Chapter 28

343 11 0
                                    

Mabilis naka recover si Basty. Isang linggo akong hindi pumasok sa trabaho. Alam naman iyon ng mga empleyado ko. May sinabi pa nga silang hinahanap ako nung client namin last time. Kasama daw nito ang friend niya na nagustuhan ang cake and cupcakes na gawa nila. They also give a huge tip kaya idadagdag ko ito sa sweldo nila.

"Baby,halika dito" tawag ko kay Basty. Nasa park kami ngayon,katatapos lang ng pasok niya.

Andito rin ang ibang classmates niya together with their parents. Nag b'bonding. Pawisan itong lumapit. Pinunasan ko ito at nilagyan ng bimpo sa likod. Ang gwapo talaga ng anak ko. Mamula mula pa ang pisngi nito.

"Gusto mo bang pumunta sa cafe?" aya ko.

Agad kumislap ang mata nito. "Mommy pwede ka po mag bake sakin ng cake please"

Mahina kong pinisil ang ilong nito. He's acting cute again.

"Of course,baby. Basta konti lang ha bawal masyadong matamis" sabi ko.

Agaran naman itong tumango. Sumakay agad ito sa backseat at prenteng naupo. He's smiling too much. Halatang excited ito. Minsan ko lang kasi dalhin doon si Basty.

Nang makarating kami. Pinauna ko muna siya pumasok sa loob. Deretso ako sa likod,may kukunin ako sa compartment. Bagong gamit sa pag b'bake.

"Let me help you" a soft baritone voice spoke behind me.

"Yes please..." pag payag ko agad. Gumilid ako saglit para bigyan siya ng space.

"You should ask your stuffs to help you,babe" he sound grumpy na animoy hindi ito natutuwa sa nakita niya. I trembled when he called me that. I just ignore it at first cause maybe im just hallucinating. How could be its him when he's in the Philippines.

Natigil ito sa pagkuha ng gamit. I know he's eyeing me. I remained stilled but im aware of his movements. Mabilis ang pangyayari, he's now embracing me with his hard arm. Ow God! I miss his smell. Ganito pa rin iyon.

"Pansinin mo naman ako oh" puno ng pagmamakaawa boses nito.

Napaiyak ako sa tuwa at the same time pangungulila. He's here. Tinupad niya....

"Shhh" he mumbled " sorry..sorryy,hwag ka na umiyak" pang alo pa nito.

Mas lalo akong napaiyak. Ang tagal ko itong hinintay. Ang tagal ko siyang hinintay.

"M-mommy!" Sigaw ni Basty na nagpahiwalay saamin. He's crying.

Galit na binigyan nito ng munting suntok si Samuel.

"Bad ka po.. You made my mommy crwy" he keep punching Samuel.

Agad akong lumapit dito para pigilan ito. He's still punching Samuel.

"Baby stop that okay" mahinahon na sabi ko. I captured his tiny hands. Naguguluhan naman itong tumingin saakin at kay Samuel. Hindi pa rin ito kumbinsido na makita ang munti kong luha.

"B-but he is b-bad po!" He refute .

Umiling ako. Ayoko naman na mali ang isipin niya. "He's your dad, Basty."

"Wala po akong d-daddy"

Natigilan ako. Nag aalala na tumingin ako kay Samuel. Of course he's hurt but he manage to smile. "It's okay. I still have a lot of time..."

"Sorry,maybe he's shock kaya..."

"You don't need to be sorry, babe. It's my fault."

Galit pa rin ang mga matang binigay ni Basty kay Samuel. Wala akong nagawa kundi magpaalam muna kay Samuel na papasok kami sa loob. Hinayaan naman niya kami pero sumunod rin ito papasok doon. Pinaupo ko lang si Basty sa may malapit sa counter. He's eyeing Samuel sa may gilid. Pag natingin naman si Samuel sa gawi nito ay agad itong babawi ng tingin.

Ang tass naman kasi ng pride. Namana pa ata saakin. Kumuha ako ng bake cookies at lumapit kay Basty. Maybe this will help to lift up his mode. Mamaya na iyong cake na nirequest niya. Im still working on it. Kailangan ko lang ng makakain ito baka kung saan saan pumunta.

"Maam!" Humahangos na pumasok si Maria.

"Bakit?" takang tanong ko.

"May pogi po sa labas. Kanina pa po iyon dito hindi naman naorder"

"Iyong nasa may gilid ba?"

She nod "Tumpak madam. Mukhang may masamang balak kanina pa natingin kay Basty e"

"Don't worry. He's harmless" nasabi ko nalang. Konti nalang matatapos ko na ito. Plano ko rin na kausapin si Samuel. Ang tagal ng panahon na nawala siya. I have a lot of questions and gusto kong malinaw iyon.

Nang matapos ko iyon ay naglagay na ako sa plato. Isa kay Basty at isa kay Samuel. Gumawa na rin ako ng drinks para sa kanilang dalawa. Pag labas ko ng kusina ay ganon pa rin silang dalawa. Hindi pa rin nagpapansinan.

Dumeretso ako kay Samuel at doon nilagay ang dala ko. Tumingin ako kay Basty. Nakatingin din ito sa akin. Disappointed itong hindi ko sa kaniya dinala ang hawak kong cake. Nag motion akong lumapit siya dito alanganin man ay pumunta na rin. Maybe because hindi niya papalampasin ang cake niya. Mataas ang pride ng batang ito pero tiklop sa red velvet cake.

Tahimik na umupo ito sa may tabi ko. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Samuel. I sighed deeply. This going to be hard.

"Uhm?" pag tawag atensyon saamin ni Samuel. Tila nangangapa ito ng sasabihin.

"Kailan ka pa dito?"

"Last week. Ngayon ko lang nalaman exact location niyo."

"Why? You have power and connection para mahanap kami" duda na sabi ko.

He shrugged "Yeah,i have power and connection but your lolo is way more powerful than me. Im just his mere assistant. Dati ko pa kayo gustong puntahan but he's using all of his connection to blocked any information about your whereabouts." He explained.

"And now?"

"Nagtrabaho ako sa kaniya for years. Naging acting CEO-"

"So ikaw yon?"

"Hmm. He made me do it. He trained me. I quit my job. I also made that 2 go to jail. I finished all the works para pag nakita ko na kayo, marami akong time para sainyong dalawa. I know,its hard to believe-"

"Don't worry naniniwala ako sayo. Hindi naman iyon nawala e. Pero hindi ko mapapangako na matatanggap ka agad ng anak natin."

" Okay lang. Marami pa naman akong time para suyuin kayong dalawa." Aniya.

Hindi nalang ako umimik. Alam kong naiintindihan kami ni Basty. Kahit makulit ito he's matured. Alam niya ang pinag uusapan namin.

Tiningnan ko ito. He's still eating his cake.

"Ayaw mo ba?" tanong ko kay Samuel ng hindi ito kumakain ng dala kong cake.

"Gusto"

"Ba't hindi mo pa kinakain?"

"Ibibigay ko nalang kay Basty baka gusto pa niya?" hindi siguradong sabi nito.

"Ayaw na niya. Hindi nga nagsasalita oh" i teased.

Kitang kita ko ang pag higpit nito ng hawak sa kutsara. Ang kaninang walang pakialam na awra nito ay ngayon na nakatingin saakin.

"G-gusto ko pa po" nahihiya na sabi nito kay Samuel. Namumula pa ang tenga nito sa hiya.

Marahan akong natawa. "See.. he can't resist"

Lalo akong napatawa. Ngumiti lang si Samuel. Nakatingin ito sa anak namin..... anak namin...

"Mwommy stop teasing me po!" puno pa ng laman ang bibig nito.

"Okay... Tapusin mo yan kase mamaya mag uusap tayo ha!"

"Okey po!"

________
4-10-23

OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon