Chapter 7

2 0 0
                                    


Chapter 7

"Alis na po ako, Ate Bebang!"

"Sige, Andee. Mag ingat ka!"

Mabilis akong lumabas habang nagmamadali ni-hindi manlang ako nakapag ayos ng maayos.

"Kuya, qh po!" Tawag ko sa tricycle driver na dumaan sa aking harapan. Mabilis naman itong tumigil kaya dali-dali akong pumasok at umupo sa loob.

Nagsimula na itong umandar kaya naman agad kong nilabas ang wallet ko sa bag at kumuha na agad ng pang bayad bago muli itong ibalik sa bag at nag ayos na ng sarili.

Pahirapan pa akong mag ayos ng muka dahil sobrang magalaw. Nag spray din ako ng perfume para maayos naman ang amoy ko bago umayos ng pwesto.

Nang makarating kami ay bumaba na ako at nagbayad bago dali-daling naglakad papuntang big grandstand.

Madami akong naging kasabay na estudyante sa paglalakad. May ibang nagmamadali, ibang normal lang mag lakad at ibang naglalakad kasama ang grupo ng kanilang mga kaibigan.

"Heading to BG?"

Agad akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi nga ako nagkamali ng makilala kung sino 'yun.

Si Turn.

Hindi ako sumagot at deretsyo lang sa paglalakad, nakasunod naman siya sa akin. First day ngayon kaya kailangan kong mag focus sa pag-aaral. Ayaw ko ng may hahadlang sa pangarap ko at hinding-hindi ako papayag na masira 'yuon ng dahil lang sa kaniya.

Nararamdaman ko na e, hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ang ginagawa niya at yun ang kinakatakot ko. Hindi ko alam, baka kasi may tinatago akong kulo at patulan siya kaya habang maaga ay ayokong masira ang nasa isip ko at gumawa ng mga desisyon na alam kong pagsisisihan ko sa dulo.

"Can you help me with this? Hindi ko kasi alam kung saan ito, by the way. What's your section?"

Napataas ang kilay ko sa narinig at napailing. Masyado siyang mabilis.

"10- Dao ako. They said section 1 daw yun sa grade 10. Is that true?" Pagtuloy niya habang nakasunod padin sa akin habang ako naman sa isang banda ay dere-deretsyo lang ang lakad habang paakyat sa grand stand.

"Hindi na uso dito ang section 1, 2, 3. Wala ng by rank ng section dito, masyado ng madaming section meron dito para maggaganyan pa." Saad ko, so mag kaklase pala kami? Section Dao din ako, e. Swerte ko naman, gwapo niya kaya.

"Oh, okay."

Hindi na ako sumagot at lumakad na papaakyat nang nasa grandstand na ako. Umuli ang mata ko at hinahanap ang kaklaseng kilala ko noon na kaklase ko pa din ngayon.

Kung freshman ako ngayon at grade 7 tapos first day of class ngayon. For sure, maliligaw talaga ako dito, literal. Halos lahat ng kilala ko ay naligaw dito nung first day nila noong grade 7 dahil sino ba namang hindi? sobrang lawak kaya ng Quezon High at ang hirap pang maghanap lalo na kapag wala kang kakilala.

Agad akong naglakad papalapit kay Ash nang makita ko siya. Nag pi-picture siya sa isang tabi at parang vini-videohan pa ata niya itong oval pang story sa ig.

"Hi," saad ko nang makalapit ako sa kaniya. Natigil naman siya bago lumingon sa akin, mabilis siyang ngumiti at pinapalapit pa ako sa kaniya.

"Hi, Andee. Hulaan ko, 10- Dao ka din ano?" Mabilis akong tumango na lalo niyang ikinangiti.

"That's good, classmates padin tayo. Iniintay ko pa yung dalwa, e. Dito ka, upo ka, selfie tayo dali!" Aya niya, wala naman akong nagawa at lumapit sa kaniya. Nakikingiti nalang ako tuwing nag seselfie kami, minsan pa ay vini-videohan ako at niloloko.

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now