Matapos ang isang fun filled day sa park na puno ng paglalaro at pagkain ay nag decide na munang pumunta sa church sina Vice at baby Karylle as per request nung bata.
"Ano pag p-pray mo kay Papa Jesus?" tanong ni Vice once makapwesto sila sa loob ng simbahan.
"Sikwet." sabi nito bago nag sign of the cross at pinikit ang mga mata nya.
Invisible Karylle also joined the two at tinabihan si baby Karylle sa kabilang side nito then lumuhod din to pray.
"Thank you Lord for this beautiful, eventful day... Kahit na nanood lang ako, nakita ko namang nag enjoy ang mini-self ko. Ang weird pala talaga noh? Hayyy... I don't know kung ano ang mga plans nyo, kung gaano pa ako katagal sa posisyon na ganito, pero gusto ko lang mag thank you. Thank you for giving me this once in a lifetime chance to help out someone I- someone I believe has a beautiful heart despite all he's been through."
Napatigil sa pagdadasal si Karylle at lumingon sa katabi nyang mini-me nya at napa-smile bago bumalik ulit sa pagdadasal.
"And how can I not thank you for this little cutie?! Yes, alam kong ako rin to Lord, pero salamat for giving me the opportunity to watch my old self... Like I said, not everyone gets this chance, kaya thank you for granting me this weird and confusing yet rewarding tasks. I don't only get to watch myself be cute and adorable in every way, and often embarrass me rin sa mga lumalabas sa bibig nito... Pero most importantly, TYSM for guiding me and this mini kulotski baby find the happiness of the person who is very important to me."
"Tapos ka na mag pray, baby K?" tanong ni Vice at pinatong ang kamay nya sa ulo ng bata.
"Ikaw Bays, hindi ka mag p-pway?" tanong ni baby Karylle dahil nakaupo lang si Vice sa may upuan.
"Hindi na kailangan pa baby..."
"Weally? Whyyy?"
"Kasi sinagot nya na yung prayer ko." Vice said sabay pull sa bata para yakapin at hinalikan ito sa may temple.
Napakamot ng ulo si baby Karylle sa sinabi ni Vice, hindi kasi maintihan ng bata yung sinagot nito.
"VICE, PAHOPIA KA TALAGA FOREVER! PATI BATA BA NAMAN." ang nasabi lang ni Karylle ng marinig yung mga sinabi ni Vice. Kahit na naiinis kay Vice ay hindi parin mawala yung blush at small smile na nag fo-form sa mukha nya.
"Wa epek lang baby girl? Kung kay normal size Karylle ko sinabi yan, kilig na kilig na yun." sabi ni Vice sa bata bago nito hawakan uli ang kamay para akayin palabas na ng simbahan.
"Sana sa Starbucks ang next stop natin... Kailangang kailangan mo kasi ng kape ngayon." sabi ni Karylle na ngayon ay lumapit kay Vice para sabihin ito sa tenga nito mismo, hoping na marinig sya kahit papano.
Kinabahan naman sya at nanlaki ang mata ng biglang napalingon sa side nya, bringing their face right next to each other (not that alam ni Vice yun). Kinamot din ni Vice yung tenga nya na parang may naramdaman bigla. He looked around the church bago inignore yung nangyari at nagpatuloy na lang sa paglalakad palabas ng simbahan.
Karylle followed them shortly after calming herself down. "Kaloka. Bays Puge parin talaga." she said as she skipped her way out of the church and into Vice's car.
//
Habang nag d-drive ay tinurn on naman ni Vice yung radio at nag turn kay baby Karylle.
"Nag enjoy ka ba today?" he asked na nakangiti.
Tumango naman ang bata while sipping on her chuckie drink.
"O, nasaan na yung sa'kin? Ininom mo na rin yata." sabi ni Vice na nakangisi dahil sa nakita nyang guilty look nung bata sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
In Love With A 5 Year Old | Vicerylle
ContoIt's not as creepy as it sounds, I promise. Read & find out.