"Leyan, aalis na ako, huh?" saad ko habang inaayos ang envelope na aking hawak- hawak. Ngayon kasi ang aming enrollment at pupunta ako ngayon sa Quezon High para mag-enroll. Nasa loob ng envelope ang mga forms na kakailanganin ko.
"O' right. 'Wag ka na pating bumalik, charot! Sige, gora! Bilisan mo!" aniya, hindi ko na naman siya pinansin at tumalikod na. I am wearing a pencil skirt and a black fitted top, mayroon rin akong pang doble na blazer at shoulder bag. Ang suot ko namang sapatos ay ang white vans rubber shoes.
Umalis ako sa bahay ng 7:00 ng umaga at kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa tricycle patungo sa school.
Ngayon, magkikita na naman kaming mga hindi dapat magkita.
When the tricycle stops, I quickly go out and give him my pay for riding before entering the school. I really miss QH! It's been a while since I get from here, noong pasukan pa last school year.
Nag lakad pa ako patungo sa Main Gate ng school dahil binaba lang naman ako ng driver sa N-type gate, at dahil enrollment ngayon ay sarado ito. Malayo-layo pa naman ang Main Gate mula rito kung lalakarin ko, pero dahil wala na nga akong choice ay sinimulan ko ng mag lakad. Sayang ang oras.
For sure, they are already a lot of people inside the school now. May mga kasabay pa akong naglalakad na hula ko ay iba-iba ang grade, ang iba ay tinatawag ang pangalan ko ang iba naman ay patingin-tingin lamang sa akin. At dahil hindi ko naman sila kilala, hindi ko na lamang sila pinansin at binilisan ang lakad.
Nang makarating na ako sa gate ay dali-dali akong pumasok at hindi nga nagkamali dahil sobrang daming nakapila sa Main Buildingo sa Gabaldon na estudyante. It's just 7 am and the population is already like that, paano pa kaya mamaya? Baka magsiksikan na rito.
Dali-dali na akong naglakad papunta sa pila. May apat kasing pila rito na nabubuo. Ang una ay para sa Grade 7, pangalwa ay para sa Grade 8, pangatlo ay para sa Grade 9, at pang-apat ay para sa Grade 10, kung saan ako pipila. At oo nga pala, mayroon pang isang pila, para naman sa mga Senior High School Students, kaya bale lima ang pila sa labas ng Gabaldon Building.
I am currently in line in the Grade 10 line while double checking the papers I brought when someone was trying to get my attention.
"Hi!" ani ng nasa harapan ko sa linya pero hindi ko ito pinansin at patuloy lamang sa pag che-check ng aking papel. I have my id here, my birth certificate photocopy, my grade 9 grades photocopy, the enrollment form that I already filled up, my form 137. I think that's already okay.
"In coming Grade 10 ka rin?" saad niya, simple naman akong tumango habang binabalik ang mga papel sa loob ng envelope na hawak ko habang nakayuko ang ulo.
Ang aking muka ay natatabunan ng aking buhok kaya hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ako ng maayos.
"I'm also in coming Grade 10, well, I'm a transferee here since I'm new in this place that's why I just wanna ask you if it is okay to be friends with you?" saad niya, buong-buo ang boses at deretsyo rin mag english. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko naman tinatanong ang kaso ay bigla akong nahiya kaya wag na lang.
Nang matapos ako ay agad akong nag angat ng tingin sa kaniya hanggang sa hindi inaasahang mag tama ang aming mga mata. His brown eyes met my almond gray eyes, maraming nabibighani sa mga mata ko dahil kakaiba raw ito. Gray ang ordinaryo nitong kulay ngunit kapag tinatamaan ng sinag ng araw ay nag iiba raw ang kulay, nagiging yellow. I find it really so cringe sometimes because, really? May ganun ba?
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila na kapag tinatamaan ng sinag ng araw ang aking mata ay nagiging yellow dahil alam ko, pinag ti-tripan lang nila ako.
YOU ARE READING
Lashing Ambitions
RomanceFree Will Series #1 Andee El Friego and Turn Cuarez has a lot of ambitions for their life, to be successful, to study abroad together and to be a Chef and Engineer because that's their dream. They almost have it all but because of the continued cris...