CHAPTER 5

27 5 7
                                    


Warning: This story may contain grammatical errors and typos, so please bear with me, I'll be editing it if I'm finished with the whole story☺️

KAPAGOD! Half day kami sa school so we decided to make tambay muna sa resto nila Alys and it is already 8:00 ng gabi at kakauwi ko palang.

Napasarap kasi kain namin at nanood pa kami ng horror movies kahit mga takot kami, wala lang sigaw na may kaunting nood, and gusto ko lang paghahampasin sila para siyempre kunwari takot ko lang yon pero gusto ko lang makaganti sa pambabasag nila sakin, kala nila ha HAHAHAHA matalino kaya ako.

Anyways, my friends and I are models, oh diba sinong mag-aakala na kasali pako don, baka sabihin niyo tagapaypay lang ako ng model HAHAHAHA, ako lang to oh kumalma kayo HAHAHAHA

And yes may resto sila Alys, they owned luxurious restaurants and madalas kami tumambay don pag walang pasok, malapit lang kase yon sa school dahil yong ibang branch nila nakakalat na sa buong pilipinas.

Sila Selena naman, her parents owns lots of resorts. Artemis family owns famous bookshops and a private resort.

Freyja the feeling maganda na gandang ganda sa sarili na feeling niya pati langgam may gusto sa kanya , grr, well their family owns private schools.

Lastly, siyempre ako na, ako bida dito e chawot HAHAHAHA.

So since I am the only daughter, my family owns five star hotels that is spread all over the world and wala silang choice, ako lang magmamana alangan namang yong aso ng kabitbahay diba? Itabi niyo ako na HAHAHA.

Our manager also called us kanina para iremind kami about our shoot on Sunday, grabe iniisip ko palang parang pagod na agad ako.

Pagkapasok ko sa bahay dumiretso na ako agad sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama, kahit nagchill lang kami maghapon nakakapagod padin HAHAHA, hays buhay parang siopao, pag binato mo ng karayom tusukin mo mata, HAHAHAHA bwisit na isip to sobra na ata sa talino.

Iidlip muna sana ako kaso pagkapikit na pagkapikit ko palang sa mga mata ko biglang nagring yong phone ko, argh kairita. Ang akala ko yong manager na naman naming yon dahil mahigpit na bilin niya na bawal daw malate --

"Oo nga po sir, hindi ako malelate" sabi ko agad habang nakapikit ang mga mata at di tinitignan kung sino ba talaga ang tumawag.

"..."

"Sir" ulit ko dahil walang sumasagot sa kabilang linya.

"..."

At dahil wala padding sumasagot inaantok man ay tinignan ko na kung sino yong tumawag. Nanlaki mata ko kasi number lang at hindi nakaregister yong number. So, sino to?

"Hello? Sino po ito?"

Hindi padin siya nagsasalita at tanging malalalim na paghinga na mas malalim pa sa deep ang mga naririnig ko.

"Yohoo, pinoy henyo bato?" "Tao kaba? Pusa? Halaman? Ngolor? Ngulay?"

"Ah teka kulang choices alam kona kung ano ka, Oxygen, puro kapo hinga e hehehehe"

Ayaw padin magsalita grabe " anyways ako po to si ngongo, ang ngongolo sa buhay niyo, ang ngongolit sa inyo hanggang sa magsalita kayo at ngongompleto ng buhay mo HAHAHAHA" dirediretsong saad ko saka humagalpak sa tawa, ano ka ngayon mahinang nilalang!

Tahimik padin sa kabilang linya. Ala to pre, mahina. Gusto lang naman ata niya iparinig paghinga niya sana vinoice record nalang niya, kaasar! Oh diba naaasar nako agad kahit katatapos ko lang siya pagtawanan at tarantaduhin HAHAHAHA

Umabot nako sa puntong narealize ko na nasasayang lang laway ko dito kaya " Sige po kung ayaw niyo magsalita okay lang, sino ba naman ako. Sanay na ako. " sabi ko gamit ang pinakamalungkot kong boses pagkatapos saka ko inend ang call at humagalpak sa tawa grabe nawala antok ko HAHAHAHA

Sino ba kase yon? Lakas ng trip sa buhay at saan niya nakuha number ko? Aba aba alam ko naman na maganda ako pero grabe hende peren eke seney, enebe pereng tenge te! HAHAHAHA. Nababaliw na yata talaga ako, kaloka!

Because of that unknown caller hindi na tuloy ako makatulog, so I decided to cook nalang. Busog na busog ako kanina kaso inubos nong caller nayon energy ko kaya nagutom na naman ako.

