Chapter 16

449 13 2
                                    

Kami lang ni Andy ang nagsasalita sa byahe. Ang tahimik nila and parang wala rin kay Andy kahit marinig na ng iba topic namin.Andy keeps on mentioning Lucas name. She was teasing me. Saying Lucas and I look good together. I know she's doing it on purpose.

"Ayon nga. I can feel he's really interested to you. Laro ang pinunta doon pero sayo lang naka focus buong game"

" You're being malicious lang,Andy. Nakikipag kaibigan lang yong tao."

" Doon din naman punta non. He's asking you to be his friends then after that maging girlfriend naman" sinadya nitong laksan ang boses nito.

"Ang lawak ng imagination mo noh?" hindi makapaniwala na sabi ko. Sumusumpong na naman kabaliwan nito.

" What? Duh im helping you lang naman cause you're so MABAGAL and TORPE. Gusto mo na yong tao pero di ka gumagawa ng way to catch his ATTENTION or CONFESS your feelings diba. Pasalamat ka saakin binibigyan pa kita ng tips. Mahirap na baka MAUNAHAN ka pa ng iba" madiin na bigkas nito sa ibang words.

Hindi ko alam kung ako ba pinaparinigan nito or si Samuel. Madali ko ng busalan bibig nito sa sobrang daldal. Natigil lang kami ng makarating na kami.

Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw ni Samuel. He's avoiding me na ha. Hindi nga kami nilingon at umalis na lang ang gago.

Tinatawanan lang ako ni Andy hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.  "Wala ka pala e. Akala ko naman tatablan ng parinig ko. Di ka yata talaga bet?"

"Manahimik ka nga. Kinakabahan ako sa sinasabi mo. Mamaya madulas ka masabi mo pa"

Kumuha ito ng unan saka binato saakin. " Ang bagal niyo kase. Halata naman na gusto niyo ang isa't isa. Ano ba hinihintay niyo."

"Wala sa motto ko ang umamin. Nakakawala ng angas. Siguro patulan ko nalang paghaharot ni Lucas para naman matrigger siya diba."

" Ay bet ko yan. Tama yan walang aaminin hanggat hindi siya umaamin. Gwapo rin naman si Lucas,pwede mo siyang ipalit pag di ka talaga bet ni fafa Sam." Bahagya akong nadismaya sa sinabi nito. Maybe he's playing with my feelings lang.

"Hanggang kailan ka ba dito?"

" Im not sure cause hinihintay ko pa tawag ni Dad. May flight kami papunta france to visit our relatives. Worst baka doon ako pag aralin,kainis!" Iritado ito. Alam niyang ayaw nito mahiwalay sa kaniya. Para silang langaw at tae. Kung nasaan ang tae andon din ang langaw.

" Well that's good. Gusto ko rin mag aral abroad but lolo won't let me. Walang mag aasikaso sa company niya. Wala akong alam sa ganiyan at isa pa ayaw ni lolo sa ibang bansa. Mahal na mahal niya ang pinas" kulang nalang tumirik mata niya sa inis.

Hindi ko naman maiwan si lolo. Iniisip ko ay matanda na ito para pasakitin ko pa ulo. Baka nga pag nag away kami multohin ako ng magulang ko. Siya na nga lang naiiwan saakin tapos iiwan ko pa para lang mag aral sa ibang bansa.

Naubos ang oras namin sa pag kkwento.
We just took a quick half bath. Nakatulog naman agad si Andy pero ako. Gising na gising pa rin. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng gatas sa kusina. Hindi kase ako makatulog.

Madilim na at tulog na silang lahat. Tahimik lang ako pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Ibabalik ko na sana yunh gatas sa ref ng may magsalita sa likod ko.

"Can't sleep?" Mahinang tanong nito.

Napahawak ako sa may bandang dibdib ko. My heart is beating faster. Nanlalamig ako na kinakabahan.

"Yeah. Insomnia."

"Hmm. Would you mind joining me" pinakita nito ang hawak nitong alak.

Nag aalinlangan pa ako pero tumango na rin. "Sure, hindi rin ako makatulog baka alcohol will help..."

"Let's go to the garden?"

" Hah? Gabi na at ayoko nga doon masyadong madilim"

" I mean the secret garden. Mas tahimik at maganda ambiance doon"

" S-sige" utal na sabi ko. Nauna na akong lumakad dala ang glass of milk. Iinomin ko rin to pagtapos ng alak.

Nakasunod naman ito saakin. Tahimik lang kami naglakad sa hallway. Parang yabag ko nga lang naririnig ko e. I can't hear his footsteps. Ang galing. Sanay na sanay siguro ito sa taguan.

Namangha naman ako na hindi siya madilim sa loob. Ang liwanag ng buwan bilog na bilog iyon.  Inilagay nito ang dala nitong puting tela sa carpet. Pinanood ko lang ang ginagawa nito. May dala kase itong alak at iba pang pagkain. Kulang nalang isipin ko na pinaghandaan nito iyon. He's more than prepared. Ako lang yong hindi.

"May plano ka ba mag picnic dito tas nakita mo lang ako kaya ready ka nyan?" Hindi ko mapigilan mag tanong.

He chuckled but his eyes filled with amusement. "I planned this. Nasaktohan ko lang na hindi ka din makatulog. Hmm maybe you're thinking of me?"

" K-kapal! Hindi kaya... Late natapos kwentohan namin ni Andy kaya nahirapan na ako matulog. B-baka ikaw yung umiisip saakin kaya di ako makatulog"

He smirked " Gumana pala yon...Yeah Im thinking of you."

" W-what?"

" Kilig ka naman"

Nawala kaba ko napalitan iyon ng inis. Bwiset talaga.. bwiset.

May iniabot saakin itong baso. Tinanggap ko naman iyon.He poured wine into my glass.

"Were having a date" aniya.

Muntik ko pa mabitawan hawak kong baso sa sinabi niya.

" No were not"

" Do you want to go out on a date with me?"

Hindi ako nakasagot. Pinakatitigan ko lang ito kase sa tingin ko kanina pa ito nainom at may tama na ito ng alak.

"I'll take that as a yes" namumungay mata na sabi nito saakin.

"What game are you playing hah. Hindi na ako natutuwa. If you're doing this just to fucking play my feelings. Itigil mo na kase nakakainis ka na"

"Who told you I was playing? I'm serious here. I'm hurting, you know. I'm your boyfriend, but you forgot me. You damn forgot me. How long will it take for you to remember me? I'm losing hope. Just please come back to me," he yelled at me. His gaze is sad and lonely.

Hindi nakatakas saakin ang pagtulo ng luha nito ng agad din naman nitong pinunanasan.

"Tangina naman. Ang tagal mo naman makaalala. Nakalimutan mo na ako. Akala ko maalala mo na ako pag nakita mo ako. Tangina hindi pa rin pala. Kung alam ko lang na ganito kasakit,edi sana naniwala na ako sa punyetang doctor na yon." puno ng paghihinagpis na sabi nito.

Hindi ako makagalaw at wala rin akong masabi. Hindi ko alam ang sinasabi niya pero nasasaktan ako. Ba't kase siya umiiyak,bat kase sinasabi niyang boyfriend ko siya. Alam kong nakalimot ako pero hindi ko alam na parte pala si Samuel sa nakalimutan ko.

"I" humihikbi na turan ko. Naguguluhan ako. Ayoko ko siyang nakikitang umiiyak .

Lumapit ako sa pwesto niya. Nanginginig na pinahiran ang luha nito gamit ang palad ko. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo...pero please stop crying. H-hindi ko kayang makita na umiiyak ka.. nasasaktan ako"

" Wala na ba talagang pag asa na maalala mo ko?" nanghihina na sabi nito.

" H-hindi ko alam"

" Itigil ko nalang siguro. I'm just a part of your past. You have indeed forgotten about me. I should move on and forget about you as well."

Para akong nawalan ng buhay sa sinabi nito. Sumusuko na ba siya. Ba't hindi na niya kaya.

Napahagulhol akong tumingin dito. Hindi ko kaya. "No... Don't leave me please. Hindi man kita maalala pero gusto naman kita. I like you Samuel. I like you alot. I promise I'll do my best para lang maalala ka. Hwag mo naman akong iwan. Gusto kita.. Gustong gusto" kinakabahan na pag amin ko dito.

Wala na akong ibang maisip na paraan para mag stay lang ito. Kahit ako na yung unang umamin okay lang. At least mag stay siya.

_

OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon