chapter five.

14.7K 574 255
                                    

Makalipas tatlong araw since nung trip nila sa Pangasinan ay patuloy naman naging abala si Vice sa pag aalaga kay baby Karylle. Kahit na may mga nag ho-hold back parin sa kanya to get fully attached sa batang napapamahal na sa kanya ay dedma na lang ito ngayon kay Vice. During the past few days ay araw araw din na dumadalaw si Yael para bisitahin ang asawa nya na nasa puder ni Vice.Sa araw araw na pagbisita ni Yael ay hindi rin naman nagbago ang mailap na pakikitungo na bata sa kanya. Ni-respeto naman ni Vice ang posisyon ni Yael bilang asawa ni Karylle kaya kahit ayaw ng batang Karylle na umalis sya tuwing nandun si Yael ay pinagbibigyan parin ng request ng huling makabonding ang bata.

Kasalukuyan na nasa salas ngayon sina Yael, baby Karylle at invisible Karylle. It was before lunchtime kaya naman naging abala na lang si Vice sa paghahanda ng lunch at iniwan ang dalawa para makapag bonding.

"Here o, baby o, I heard na you like Jollibee spaghetti pala, kaya eto dumaan akong kanina Jollibee para ibili ka. You want some?" malimbing na tanong ni Yael habang inilalabas yung tinake-out nyang foods from the said fast food chain.

"I don't want po." sabi ni baby Karylle at umiling habang iniiwasan tumingin kay Yael.

"Eh akala ko ba favorite mo 'to?" sweet parin na tanong ni Yael at pinatong yung food sa may coffee table.

"Not anymore po." inosenteng sabi ng bata at tumingin sa paa nyang pinag lalaruan nya ngayon.

"Sabi ni Ate Vice ang dami mo daw nakain ng ganito eh... Halika ka na baby girl, susubuan na kita." sabi ni Yael at nilapit ang isang subo ng spaghetti sa bata.

Napakunot naman ang noo ni baby Karylle at tumayo para makalayo lalo kay Yael.

"Ayaw po. I want to eat with Bays!" nagtatampong sabi ng bata bago nag walk-out kay Yael para hanapin si Vice.

Wala naman nagawa na si Yael kung hindi mapasmile sadly at hinayaan na lang ang batang Karylle sa gusto nitong gawin. Nag simula syang magligpit ng pagkain quietly habang pinapanood naman sya ni Karylle na nakaupo lang sa isang armchair. Naawa ito sa asawa dahil sa kahit anong pilit nitong i-close ang batang Karylle ay pilit din syang itinutulak palayo ng bata na para bang ayaw na ayaw sa kanya.

"I miss you so much Mrs Baby." nasabi na lang ni Yael at napahinga ng malalim.

Dahil sa narinig mula sa asawa ay napangiti si Karylle bago sumunod kay Yael na papuntang kusina para sundan si baby Karylle.

Naabutan ni Yael na nakayakap ang bata sa binti ni Vice habang nagluluto ang huli. Para namang nangungulit si baby Karylle dahil panay ang tusok nito sa bewang ni Vice sabay may pagka cute pang tawa. "Sinasabi ko sa'yo baby, kapag ikaw natalsikan nitong mantika, ikaw din ang iiyak dyan."

"Bays I want to cook pwease!!!"

"Balik ka na dun kay Kuya Yael mo, ba't ba iniwan mo sya dun?"

"Ayaw ku ih!" sabi ng bata at napailing ng ulo. Mas hinigpitan nito lalo ang kapit sa isang binti ni Vice at nagtatalon to get his attention even more.

"Ehem... Vice?" pag-interrupt ni Yael sa dalawa at lumapit sa island counter para ibaba yung tinake-out nyang foods na para sana ay sa batang Karylle.

"Yael... Hello." sabi ni Vice na hininaan muna yung apoy ng niluluto nya at humarap kay Yael. Pati din si baby Karylle na nakakapit kay Vice ay napaharap din tuloy.

"Mauuna na ako Vice, salamat ulit sa ginagawa mo for Karylle."

Vice gave him a small smile, "Walang anuman yun... Hindi naman mahirap alagaan tong si K eh." sabi ni Vice at pinat ang ulo ng bata.

"Yung pagkain, ayaw nya atang kainin, kaya iwan ko na lang dito, ikaw na bahala."

"Spaghetti ba yan? Sus, favorite yan ni baby Karylle eh. Diba, baby?" tanong ni Vice ng makita ang laman ng brown bag.

In Love With A 5 Year Old | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon