⚘04

21 1 0
                                    

Jiae's

bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita si Hyunjae nong isang araw, nagbabaka sakaling makikita ko siya ulit doon para masabi ko na sakaniya yung totoo at para hindi siya magalit sa pinsan ko.

umupo ako sa mismong lugar kung saan yung pwesto namin noon, baka kasi bumalik din doon si Hyunjae.

halos mag-iisang oras na ako dito, magtatanghali na din pero di parin siya dumadating, buti nalang malilim yung pwesto ko dahil may puno dito.

kinuha ko muna yung phone ko para libangin yung sarili ko, parang inaantok na din kasi ako, baka hindi ko maabutan si Hyunjae pag sakaling pumunta siya dito.

busy ako sa pag scroll sa fb nang makita ko ang post ng pinsan kong si Lea, behind the scene yun ng first photoshoot niya. grabe ang ganda niya tapos model na model talaga ang dating, nakakaproud. sana ganon din ako parang sakaniya kaso wala akong masyadong self confidence.

"mwohaseyo?"

agad akong napa angat ng tingin nang marinig ang salitang yun, sure akong si Hyunjae na yun.

"Hyunj--, Juyeon?" nagulat ako nang hindi si Hyunjae ang bumungad saakin.

"Jiae! anong ginagawa mo dito?" tanong nito tsaka tumabi saakin.

"may hinihintay lang" sagot ko. tumango-tango naman ito.

"ikaw, anong ginagawa mo dito? hindi mo ba kasama si Hyunjae?" pasimpleng siningit ko si Hyunjae sa usapan baka kasi alam niya kung nasaan yun.

"papunta na din siya dito, for sure kakatapos lang din ng photoshoot niya" napatingin ako kay Juyeon dahil sa sinabi niya.

photoshoot?

natawa naman si Juyeon dahil sa naging reaction ko, "di ko pa pala nasasabi sayo, model ako, kasama ko si Hyunjae at yung isa pa naming kaibigan na si Younghoon" paliwanag nito.

"ah ganon ba? taray naman. bagay sainyo, mga poging nilalang naman kayo eh hahaha" sabi ko.

model si Hyunjae, model din si Lea. what if magkapareho sila ng company na pinagtatrabahuhan?

lagot! baka mag away sila...

゚・:* ❈ *:・゚

⚘. MWOHASEYO? ┆LJH ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon