Jiae's
hindi parin ma process ng utak ko na si Hyunjae na lang ang kasama ko ngayon, iniwan kami nong dalawa kanina eh. gumala kami, para tuloy nagdedate kami nitong si Hyunjae.
masyado na akong nagienjoy at nakalimutan ko nang sabihin sakaniya yung dapat kong sabihin.
"pagabi na, ihahatid na kita pauwi" presenta niya. hindi na sana ako papayag pero bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay at nagsimulang mag lakad kaya wala na akong kawala.
dinala niya ako sa parking lot ng mall na pinuntahan namin tsaka dumiretso sa isang black na kotse na halatang mamahalin. don't tell me sakaniya yun? ganto na ba siya ka yaman?
kinuha niya yung susi sa may bulsa niya at may pinindot doon kaya tumunog yung kotse. paano napunta dito itong kotse? baka may driver sila tas pinadala niya dito? baka nga.
"sakay na" nakangiting sabi niya, siya pa mismo nag bukas nong pinto. grabe ang pogi niya talaga, parang ayaw ko nang umalis sa tabi niya oh.
"ok ka lang ba? nag enjoy ka ba?" tanong nito habang nasa biyahe kami. tumango lang ako bilang sagot. ang ganda kasi ng view sa labas kaya doon ako naka focus.
"magkahawig kayo ni Lea, kamag anak mo ba siya?" tanong nya.
"pinsan ko siya, sabay din kaming lumaki" sagot ko tsaka tumingin kay Hyunjae na seryosong naka focus lang sa daan.
naalala ko, hindi ko pa nasabi sakaniya yung dapat kong sabihin. siguro next time na lang? ayokong sirain ang moment na to.
"siguro alam mo din yung ginawa niyang kalokohan saakin noon?" sabi niya. hindi ako nakapagsalita, parang nalunok ko ata yung dila ko.
pinagpapawisan na ako dito habang nag-iisip ng pwedeng isagot. buti na lang nakita ko yung bahay namin.
"dito na ako. diyaan na yung bahay namin oh" sabi ko sabay turo sa bahay. sabay kaming bumaba ng kotse at nag lakad.
"oh sige, bukas na lang ulit. bye" nakangiting sabi niya nang makarating na kami sa harap ng bahay.
"bye! ingat ka ah" sabi ko tsaka ngitian din siya. ginulo niya yung buhok ko bago siya umalis nang naka ngiti parin, namumula din yung mga tenga niya.
kinikilig ba siya?
kasi ako, oo.
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. MWOHASEYO? ┆LJH ✔
Random"What are you doing? why am I falling for you?" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #8 Date started: July 10, 2021 Date finished: August 14, 2021