"Sir Vice, gising na po yung bata!" sabi ni Clara na kumakatok sa pinto ng kwarto ni Vice.
Nakatayo naman si Karylle sa loob ng kwarto ni Vice at pinapanood itong naghihilik pa kaya natawa na lang sya ng konti.
"Sir Vice!" sabi ulit ni Clara at mas nilakasan ang katok.
"Kaloka naman tong si Clara, para namang namatay yung bata kung makasigaw." bulong ni Vice sa sarili.
"Sir Vice!!!!"
Gumalaw naman ng konti si Vice at umungol, "Sige Clara, bababa na rin ako."
"Sir Vice, ikaw po yung hinahanap nung bata eh."
"Paano ako kilala nyan?" sabi ni Vice at napakamot ng ulo sabay bumangon na ng kama.
Karylle watched habang nag hilamos ng mabilis si Vice at lumabas na rin ito ng kwarto kahit suot lang ay yung pajama nito.
She followed Vice and Clara na bumaba ng hagdan para pumunta ulit sa salas.
"Hindi kaya anak nyo yan Sir?" sabi ni Clara kaya naman muntik na syang mabatukan ni Vice.
"Nakakadiri yang mga pinag sasabi mo ha." irap ni Vice bago sila makapasok sa salas.
"Eh malay nyo po sir may nabuntis kayong babae nung pagka binata nyo."
"Ah talaga ba? So sampung taon sa matres yang batang yan?"
"Ay.. Oo nga noh Sir."
"BAAAAYSSS!!!" nagulat naman si Vice ng bigla na lang syang salubungin nung batang babae ng isang mahigpit na yakap sa bewang nya.
"BAAAAAAYYYYSSSS!" masayang sabi nito at hinigpitan lalo ang yakap kay Vice.
Napangiti naman si Karylle sa naging reaksyon ni Vice, hindi kasi nito alam ang gagawin, yayakap ba sa bata or mag pu-pull away... In the end, lumuhod si Vice at binuhat yung batang babae sa mga bisig nya.
Tinitigan ulit ni Vice yung bata at sabay inayos yung kulot nitong buhok, "BAAAAYSSS!" sabi ng bata at ngumiti ng wagas.
"Vice pangalan ko baby."
"Bays Puge!" sabi nito at kinurot yung pisngi ni Vice.
"O sige, bahala ka..."
"Bays Puge ehhhh." sabi ulit nito at pinisilan pa ang kurot sa pisngi ni Vice.
Si Karylle naman na nakatayo lang behind them ay hindi na napigilan matawa sa mga pinagsasasabi ng younger self nya.
"Vice poging pogi talaga." nakangiting sabi ni Karylle.
"Baby girl, ano bang pangalan mo?"
"My name is Kawylle Tatlohawi."
Invisible Karylle waited for his reaction.. Will he buy it?
Napakunot ang noo ni Vice ng ilang segundo bago ito nasundan ng isang malakas na tawa.
"Ang funny mo naman mag joke baby girl... Oo na, pareho na kayong kulot ni K, pero, hindi nga... Seryoso na si Kuya Vice, ano nga pangalan mo?"
"Ako nga Kawylle Tatlohari!" sabi nito at nag pout dahil nag tatampo na sa hindi paniniwala ni Vice.
"Karylle Tatlonghari?" sabi ni Vice at hinawakan sa mukha si baby Karylle, "Okay... Sige, ikaw na si Karylle... Wag ka ng iiyak... Naniniwala na si Kuya Vice." nasabi na lang ni Vice para hindi umiyak yung bata.
"Sir, ano pong gagawin natin?" pabulong na tanong ni Clara.
"Baby, nagugutom ka ba?" tanong ni Vice kay Baby Karylle at sinagot sya nito ng isang tango.
BINABASA MO ANG
In Love With A 5 Year Old | Vicerylle
Short StoryIt's not as creepy as it sounds, I promise. Read & find out.