Jiae's
ang tagal dumating ni Hyunjae, buti na lang hindi ako iniwan ni Juyeon dito. nagkwentuhan kami tungkol sakanila ni Bella, nakakatuwang malaman na okay na sila at wala nang bumabagabag pa sakanila.
"malapit na daw sila" sabi ni Juyeon matapos may tignan sa phone niya.
bigla akong kinabahan. paano ako magiexplain? kaya ko ba? ano ba naman kasing problema tong pinasok ko oh.
at ayan na nga, dumating na sila. parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"halaka Juyeon! nambababae ka ba?! isusumbong kita kay Bella ah" sabi nong isang lalaki na kasama ni Hyunjae. for sure si Younghoon yon, pogi din ah.
"gago si Jiae yan, yung tumulong saamin nila Juyeon sa paghahanap kay Bella" sabi ni Hyunjae tsaka mahinang siniko pa si Younghoon. natatawa ako sakanila, kahit papaano nabawasan konti yung kaba ko.
"hi Jiae, kumusta ka?" lumapit saakin si Hyunjae, inakbayan pa ako. taena!!!!
"yun oh mga galawang Jaehyun nga naman" sabi ni Juyeon kaya natawa kami.
tumingin ako kay Hyunjae na nakatingin din pala saakin kaya nag lapit yung mga mukha namin. lakas maka kdrama nito ah. kinikilig ako!!
"ok lang ako hehe" sabi ko pagkatapos umiwas ng tingin sakaniya.
"buti naman hindi mo kasama si Lea. nakita ko siya kanina, pareho pala kami ng lugar na pinagtatrabahuhan" sabi nito. bigla nanaman akong kinabahan.
magkatrabaho sila!
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. MWOHASEYO? ┆LJH ✔
Random"What are you doing? why am I falling for you?" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #8 Date started: July 10, 2021 Date finished: August 14, 2021