NINA' s POV
Kelan mo ba balak gumising demi . :( i really missed you . sabi ko sa walang malay na demi at ngayon ay kasalukuyang nakahiga sa hospital bed .
Sa pagkakaalam ko muntikan na naman daw siyang mamatay matapos ang laban nila ng lionsbreath na yun . wala akong kahit kunting idea kung sino yun . basta ang alam ko lang ay isa din iyong gangster !
Tinititigan ko ang muka ni demi ngayon , naaalala ko nung mga bata pa kami ang mukang ito ay puno ng pagmamahal , may mga ngiti sa labi . ang mga tawa niya sa tuwing humahalakhak siya . lahat yun namimis ko na . ang masayahing demi ay ngayon ay naglaho na ! Nakakalungkot isipin ang mga dinanas niya . kung pwede lang pawiin ang mga masasakit na nararamdaman niya sigurado akong matagal ko ng ginawa .
Eh ano nga ba ang magagawa ng isang tulad ko ? Tao lang ako . pero palagi ko naman ipinagdadasal sa panginoong diyos na sana bantayan niya palagi si demi , na sana maghilom na ang mga sugat sa puso niya . na sana balang araw makita ko na ulit kung pano siya tumawa kapag masaya .
Dahan dahang minulat ni demi ang mga mata niya kaya halos mapabalikwas ako sa pagkakaupo .
Demi .. Bestfriend . sabi ko sa habang kumukurap ang mata ni demi .
Tiningnan niya ako at kumunot ang noo niya ng makita ako .
Where am i ? She asked . >__
Mabuti naman at nagising kana demi . my God ! You dont have any idea kung pano mo ako pinag alala . sabi ko kay demi na kakagising lang .
dalawang linggo din siyang walang malay matapos ng laban nila ni lionsbreath .
Alam ko lahat ng mga sekreto niya kaya wag na kayong magtaka kung bakit alam ko kung anong nangyari sakanya .
Nung gabing dinala siya dito sa hospital may isang babae ang tumawag sakin . di ko siya kilala , basta ang alam ko lang kabilang siya sa dragon knights gang .
Nung matapos ang tawag na yun halos kumaripas ako ng takbo papunta sa kotse at nagmamadaling pumunta sa hospital na pinagdalhan sa kanya ng babaeng tumawag sakin .
Anong ginagawa ko dito ? Tanong niya ulit .
Nag pi- Picnic ? What you think ? Sarkastikong tanong ko ulit sa kanya . nakakainis talaga tung babaeng tu . pagkatapos gumawa ng kalokohan sa buhay magtatanong pa kung nasan siya at kung anong nangyari sakanya . ! Tss >__<
Tss . kelan pa naging sagot ang tanong Nina ? Tanong niya ulit na naiinis .
Alam mo ikaw nakakainis ka talaga ! Pagkatapos mo akong pag aalalahin ng halos dalawang linggo , ganyan lang ibubungad mo sakin pagkagising mo . di mo man lang ba ako namiss o di kaya kakamustahin man lang . ? :(
Sabi ko sakanya sabay pout .
Tss . alam mo ang ingay mo talaga . nakakairita ka . di kita namiss wag ka ngang maarte dyan ! Sabi niya sa usual cold voice .
----****
AN:/ ohh ayan gising na si demi . kaya mag abang na sa mga susunod na UD ko . dun na magaganap ang mga nakakapanabik na eksina . yun lang po guys thank you for reading this new UD . sana , sana , sana , wag kayong mag sawang mag antay sa slow UD ko . guys alam niyo na mahirap ang buhay kaya chill lang tayo :D .
Love you guys . muawww muaww : * :* hart hart .
DONT FORGET TO VOTE & COMMENT . GOTCHA !! :D
YOU ARE READING
" HATRED ACADEMY "
Teen FictionIto ang paaralan ng mga Bullies , Bitches , Arrogant at higit sa lahat mga Bored . this is also a place for persons who hate everything specially LOVE . Im one of these person's , but that is not the only reason's why i entered this school. gusto ko...