⚘02

21 1 0
                                    

present..

Jiae's

nandito ako ngayon sa park, naglalatag ng tela dahil may picnic daw kami nong pinsan ko. small celebration daw kasi natanggap na siya bilang isang model dito sa korea.

nang maayos ko ang lahat ay umupo na ako at hinintay yung pinsan kong may binili lang daw saglit.

"mwohaseyo?"

hindi ko alam ang magiging reaction ko nong narinig ang salita yun. may naalala akong isang tao na matagal ko nang pilit kalimutan. bukod sa may pinagsamahan naman kami ay meron akong malaking kasalanan sakaniya.

nilingon ko ang nagsalita at tama nga ang hinala ko. si Hyunjae ang taong yun.

"hindi mo ba nakikita, nakaupo lang ako dito" sagot ko sakaniya.

"sungit naman, nagtatanong lang eh" sabi niya tsaka nag pout. cute yarn?

"mag-isa ka lang?" tanong niya.

"bat ang dami mong tanong? close ba tayo?" pagmamaldita ko nanaman. ewan ko ba bat ganito ako sumagot sakaniya, parang wala naman akong ginawang kasalanan sakaniya no.

"curious lang naman ak-- Lea??" hindi makapaniwalang tanong nito. tumingin ako sa babaeng dumating, pinsan ko pala.

"h-hyunjae?!"

"ang liit nga naman ng mundo no? haha dito ko pa pala makikita yung taong sinaktan ako" sabi ni hyunjae, yung dating ngiti niya ay napalitan ng isang ngisi at umalis nalang siya bigla.

"hyunjae, wait!" sigaw ko ngunit hindi ito tumigil maglakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

"yan na nga ba ang sinasabi ko sayo Jiae eh, ako na tuloy ang nagmumukhang masama sakaniya" tinignan ako ng masama ni Lea.

"hindi ko naman alam na makikita ko ulit siya, wrong timing lang at kasama kita ngayon. sorry na, I'll try to contact him at mageexplain ako sakaniya para matapos na to" sabi ko.

"aba dapat lang no" sabi naman ni Lea habang naka halukipkip.

゚・:* ❈ *:・゚

⚘. MWOHASEYO? ┆LJH ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon