.

I heard his deep sigh. "Let's fix this. Bakit ka ba nagalit?"

Hindi ako nagsalita. Ba't hindi niya kase gets. " Alamin mo"

" Hindi ko nga alam, that's why im asking. You can tell me hindi yong pag iisipin mo pa ako kung ba't ka nagalit. Hindi ako manghuhula. "

He has a point but my ego...

" Aalis na ko"

" We're not done yet, Loren. Let's talk and fix this problem of yours." he sounds angry. Kinabahan ako. Kasi naman e!

Nagtuloy lang ako sa paglakad paalis. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang buhangin sa may paahan ko dahil buhat buhat na niya ako ngayon.

Para akong sako ng bigas na dala dala niya. Ibinalik niyako ulit sa pwesto namin kanina bago niya ako ibinaba.

"Ano ba!"

"Talk." ma awtoridad nitong sabi. Pinaningkitan ako nito ng mata.

"It's your fault.. Hindi mo man lang pinigilan iyong elevator kanina. Tuwang tuwa ka pa"

" Iyon lang?"

" Anong 'iyon lang?' " iritado na tanong ko.

Bumuntong hinininga ito. Matagal itong natahimik bago magsalita "Im sorry."

"Ok"

"Papansinin mo na ako?"

"Oo nga."

"Ba't galit ka pa rin"

" Hindi na ako galit!"

" Prove it,Loren" hamon niya.

Natawa ako. Para itong bata na halatado naman na may gustong ipahiwatig. Naiiling na nilapitan ko ito at dinampian ng halik. Mabilis na kiss lang sana iyon but he grabbed my waist and deepen our kiss.

Namumungay mata itong tumingin pagkatapos ng halik. Habol hininga naman ang napala ko. Damn.

"Bumalik na tayo ron" i suggest.

"Isa pa?"

"What?Tama na...."

Muli ay siniil ako nito ng halik.

" Tamis mo"

_____

OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon