Chapter 4

6 0 0
                                    

Chapter 4

"Arat na kasi, yawa naman! Ang hirap talaga kapag may kasamang maarte! Dali na!" napabuntong hininga na lamang ako nang marinig na naman ang sigaw ni Zinaya sa amin, kanina pa kasi siya ganiyan dahil Birthday nilang dalawa ni Shezaya ngayon. Jollibee na naman siya lalo na at may kasama silang bisita.

Napag desisyunan nina Mama at nitong dalawa na sa private resort na lang ganapin ang kanilang birthday, ayaw pa nga 'yun ni Shez dahil pwede naman daw na sa bahay na lamang kaso maarte si Naya kaya wala narin siyang nagawa pa.

Rumenta si Mama ng isang van para sa amin kasama ang bisita nilang dalawa, ni-rent rin namin yung private resort kaya kami lamang ang nandun. Excited na excited na si Zinaya kanina pa, 9 am ang usapan namin na aalis ngunit 7 am pa lamang ay bihis na siya at nagsisisigaw. Ginigising kaming apat sa pagkatok ng malakas sa aming kwarto at kakanta ng "happy birth day to me! Happy birthday Shezaya! Happy Happy Happy! I'm happy!"

Para siyang tanga, literal. Sinapok pa siya kanina ni Leyan nang magising ito dahil napaka-ingay daw. Leyan is wearing her croptop backless top tas naka rip shorts siya na denim, ang buhok niya ay naka messy bun na nakapusod si Zinaya naman ay naka suot na ng 2 piece niya na swimsuit dahil matagal niya na itong inaantay na masuot, naka cover lang siya ng isang manipis na t-shirt, oversize ito at kitang-kita ang katawan niya at naka shorts rin naman siya sa pambaba. May dala-dala rin siyang sunglasses, nakataas ito sa may buhok niya na nakalugay. Si Shez naman ay naka one-piece at cinover niya lamang ang pambaba niya ng shorts tas naka braid ang hair niya kung saan ay makikita ang kulay ng buhok niya na pula.

Samantalang si Eyxee ay naka tube na itim kung saan ay kita ang cleavage niya at naka shorts rin at nakalugay ang buhok at ako. . . Naka one-shoulder top lamang at naka shorts. Okay na naman siguro ito, hindi kasi ako kagaya ng mga kapatid ko na proud ipagkalandakan ang kanilang magagandang katawan.

Pinag hirapan kasi nila yun, let's be honest, hindi gaganda ang katawan mo ng wala kang ginagawa. That's impossible or even what's they're saying na "inborn" na daw ang katawan nila na maganda. That's not true, Laging napunta ang mga kapatid ko sa gym kapag free sila o walang ginagawa. They said they are not doing it because of anybody, they are doing it because they wanted.

Samantalang ako lang ang may hindi magandang katawan or hindi stable. I'm petite. We're all petite here, kami ng mga kapatid ko pero masasabi kong si Leyan talaga ang may pinaka magandang katawan sa amin dahil talagang may shape siya. Malaki ang boobs niya, flat ang tiyan, maliit ang waist, for what I remember her waist is 24 while Shez and Zinaya is 25 and Eyxee and me is 26. Malaki rin ang hips at ang pwet ni Leyan, mahaba ang legs niya at may shape rin ang hita.

Tho I'm not insecure with her dahil pinag hirapan niya talaga yung katawan niyang 'yun. Niloloko nga namin siya minsan na mag model siya baka yumaman pa kami kaso tinatawanan niya lamang kami. Totoo naman kasi yung sinasabi namin, may future talaga siya sa modelling even sa showbiz if ite-take niya lang yung risk pero ayaw niya kaya hindi namin siya pinipilit.

Nang matapos na kami sa aming kaartehan ay agad kaming bumaba. Nasa labas na daw yung van saka yung mga bisita nung dalwa dahil sasabay sila sa amin kaya nga kami nag upa ng van.

Nang makababa ako ay nakita ko ang mga taong nagkalat sa aming sala habang si Zinaya ay bida-bida, tuloy-tuloy sa pag chi-chika.

"Hello. Good morning po." bati nila sa akin nang makababa ako, tumango lamang ako at ngumiti bago dumeretsyo kay Shez. Nakatayo lamang siya duon sa may pinto namin habang nakatutok sa phone niya, parang may ka-chat.

"Pstt." napalingon siya sa akin.

"Happy Birthday." saad ko at tumabi sa kaniya, simple lamang siyang tumango at muling binalik ang atensyon sa phone. Napabuntong hininga ako. Ang awkward talaga kapag hindi kami lahat magkakasama. Hindi ko alam, close naman kaming lima sa isa't-isa dahil mula bata ay kami na ang magkakakasama pero pag naiiwan kami or hindi kumpleto, nagiging awkward.

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now