Prologue

30 1 0
                                    


Prologue

"Pwede pong makikiabot? Quezon High lang po. Estudyante, isa." magalang kong tanong sa katabi ko. Agad naman itong inabot ng babae bago ipaabot sa unahan.

"Quezon High daw, Estudyante." aniya bago iaabot kay manong driver ng jeep ang pera ko, nang matanggap nito ang bayad ay tumingin ito sa salamin kung saan makikita kaming mga pasahero.

"Ilan ito?" tanong niya.

"Isa lang po." sagot ko. Tumango naman ito bago kumuha ng panukli at iniabot pabalik hanggang sa matanggap ko ito.

Umayos ako ng upo sa jeep, ang backpack ko ay inilagay ko sa aking kandungan sa harapan at inilabas ang cellphone habang naghihintay kay Manong na punuin ang jeep.

@Janineee: @AndeeEL where na u? Kanina ka pa namin inaantay dito!

@Pia: Kingina, nakakairita naman, e.

Agad nanlaki ang aking mga mata ng ito ang mabungaran.

@Reys: Oo nga! Usapan ay 7, anong oras na?

@Tips: Bilisan mo na lang, @AndeeEL, baka maabutan tayo ng klase, mapagalitan na naman tayo ni Ma'am Math.

@Pia: Dapat kasi 'yang mga pa-vip na 'yan, dapat sila na lang ang nag leader. Palibhasa, nakatunganga lang, sa akin inaasa lahat.

Mabilis akong napalingon sa relo sa aking kamay at mariing napapikit ng makitang mag e-8:30 na.

Dali-dali akong nag type at nag paumanhin sa kanila at sinabing paalis na ako, ngunit parang mas lalo lamang ata nagalit ang mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakaalis.

Mabilis kong pinatay ang aking cellphone at binalik ito sa loob ng bag bago lumingon sa paligid. Ko-konti pa lamang ang pasahero ni manong kaya nakatigil lamang kami sa isang tabi habang iniintay itong mapuno.

Monday ngayon at maaga pa, sigurado akong maraming estudyante ang sasakay maya-maya kaso kailangan ko na ngayong mauna dahil may usapan kami ng mga group-mates ko na dapat bago mag 7 a.m. ay nasa pergola na para sa practice namin sa groupings.

Wala naman akong lakas ng loob na sabihin kay manong na kung pwede na ba siyang umandar kaya kahit nanghihinyang dahil sa pamasahe, napag desisyunan ko na lamang na bumaba ng jeep at sumakay ng tricycle para mas mapabilis ako.

Agad akong napangiti ng may tumigil na tricycle sa aking harapan, may sakay itong mga estudyante at halatang puno na pero gusto pa ako isakay.

"Quezon High?" tanong ng driver. Mabilis naman akong umiling kahit doon naman talaga ako pupunta, kahit naman late na ako, ayokong ipagpilitan duon na sumakay lalo na at puno na ito.

Mabilis na rin naman itong umalis kaya muli akong naghahanap ng masasakyan.

"Sa'n ka ne'?" tanong ng isang driver.

"Sa Quezon High po." sagot ko. Mabilis naman itong tumango kaya dali-dali akong sumakay sa loob. Yakap-yakap ang bag ay binuksan ko ito upang kuhain ang aking wallet, kumuha ako roon ng pera at hinanda na 'yon para pag baba ko ay ibibigay ko na lamang ito.

Tahimik ang aming byahe kaya ng bumaba ako ay ibinigay ko na kay manong ang bayad at tumakbo agad patungo sa N-Type gate. Sa N-Type kasi ako binaba kaya tinakbo ko ito since tuwing umaga ay itong gate na 'to lamang naman ang bukas.

Sa malayo pa lamang ay kita mo na ang mga estudyanteng nag kukumpulan sa labas ng gate, ang iba ay sumisigaw na para bang may chine-cheer habang ang iba ay tumatawa.

Duon ko lamang napansin na meron palang awayan ang nangyayari dahil sa sunod-sunod na pag pito ng guards at pilit na inaawat ang nag suntukang mga estudyante.

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now