⚘31

16 1 0
                                    

Jiae's

I wish I could've talked to her in personal for the last time bago siya umalis pero wala na eh, nakaalis na siya. ang mahalaga ngayon ay alam kong ok parin kaming dalawa, and she's going to be more successful na in the future dahil sa trabaho niya sa New York.


I am so proud of her, really. kompyansa ako na malayo talaga yung mararating niya dahil isa siyang magaling na model. while I'm here, umaasa parin sa pera ng family namin, naghahanap parin naman ako ng trabaho syempre pero wala pa akong nahanap na talagang gusto ko. buti na lang hindi ako pinipilit ng parents kong magtrabaho na.



"ang lalim naman, baka malunod ka na diyan" lumabas si Charity mula sa kusina na may dalang isang box ng pizza.



yes, she's my friend now. kung hindi dahil sakaniya hindi ko malalaman ang lahat. nagulat ako nong araw na paggising ko nasa room ko na siy sa hospital tapos sinabi niya yung mga nalalaman niya. I really trust this girl kahit ngayon ko lang siya nakilala, di ko nga alam kung saan to nakatira.



"ok ka lang ba? sure ka?" tanong nito na ngayon nasa tabi ko na.



"oo naman. mukha ba akong hindi ok?" sabi ko tsaka kumuha ng isang slice ng pizza.



"sabi mo yan ha? btw, anong oras ka ba susunduin ng kadate mo? bakit ang tagal? char hahaha" biro nito.



"mas excited ka pa saakin nako Charity" saktong pagkasabi ko non ay may kumatok sa pinto. for sure si Hyunjae na yun kaya nagmadali akong buksan yung pinto.



"hi" sabi ko habang nakangiti na parang tanga.



bakit ang gwapo ni Hyunjae?



"sorry natagalan, tara na?"



"sige na iwan niyo na ako dito" sigaw naman ni Charity mula sa salas kaya natawa kami ni Hyunjae. isinuot ko muna yung shoulder bag ko tsaka naglakad na kasama si Hyunjae. as usual pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse. halos tumalon ako sa gulat nang makita ko ang isang lalaki sa likod, si Hyunjun ba yun? kapitbahay ko ata to eh.



"wag mo na yan pansinin, nakisabay lang siya" sabi ni Hyunjae habang sinusuot yubg seatbelt niya.



"parang napipilitan ka pa hyung, don't worry di na ako makikisabay sayo pag naayos na yung kotse ko. duh" sabi ni Hyunjun. sa arte ng pananalita niya ay natawa na lang ako ng mahina. rinig ko din si Hyunjae na tumawa.



"faster, we're going to be late na"





゚・:* ❈ *:・゚

⚘. MWOHASEYO? ┆LJH ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon