CHAPTER 10

18 5 0
                                    

Warning: This story may contain grammatical errors and typos, so please bear with me, I'll be editing it if I'm finished with the whole story☺️

SUNDAY...

"Really? Oh god buti safe ka" Alyss exclaimed

"You're lucky because we are about to have photo-shoot yesterday but mamshi Eunicorn cancelled it, she needs to meet someone as soon as possible daw and it's an important matter" Artemis said

"Girl, I told you that you can stay with us naman kase, para you are not alone na, so that there's someone you can talk and someone na mag-alaga sayo." That's Selena

"I agree, we can all live in the same hotel if you guys want, Nakalimutan mo ata Caly that you owned five star hotels and selena owns resorts, my god" said Freyja, nangungumbinsi

Yes, by the way I owned 5 star hotels; My Aunt Mina explained everything to me before she passed away.

Kasabay ng pag-iwan nila saakin at sa mga responsibilidad nila bilang magulang ay ang pag-iwan din nila saakin ng mga negosyo namin at a very young age.

Good thing bago din ako iwanan mag-isa ni Aunt Mina ay inayos na niya lahat para saakin.

Since I am still studying nag-assign muna siya ng mapagkakatiwalaan namin para imanage ang hotels. She told me that she assigned her eldest daughter to take charge, basically she's my cousin but I never had the chance to meet her.

Nagrereport padin naman sakin yung secretary sa hotel but I asked them a favor before that I don't want any calls from them muna unless it's a very important matter.

Tuwing tumatawag kase sila para magbalita ng kaganapan doon ay parang mas pinapaalala lang saakin na mag-isa lang ako, na sobrang bigat ng mga responsibilidad na iniwan nila saakin.

And yep Selena's family owns a resort, not just one but five. Artemis's family owns 3 famous bookshops kaya yon matalino e libro na ata kinakain, they also owned private resorts. For Alyssa, they owned luxurious restaurants and Freyja owned primary private schools. Our parents were all friends and that is why we are here now.

"Caly, hoy Caly!"

Napaigtad ako at nabalik sa wisyo sa sigaw ni Alyss.

"Are you listening? Andami na naming nachika dito pero naglalakbay na pala isip mo, oh san ka nakarating ha? Sa Edsa ba?" asar na saad niya

"Bat kaba natulala ha, are you sure you're okay?" nag-aalalang tanong ni Artemis

Tumango lang ako at ngumiti ng tipid. "Yeah, Im fine. What do you want guys? Juice? Food?"

Since binisita nila ko sa bahay ay nagdala din sila ng fruits for me and some snacks. Before namin tinuloy magkwentuhan ay sinabihan ko muna si mamu na magluto for lunch para dito na sila kumain.

We decided to watch a movie nalang dahil gusto pa talaga nilang tumambay dito dahil mabobored na naman daw sila pag-uwi, pero sa loob loob ko ay alam kung gusto lang nila akong samahan para hindi ko maramdaman na mag-isa ako.

I smiled at that thought. I am very lucky to have them.

Habang pumipili sila ng papanoorin ay halos magsabunutan na sila dahil hindi sila parepareho ng gusto at nagpipilitan pa. Paano ba naman kase yung isa gusto Barbie and the Diamond castle, yung isa Barbie Spy Squad yung isa Tom and Jerry at yung isa pinakamalupet, COCOMELON!

Hindi nako sumali sakanila sa pagpili dahil natatawa nalang ako sa mga itsura nila. Para silang mga bata na kailangan mapagbigyan kase kung hindi maglulupasay sila sa sahig at iiyak.

THE RISK OF FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon