Chapter 6

14 0 0
                                    

Chapter 6

Kinaumagahan ay agad naming ginising ang iba na tulog parin dahil mga puyat at anong oras ng natulog. Its 10 am na at hanggang 1pm lamang kami dito kaya kailangan na naming mag-ayos para umalis.

"Asan na sila? Ginising mo na ba?" tanong ko kay Eyxee habang naghahain na ng umagahan, may microwave dito kaya yun ang ginamit ko upang iinit ang mga pagkaing natira kahapon, sinigurado ko naman na hindi pa ito mga panis para hindi kami mapahamak.

"Oo, susunod na daw sila." Tumango ako sa kaniya at tahimik na inayos ang lamesa, naglagay ako ng mga natirang paper plate at mga disposable spoons and fork ganun rin ang mga baso. Para wala na kaming intindihin pa, ako lang pala.

Hindi ko na pinansin si Leyan na nag to-tiktok sa isang tabi, umupo si Eyxee sa dining table habang nag-aayos ako. Nilabas niya ang phone niya at nag cellphone, ni-hindi manlang ako tinulungan, tsk.

"Andee, anong oras class niyo bukas?" tanong niya bigla sa akin, napalingon naman ako sa kaniya.

"9 am to 6 pm, kayo ba?" tanong ko pabalik, pang-gabi kasi ang sched ko.

"Ano ba 'yan, gabi padin, sa amin 7 am to 3 pm minsan hanggang 5 pm." Tumango ako sa kaniya, nasa private kasi sila kaya normal lang ang school hours nila, kami hindi, masyado kasing madaming estudyante sa Quezon High at kulang ang mga rooms if gagawing ganun, kaya naman may pang-umaga at pang-gabi kami.

"Nag chat pala sa'kin si Mama nagpa-bagahe daw siya, this week daw baka nandito na kay Leyan daw nakapangalan." Tumango lamang ako sa kaniya at natahimik. Isa rin ito sa kinatatampo ko, may favoritism kasi si Mama. Kahit hindi niya sabihin, ramdam na ramdam ko. Si Leyan lagi ang tinatawagan niya kapag tatawag siya, kapag may ipapa-deliever o kung ano pa man, lagi niyang naalala si Leyan, lalo na kapag ganitong magbabagahe na siya, kaya siguro tinatanong niya sa amin ang aming gusto noong tumawag siya pero si Leyan lang naman at si Zinaya ang pabor sa kaniya.

Kaya kahit noong sabihin niya na babawasan o aalisan niya sina Leyan ng allowance dahil doon, hindi niya din napanindigan. Alam kong patago niyang binibigyan sina Leyan ng hindi namin alam. Hindi ko nga alam kung bakit sinabihan niya pa ng ganun si Leyan kung bibigyan niya din naman.

Talagang hindi niya matitiis ang paburito niyang Anak.

Pati 'yan si Eyxee, favorite din 'yan ni Mama dahil alam ko ring pagkatapos niyang tumawag kay Leyan para mangamusta, si Eyxee naman ang tinatawagan niya dahil laging nakakulong si Eyxee sa kwarto niya, at minsan ko na silang narinig na nag-uusap nang makadaan ako sa kwarto ni Eyxee. Hindi lamang isang beses 'yun, tuwing tapos na si Mamang makipag-usap sa amin mabilis akong pumupunta sa labas ng kwarto ni Eyxee at lagi kong naririnig duon ang halakhak at saya ni Eyxee tuwing magka-usap sila ni Mama.

Sa aming lima, si Eyxee ang isa sa swerte sa amin dahil nga siya ang pinaka bunso at pinaka huling ipinanganak sa amin, mas matagal siyang naalagaan ni Mama bago iwan sa amin, mas close sila ni Mama kesa sa akin. Pinanganak kasi kaming lahat sa ibang bansa dahil duon na nga si Mama naka-base nang makatapos siya ng college, duon niya kami pinag-buntis lahat at makalipas ang ilang linggo o buwan, uuwi siya sa pilipinas at iiwan kami kay Lola.

'Yun ang nakasanayan namin, mula kay Leyan hanggang kay Eyxee, pero ang kaibahan kay Eyxee, taon niyang nakasama si Mama bago siya iwanan dito ni Mama. 5 years old ata siya sa pagkakaalam ko. At sa aming lima naman, ako naman ang pinaka malas, weeks lang ang akin, ako ang pinakakonti, hindi ko nga alam kung bakit ganun, kapapanganak niya lang, hindi ba siya mabibinat?

Pero kahit anong tanong ko, alam kong hindi masasagot 'yun dahil wala akong lakas itanong kay Mama 'yun.

Masasabi ko ring swerte ang kambal dahil katulad ni Leyan, lahat ng gusto nila nakukuha nila at sa aming lahat, ang kambal ang pinakamatagal kausapin ni Mama, awan ko rin kung bakit, bakit ang unfair?

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now