Nagshower na muna ako at nagbihis bago pumunta sa baba at magluto. I look at the fridge kung anong pwedeng iluto don and nakakita ako ng leftover lechon so nagdecide nalang akong magluto ng paksiw kahit di ako marunong at first time ko.

After getting and preparing all the ingredients and seasonings, siyempre nagsearch na muna ako sa youtube on how to cook paksiw. I played the video and started copying the same procedure that the person is doing.

At first maayos pa naman lahat promise, Not until nalowbatt yung phone ko at di ko na tuloy alam kung ano sunod na step, shems! Malapit na matapos saka pa nalowbat, pano na ako? Pano na ang future ko? My dignity and reputation! Chawot O.A mo Calypso jusko.

Kahit ulit ulit kung pinanood yung video kanina hindi ko parin alam kong ano na ang next step pagkatapos ko ilagay yung suka, arrgh paano na to? Mag-isip ka Caly, alalahanin mo.

Kahit anong gawin ko hindi ko talaga maalala pero ang gusto ko nalang matapos ng magluto at ng makakain nako huhu panooo? Kaya kahit alanganin binudburan ko nang asin, nilagyan ng onting paminta at sili saka ako nagdagdag ng tubig, wait may tubig pa doon sa tutorial? Hala lagot!

Gutom na talaga ako kaya wala na akong choice kundi pagtiisan kung ano man ang magiging kalalabasan at lasa nitong niluto ko. Kumuha ako ng kutsara at pikit matang tinikman ang paksiw ala caly ko-----

"Ahhh" napasigaw pa ko dahil nakalimutan kong ihipan at dahil bagong luto lang ito ay sobrang init pa, grabe napaso pa tuloy ko, kaloka. Minsan yung katangahan ko mahihiya nalang bigla si Einstein e.

Inihipan ko ulit bago tikman ang sabaw nito

*ihip* *ihip*

*pikit* (moment of truth)

Dahan dahan ko itong tinikman at "woah grabe, paksiw bato o pakshet?" asar na asar at padabog kong ibinaba ang kutsara, muntik na mahulog kaya kinuha ko din.

Hindi nako aarte gutom na talaga dragon ko sa tyan. #self love nalang isipin ko bawat lunok ko HAHAHAHA

Bukas na bukas nga kukuha nako ng yaya, mangangayayat ako dito e. Hindi man lang ako biniyayaan ng talent sa pagluluto grabe.

"Ahhhhhhhhhhhhhhckk" sigaw ko dahil biglang namatay yong ilaw tapos bumalik din agad, shet sanaol binabalikan!

"Nadinig moba ako lord? Joke lang po hehehe di naman po ako nagrereklamo hehehe peace po. Ang mahalaga binigyan niyo po ako ng katalinuhan at kaganda---ahhhhhhckkkkk" grabe nagpatay sindi na naman ilaw

"Wow grabe naman po kayo magbiro rold, parang sinasabi niyo po na hindi kayo agree na maganda din ako huhu... pero okay lang po sino ba naman ako"

Hindi ko namalayan na nakatulala na naman pala ako kaya tinampal ko muna sarili ko para magising.

Nako Calypso nababaliw kana naman hays. Pagtapos ng katangahan na yon iniligpit ko na ang mga ginamit at pinagkainan ko bago umakyat para matulog.

Inayos ko na muna ang higaan at papatayin na sana ang ilaw nang

*kringgggg* *phone rings* *kringggg*

"Nubayan dis oras nang gabi" padabog kong kinuha ang phone ko at hindi na naman registered ang number na tumatawag, sino ba to!

"Hello? Sino po sila?"

"....." wala na namang sumasagot, nang-aasar bato? Lakas ng trip parang kinulang sa aruga buset!

"Hello? Kung hindi kapo magsasalita ibababa ko napo tong tawag ha? Matutulog napo ako. Patahimikin napo ninyo kaluluwa ko at kung nantitrip po kayo pwes hindi po ako nakikipagbiruhan. Bye" diretsong sabi ko sabay habol ng hininga, grabe speech bayorn? Buset

Binaba ko na ang phone at humiga na sa kama para matulog alangan naman magswimming diba?

Kung sino man yong caller na iyon, sinusumpa kita! Chawot, nakakasira ng gabi kaasar hmp. Makatulog na nga, Goodnight universe!

Bukas panibagong kalokahan na naman, hays--



Authors Note: If you liked this chapter, please consider giving it a vote, thankyou ☺️

THE RISK OF FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon