Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

"Ano nang gagawain natin?" saad ko.

"Yung mga bisita nila, icompany mo muna, ako ng bahala kay Naya, tutulungan ko si Bridge" ani Leyan, mabilis naman akong tumango. Naglakad na si Leyan patungo sa room kung nasaan si Naya at si Bridge dahil ito ang nag-aalaga dito.

"Uy continue na kayo, gusto niyo na bang kumain? ito ang pagkain o, kung gusto niyo ding mag swimming, sige lang." Sabi ko sa mga bisita, tumango naman sila at dumeretsyo sa swimming pool ang iba habang ang iba ay kumukuha ng pagkain.

"Paano po si Zinaya? Hindi po kaya nakakahiyang ituloy pa dahil sa nangyari sa kaniya?" agad akong napalingon sa babae nang magsalita siya. Natahimik naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko, tama naman siya. Ngumiti na lamang ako sakaniya.

"Okay lang, kami nga ang nahihiya sa inyo. Sige kumain lang kayo." Hindi na pa siya nagsalita at tumalikod na para kumuha ng pagkain. Napabuntong hininga naman ako, hindi na masaya. Napalingon ako sa aking tabi at natigilan nang makita roon si Shezaya.

Mag-isa siya sa sulok na inaalis ang mga icing sa kaniyang muka at buhok gamit ang tissue, mukang hirap na hirap pa siya dahil pansin ko na gigil na ang kaniyang muka. May bote rin ng beer sa kaniyang tabi kung saan ay iniinom niya. Napailing ako, si Leyan at ang kambal pa lang ang pinayagan ni Mama na uminom ng alak dahil alam na nila ang ginagawa nila.

Alam kong ito ng first time ni Shezaya na uminom nuon sapagkat ngumingiwi pa siya kapag nainom ng beer. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya, mukang hindi niya naman ako napansin at patuloy parin sa pag-alis ng icing na nakadikit sa kaniyang buhok.

"Tangina kasi, laging bida-bida. Papansin ang puta yawa." Agad akong napakunot noo nang marinig ko ang mga sinasabi niya habang asar sa ginagawa. Dahan-dahan kong inabot ang tissue at kimuha ng ilang piraso bago tulungan siyang alisin ito, mukang naramdaman niya naman yuon at agad sa aking lumingon. Nakakunot noo siya at pansin kong namumula pa ang kaniyang ilong at mata.

Napakurap naman ako dahil umiyak ba siya? Dali-dali siyang umirap bago tumalikod, asar niya pang hinablot sa akin ang tissue na aking hawak. Nagulantang pa ako sa kaniyang inakto dahil unang beses niya lang sa akin 'yang ginawa.

"Shezay-"

"Shut up, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya ko mag-isa." aniya at naglakad na paalis, napakurap ako. Anong nangyari sa kaniya?

Napabuntong hininga ako bago naiwang mag-isa rito. Bukas na ang pasukan namin kaya ito na rin ang last day namin na mag celebrate.

Napahilot ako sa aking sintido bago ilabas ang aking phone at kinuhaan ng picture ang paligid, pinicturan ko rin ang legs ko at ang paa ko na may suot na crocs. Litaw na litaw ang kinis at puti ng aking balat dahil natatamaan pa ito ng sikat ng araw. Pinicturan ko rin ang damit ko ngunit hanggang leeg ko lang, kitang-kita ang aking collar bone dito. Pinicturan ko rin ang aking shades na nakasabit sa aking ulo bago ito ipost sa instagram.

Mamaya pa sila mag la-like, hindi naman kasi ako tulad ng iba na pagka post pa lamang ay may mga nag la-likes na, akmang i-hohome screen ko na sana ang phone ko nang agad na may nag notif sa akin. Agad ko itong pinindot at napakunot noo ng lumabas na may nag follow sa akin sa instagram.

@turnnnn

'Yan ang username at malalaman mo agad kung sino ito, hindi gaya ng profile niya sa twitter iba ang profile niya sa instagram ngayon, ako kasi kapag nag palit ako ng profile, yun nadin ang profile sa lahat ng social media accounts ko.

Picture niya naman ito na naka shades habang naka fuck u sa camera.

Agad ko siyang inistalk at nakitang marami padin siyang followers rito, ano pa bang aasahan ko?

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now