Naibalik naman ang emosyon sa mata ni Karylle ng maabutan nyang nasa ICU room ulit yung family nya, mga Showtime friends nya at si Vice. They were talking and laughing na para bang naka-receive ng good news.
Pumasok sya sa room at na-overheard na nagising na daw si baby Karylle for a few seconds pero nakatulog din ito ulit. She smiled at the news bago nag lakad papunta sa kama ng batang sarili nya para haplusin ang kamay nito."I knew you were a fighter." sabi ni Karylle sa mini-me nya.
Tumingin sya kay Vice na nakaupo pa rin sa kabilang side at hawak yung isang kamay ni baby Karylle, whilst talking to Ms Z with Vhong, Anne and Billy.
"Sa tingin nyo matatagalan pa bago bumalik sa dati si K?" tanong ni Ms Z.
Vice shrugged kahit na alam nyang malapit ng bumalik sa dati ang lahat.
"Sana po Ms Z." sabi naman ni Anne, "I'm sure she's done her mission already, right Vice?"
"Oo naman. Sobra sobra pa ang nagawa nyang pagbabago sa buhay ko eh, na hindi ko man namalayan." nakangiting sabi ni Vice na unconsciously ay napahigpit ang hawak sa kamay ng bata.
"Hello everyone, sorry I had to take care of some thing." sabi ni Yael na dumiretso kila Zia at Coco para bumati, and then kay Ms Z.
At the sight of Yael, Karylle frowned at lumayo nung tumabi ito sa kanya, sa bedside ni baby Karylle.
"How is she?" tanong ni Yael as he stroke baby Karylle's head gently before leaning down to place a kiss on the kid's shoulder.
Karylle couldn't take it, sa mga oras na yun, hindi nya kayang makita at makasama man lang si Yael sa iisang kwarto, kaya naman lumabas na lang sya.
Pagkalabas nya ng kwarto ay nakita nya si Madam Bertud na nakalean back sa isang dingding at mukhang inaabangan talaga sya. She tried to walk pass him pero sinundan lang sya kung saan sya papunta nito.
"What do you want?" she asked na halatang annoyed at wala sa mood para sa mga hirit ng baklang manghuhula.
"Hindi ba dapat ako yung magtanong sa iyo nyan?" Karylle frowned habang nakangisi naman si Madam Bertud.
"What do you want, Karylle?"
"I'm not in the mood for this."
"Sorry, my bad... Dapat pala, who do you want?" may pag hihint na tanong ni Madam Bertud.
"Gusto ko ng bumalik sa dati... Alam mo naman yun diba?"
"Karylle, wag kang pabebe dyan, alam ko ang mga tumatakbo sa isipan mo ngayon."
"Eh alam mo naman pala eh, bakit nagtatanong ka pa?" pataray na sagot ni Karylle.
"Alam ko ang takbo ng isip mo, hindi ng puso mo."
Napatigil si Karylle sandali para isipin yung sinabi ni Madam Bertud.
"O, ano?"
"Whatever." defeated na sabi na lang ni Karylle bago tuluyang na walk out.
Hindi na naman sya sinundan pa ni Madam Bertud dahil nasabi na naman nito ang gusto nyang sabihin kay Karylle.
"Naker, bakit kasi nagka developan pa tong bakla at babaeng toh eh. Kastress sa feels!" sabi ni Madam Bertud sa sarili nya habang napakamot sa ulo.
//
Ilang oras pa ang nakalipas, nag stay lang si Karylle sa labas ng hospital para makapag isip isip. Samantalang si Vice naman ay nanatili lang sa room ni baby Karylle kasama sila Ms Z, Yael at mga kapatid nito.
"Uuwi muna kami Yael..." sabi ni Ms Z kay Yael na nakaupo sa isang side ng kama, bumeso si Yael dito kasunod na sa mga kapatid ni Karylle.
Pumunta naman si Ms Z sa kabilang side ng kama para magpaalam kay Vice, "Balitaan nyo na lang kami kapag nagising na sya." bilin ni Ms Z na nakapatong ang isang kamay sa balikat ni Vice.
Binigyan naman sya ng ngiti ni Vice, sa ngiti nito ay halatang wala talagang pahinga ito dahil simula nung maisugod sila ni baby Karylle sa ospital ay hindi pa ito nakakatulog ng maayos.
Isa namang awkward silence ang pumagitan sa dalawa na naiwan sa kwarto nung umalis na sila Ms Zsa Zsa.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Yael na binigyan lang ng glimpse si Vice.
"Diba kasalanan ko naman kung bakit sya nagka ganito? Gusto kong makasiguro na magising sya bago ko sya iwan."
"Look, Vice... What I said, hindi ko naman sinasadya na sisihin ka. Tanggap ko naman na aksidente ang nangyari, pero bilang asawa ni Karylle, di mo maaalis sa'kin na magalit sa'yo."
"Naiintindihan ko naman, Yael. Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag."
"Wala akong nagawa, wala akong magawa para tulungan sya." sabi ni Yael na parang nababasag ang boses.
"She will be fine." sabi ni Vice at binigyan ng ngiti si Yael kahit na di sya komportable sa pagiging emotional bigla nito.
Napayuko naman si Yael after titigan ng matagal si baby Karylle, Vice could tell na may pinagdadaanan ito na higit sa dahilan na naka ospitala ng asawa nito, pero wala naman sya sa posisyon para tanungin si Yael dahil hindi naman sila close nito.
"Okay ka lang ba kung aalis muna 'ko?" tanong ni Yael na tumayo from his seat at nag re-ready ng umalis.
"Oh... Oo naman, sige lang." naisagot na lang ni Vice dahil kahit sabihin nyang hindi ay paalis na rin naman si Yael.
Pabalik na ng room ni baby Karylle si Karylle na makasalubong nya si Yael na may kausap sa phone nito na parang nagmamadali.
"I told you, malapit lang ako dyan, I'll make it for our date naman." narinig na sabi ni Karylle nung nag power walk pass sa kanya si Yael.
Instead na sundan ay pinabayaan na lang ito ni Karylle. She continued walking na lang para makarating na sa room ni baby Karylle.
Nung malapit na si Karylle sa kwarto ay narinig nya yung familiar na tune na nagmumula sa kwarto ni baby Karylle.
"May pa-buko ka na naman dyan ha." naisip ni Karylle bago pumasok sa kwarto at naabutan ngang kumakanta ng buko si Vice while stroking baby Karylle's hand.
Matapos ang kanta ay tinitigan lang ng matagal ni Vice si baby Karylle na para bang sinusulit na ang mga natitirang oras na nagagawa lang nyang titigan ang batang napamahal na sa kanya ng sobra sobra.
"Baby, sobrang mamimiss ka ni Bays... Sobrang mamimiss ka nya." sabi ni Vice na naiiyak ng konti, pero mas pinanindigan pa rin nya ang pag ngiti.
"Hindi ko alam kung maaalala mo yung mga nangyari kapag pagbalik mo sa dati mong sarili, pero hindi man, maganda na rin siguro, para wala ng gulo... Para wala na rin akong kailangan pang ipaliwanag, iwas pagka awkward na rin diba?"
"At least, kahit hindi man ikaw yung Karylle na nag pa-confused at nag pa-fall sa akin, ikaw pa rin si Karylle... Nasabi at naiparamdam ko pa rin sa'yo yung pagmamahal ko. Sana pagbalik sa dati ng lahat, kahit wala kang matandaan, sana kahit papano ma-feel mo na minahal kita at mahal na mahal kita ng sobra. Walang kapalit, Karylle. Walang kapalit, mamahalin lang kita." he placed baby Karylle's hand next to his cheek.
"Kahit hindi tayo nabigyan ng pagkakataon, kahit na hindi na tayo mabibigyan pa ng pagkakataon... Masaya na ako sa ganito sitwasyon. Mamahalin na lang kita from afar."
After marinig yung mala-tagos sa pusong speech ni Vice, hindi na napigilan ni Karylle na sabihin yung matagal na nya ring tinatago kay Vice,
"Mahal din kita, Vice."
"Mahal din kita, Bays."
"Baby Karylle?" gulat na sabi ni Vice ng marinig nyang magsalita ang bata sabay pagmulat ng mga mata nito looking straight at him.
//
Hello mga blad :)
BINABASA MO ANG
In Love With A 5 Year Old | Vicerylle
Short StoryIt's not as creepy as it sounds, I promise. Read & find out.