Chapter 18

359 10 1
                                    

I rest for a while to condition myself. I couldn't stand missing Samuel's game. I'm dying to see him play. Sa ilang oras na pamamahinga. Ramdam ko naman na bumubuti na pakiramdam ko. Nawala na rin headache ko.

Pinalabas ko muna si Samuel kase mag aayos ako ngayon. Alas kwatro daw start ng game ngayon. Maraming ganap dahil bukas ay fiesta na.

Kalalabas ko lang ng banyo ang siyang pagpasok ni Andy sa kwarto ko. Hinihingal pa ito.

"You okay na ba? Naghahanap sila Samuel ng muse nila."

"Pwede naman na ikaw. Ikaw nalang kaya" i suggest. Umiling ito.

"No way! Ikaw nga ang pinunta ko kase ikaw ang muse ng team nila" pinakita nito ang hawak nitong yellow jersey "see this... Pangalan mo nakalagay diba. They had already planned this, but you became ill. Papayag ka ba ng magpatalo sa nagpapansin sa bebe mo?"

"No way!.."

"See!! Kaya isuot mo na to. Aayusan pa kita" she beamed. Excited nitong tinulak tulak ako sa banyo at binigay saakin yung jersey.

Wala akong nagawa kundi isuot iyon. Lumabas ko at pinakita iyon kay Andy. Para itong baliw na nangiti saakin. Ngayon lang ba to nakakita ng babaeng naka jersey.

Hinila ako nito paupo sa may vanity table ko. Ang daming make up ang nakalagay doon. She started putting some powder on my face. Hindi ako nag apila. I know her, mahilig siya sa ganito and expert din siya. Kung tutuusin sa kaniya lang ako natuto maglagay ng kolorete sa mukha. Matapos nitong ma satisfied sa mukha ko,isinunod naman nito ayusin ang buhok ko. Pakanta kanta pa ito habang inaayusan ako. Tuwang tuw naman ito nang matapos na siya. Nakita ko na rin sa wakas ang mukha ko ng iharap ako nito sa salamin. Walang pinagbago,maganda pa rin.

"Pretty as always", she compliment.

I flipped my hair "Ako pa"

Pumili na rin ito ng sandals na isusuot ko. She's good at this. Fashionista kulang nalang i hire ko siya.

"Perfect! Ewan ko nalang kung di pa lumuwa mata nila sa ganda mo. You're so perfect"

"Grabe papuri mo baka lumaki ulo ko niyan " i joked.

Umirap ito " Hwag ako ha! Matagal na malaki ang ulo mo dahil sa dami ng compliments na natatanggap mo"

I humbly smiled and checked my self again in the mirror. Ang ganda ko. Syempre ako ito malamang pupurihin ko sarili ko.

"Taralets na. Text already texted me na. Malapit na mag start ang  game"

Nauna na ito palabas kaya kinuha ko lang iyong hand bag ko at sumunod dito. Pinagpapawisan ako na nilalamig sa kaba. Im confident naman but andon si Samuel kaya i feel nervous.

Pagkadating pa lang ay hinila na ako ni Andy. Hindi pa naman nastart but lahat ng players ang nakatipon na. Kabado ako na naglakad sa pwesto nila Samuel. Hindi pa nila kami napapansin pero malamang magagalit iyon dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Start na ba guys?" sabi nito sa may kalakasan na boses. Tumingin naman sila kay Andy.

"Ba't hindi mo suot iyong jersey,ganda?" one of them asked.

" Cause hindi ako ang muse niyo fyi." malawak ngiti ako nitong hinila sa harap nila.

Ngiwi akong ngumiti ng magtama tingin namin ni Samuel. He look surprised at the same time mad?

"Maam" gulat na sabi nila.

"Hello! Uh" awkward akong tumingin sa kanila. Pilit kong iniiwasan ang tingin ni Samuel lalo na sa suot ko. Hindi naman siya revealing sa itaad but sa ibaba,yes,since naka skirt ako na sobrang ikli.

Nawala ang awkward atmosphere ng magsalita na ang mc for this game. Nagulat naman ako ng biglang hapitin ni Samuel ang bewang ko.

"W-what?"

"Stay closer to me. So they'll know that you're mine and forbidden" mahina lang pagkakasabi niya pero para akong praning na naghahanap kung sino ba ang nakarinig nun.

"Hibang ka na" i uttered.

Ngumiti lang ito saglit at sumeryoso ulit habang nakikinig. Inalis ko na rin ang pagkaka hawak nito sa bewang ko nang tawagin na kaming lahat na muse. Bale may anim na team kaya nasa gitna na kami.

Sa dami ng sinasabi ng host halos hindi ko yon mapakinggan dahil sa matalim na titig ni Samuel. It gives me a sudden chill. Iba ang awra nito na para bang hindi natutuwa.

The program started and the other candidates starts to ramp and present their team. Hindi ko na marinig ang sound system sa lakas ng hiyawan nila. Hinanap ko agad si Samuel at gaya pa rin kanina,nasaakin parin ang atensyon nito. Nakahinga ako ng maluwag. Good... I thought he's busy eyeing the other candidates.

When it's my turn na ang kanina na hiyawan ay mas lalong dumoble sa lakas. It gives me more confidence na ibalandra ang makinis at mahaba kong hita. Mukha ko pa lang ay nakakapatulala na isama mo na ang sexy kong katawan.

I smiled and did my pose in the center of the court. Sa tingin ko naman at nagawa ko ng ayos ang role ko as their muse. Nang bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Nahuli ko pa rin nakatingin saakin si Samuel.

I winked at him that which made him caught off guard. Nakita naman ng ibang teammates niya ang ginawa kong pag kindat kaya napuno ng tuksuhan sa gawi niya. Kahit hindi ko sila marinig alam kong tinutukso nila si Samuel. Namumula na ito sa hiya pero hindi parin ito tinitigilan. Natapos na ang lahat kaya pinabalik muna kami sa team namin. Naglakad ako papunta sa kanila. Nag uusap na sila about sa strategies and so on. Wala akong alam paano laruin ang basketball but now im interested na .

Tumabi ako kay Samuel. Sandali itong natigilan bago pinulupot ang bisig sa bewang ko. Hindi naman ako tumanggi ,im actually enjoying it. Para naman malaman ng mga haliparot na taken na si Samuel. Na mine ko na siya.

"Hmm you okay?" He sound so worried.

"Y-yes. Wala naman na akong lagnat i can handle naman"

" Just rest here. Wait until my game is over. I'll give you a huge reward," marahan nitong pinisil ang tyan ko.

" Gaano kalaki?" takang tanong ko. Ba't naman ako bibigyan ng reward e wala pa naman results.

" You'll see" makahulugan na sabi nito. I blushed.Im not thinking about his shaft. Hindi talaga!

_____









OWNING THE FORBIDDEN (Obsession Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon