Jiae's
hindi ko alam kung bakit dinala ako nitong si Hyunjae sa likod na terrace ng bahay nila Sangyeon. as in kaming dalawa lang ang nandito. scary huh, pagabi na din kaya medyo madilim tas dito niya ako dinala.
"bakit tayo nandito?" tanong ko kaagad. ang higpit ng hawak ko sa kamay niya kasi natatakot talaga ako, first time ko pa naman din dito.
"natatakot ka ba?" tanong nito tsaka ngumiti. hinahod niya yung buhok ko na para bang pinapakalma niya ako.
"wag kang matakot, nandito naman ako. tsaka kung nagtataka ka kung bat dito kita dinala, gusto kong lumayo muna tayo doon sa mga kaibigan ko kasi gusto kitang kausapin" sabi niya. parang naging seryoso siya. natatakot na talaga ako hahaha charot.
"ano ba yung sasabihin mo?"
"hindi pa kasi kita nakakamusta after nong balita na papunta na pala sa New York si Lea. how are you? okay na ba kayo?" tanong nito, umupo siya sa upuan na nasa harap ko. naihahangin pa yung buhok niya pero ang gwapo parin ng dating ano ba yan.
"she talked to me naman that day and I'm glad na okay kaming dalawa. narinig niya pala yung pag uusap natin sa hospital and she knows na hindi ako galit sakaniya. nag sorry na din siya saakin. kaya ayon, kampante na ako" sabi ko tsaka nagpakawala ng isang malalim na hinga at ngumiti para ipakita sakaniya na okay lang talaga ako.
"it was nice to know that you're okay. so ano nang balak mo?" sabi niya.
"what do you mean?" i asked. nahihiyang ngumiti ito tsaka napakamot sa batok.
luh Hyunjae, ano yan? hahahaha
"ano nang balak mo.... saatin? hahaha joke" nagulat ako sa sinabi niya kaya natawa ako. ok lang kaya siya? HAHAHAHAHA
"ano nag ba? hmm. we're still friends pa naman. or... you want us to be more than friends? joke din HAHAHAHA" tumawa ako na parang baliw para iwaksi yung kahihiyan na sinabi ko.
ang weird naman. ano bang nangyayare?
"gusto mo ba? pwede naman" binuhat niya papalapit saakin yung upuan niya. halos magkadikit na yung mga tuhod namin habang nakaupo.
"paano kung oo?"
"edi..." lalo itong nilapit saakin yung mukha niya. gago ano ba???????
"bestfriends na tayo" sabi niya tsaka ngumisi.
pinagloloko mo ba ako Lee Hyunjae?
akala ko seryoso ampota.
"akala ko naman kung ano!" sabi ko tsaka hinampas siya sa braso. rinig na rinig ko yung halakhak niya. ang lakas niya tumawa in fairness.
"akala ko ba nagjojoke lang tayo? gusto mo ata ng seryoso?" sabi niya tsaka biglang naging seryoso yung mukha niya.
"pwede naman" sabi ko tsaka tinapatan yung titig niya saakin na nakakatunaw.
ano ba talagang nangyayare?
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. MWOHASEYO? ┆LJH ✔
Random"What are you doing? why am I falling for you?" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #8 Date started: July 10, 2021 Date finished: August 14, 2021