JARED's POV
Pagkagising ko , may mga ngiti kaagad sa mga labi ko . Bumangon ako at bumaba papuntang kusina , feel na feel kong bahay ko ito .
Malaki ang bahay ni demi , nahirapan pa nga akong hanapin ang kusina .
Pagdating ko sa kusina , tiningnan ko ang laman ng ref . Maraming naka stock na pwedeng lutuin . Kinuha ko ang isang plastic na karne , mga gulay at mga pansahog . Magluluto ako ng minudo at ginisang gulay para balanse .. At magkaroon ng sustansiya ang kakain nito .
Bilang pasasalamat ko kay demi sa pagpapatuloy niya sa akin dito kagabi ,kaya ipagluluto ko siya ng specialty ko na minudo .
Sinimulan ko ng mag hiwa ng bawang at sibuyas , hinugasan ko ang karne , at hiniwa ang mga ito ng sakto lang para sa pagluto ng minudo at ang atay ng baboy na kasama din sa minudo . Hotdogs ,carrots at patatas . At iba pa .
"Anong ginagawa mo ?" Tanong ng lalaki na guard yata ni demi .
"Ahh , nagluluto po " sagot ko .
"Ano ka ni miss demi ?" Tanong niya .
" ahh kaibigan po , "
"Kaibigan ? Nagpapatawa ka ba ?" Tanong niya na ikinakunoot ng noo ko .
"Bakit naman ?" Tanong ko din sakanya .
"Walang ibang kaibigan si miss demi ,bukod kay Nina .kaya imposible yang sinasabi mo ." Sabi niya . Paano naging imposibleng maging kaibigan si demi ? Kunsabagay dahil mahirap nga itong pakisamahan at wala sa vocabularyo niya ang makipag kaibigan .
"Alam ko po kuya , pero magiging magkaibigan din kami ." Sabi ko ulit kay kuyang guard .
" may binabalak ka bang masama kay miss demi ? Kasi kung ou, itigil muna . Mapapahamak ka lang . " sabi ni kuya na ipinagtaka ko . Anong ikapapahamak ko ?
"Anong ibig niyong sabihin ? Wala akong binabalak na masama kay demi . "
"Kung ganun , sino ang mga taong nakasunod sayo kagabi?" Tanong niya ulit na ikinagulat ko .
Naramdaman niya din ba iyon ? Imposible . Mga guard nga sa bahay namin hindi napapansin yun . Pero itong taong kaharap ko ngayon kakaiba . Paano niya naramdaman yun . Tanging mga profesional gangster lamang ang makakaramdam nun . Kaya imposible, dahil isang hamak lamang siyang guard .
"Hindi lang ako isang ordinaryong gwardya bata ." Sabi niya ng mapansing nagtataka ako .
"Paano niyo po naramdaman iyon ?" Tanong ko na hindi padin makapaniwala .
"Hahaha masiyadong mataas lang ang pang amoy ko kaya pati sila naamoy ko . May lahi kasi akong aso ." Sabi niya habang tumatawa .
Ang werdo niya . Matagal na ba siya dito ? Kung ou, paano siya nagtagal dito at pinakisamahan ng isang cold na babaeng si demi.
"Kuya matagal kana ba dito ? " tanong ko sakanya .
"Uo, bakit mo natanong ? "
"Kuya , hindi ba nawewerduhan si demi sayo , kasi ano --- ahmm kasii ---
"Anong kasi ? Hahah ':D sege , ipagpatuloy mo na yang niluluto mo . Lalabas na ako . " sabi niya at lumabas na ng kusina .
Hindi ko pa naipagpatuloy yung sinasabi ko kasi hindi ko alam kong ano pa ang gusto kong sabihin .
Ipinagpatuloy ko na nga lang ang pagluluto ko .
Pagkatapos kong magluto , inihanda ko na ang mesa para pagbaba ni demi nakahanda na ang lahat at kakain na lang siya .
YOU ARE READING
" HATRED ACADEMY "
Teen FictionIto ang paaralan ng mga Bullies , Bitches , Arrogant at higit sa lahat mga Bored . this is also a place for persons who hate everything specially LOVE . Im one of these person's , but that is not the only reason's why i entered this school. gusto ko...