CHAPTER 8

5 0 0
                                    

Chapter 8

Nagdaan ang ilang linggo na parang napaka bilis, nagbago nadin ako ng nakasanayan. Dati nasanay akong laging nakabuntot sa akin si Ash, ngayon unting-unti na akong nag a-adjust sa kabaliktaran nito. Mga magkakaklase pa naman din kami, ang hirap layuan kapag malapit sayo.

Lagi ko silang nakikita na magkakasama, masaya, tulad ng samahan nila noong hindi pa ako napasok sa buhay nila. Hinahayaan ko nalang silang ganun, nag bu-busy na lang ako sa pag ce-cellphone habang wala pa ang aming Professor, lagi din akong gigil dahil lagi nalang akong kinukulit ni Turn, classmate ko din siya at minsan ay talagang iniirita ako. Gumawa ako ng dump account sa ig at ginawa itong private. Duon ako nag po-post ng about talaga sa buhay ko, yung main account ko pang represent lang siya. Lahat ng sama sa loob ko sa dump account ko nilalabas. Nag ra-rant ako gamit ang story sa ig, confident ako gawin yun kasi wala namang makakakita. 

Pag may nag fa-follow sa akin, nalalaman ko kasi naka private nga ito at nahingi sila ng permission pero hindi ko pinapansin. Hindi ko nga alam kung pano nila nalaman yun e wala naman akong pinagsasabihan about dun at hindi ko rin naman siya nire-reveal sa main account ko.

Ngayon ay biyernes, last day ng klase this week. Tulad ng gawi, nandito na kami sa room habang nag iintay sa first class namin which is MAPEH. Nilabas ko ang cellphone ko at ginamit ito tulad ng ginagawa ng iba. Pinicturan ko yung palda ko na kita ang black shoes ko at inistory ito sa ig dump ko at nilagyan ng location kung saan ay ang school namin. Inistory ko din ito sa main account ko at nanood ng ig stories ng mga friends ko sa ig. Nakita ko pa ang story ni Ash, video nilang tatlo ito. Nasa kotse sila at mukang kanina lang ito bago sila pumasok. Mukang sabay-sabay sila.

Nagtatawanan sila duon, kasunod naman na lumabas ay ang kay Turn, napakunot noo pa ako. Picture niya ito na nasa classroom din namin na tulad ng akin ang kaibahan lang ay male version ito sapagkat picture ito ng p.e. pants niya na kita din ang rubber shoes niya na nike, at tulad ng akin may location din ito na naka attach. Hilig niya talagang mag p.e. uniform kung kelan niya gusto. Bahagya akong napakunot noo at tiningnan kung ilang oras niya na ito inistory at nakitang 4 seconds palang. 

Ako ang unang nakakita!

Agad akog lumingon sa pwesto niya kung saan ay nakita kong nag ce-cellphone din siya at nakatitig sa akin bago niya ako ngisian.

Bahagya akong napalunok at nakaramdam ng inis. Ginagaya niya ba ako?

Agad akong nag reply sa ig story niya.

@AndeeEL  

Excuse me? Are you mocking me? 

Muli kong chineck ang ig story ko at tiningnan kung sino-sino na ang nakakita at nakitang siya din ang pinaka una. Nagkasalubong ang kilay ko. Ano bang gusto niya?

Agad nag vibrate ang phone ko at nakitang nag reply na siya agad ko itong in-open.

@_turnornot 

No. I'm just partnering you.

Agad akong napakurap sa sinabi niya. Tangina ano bang trip niya? 

Hindi ko na sana siya papansin pa ng mag send siya ng picture niya! Oo picture niya!

Selfie niya ito at nakadila siya habang halatang bored ang muka. Magulo ang kaniyang buhok at mapupungay ang kaniyang mga mata. Tanginang muka ang gwapo!

Muli ko siyang sinulyan at nakita kong nakatitig din siya sa akin kaya agad akong lumihis ng tingin.

Pinilit ko siyang hindi replyan hanggang sa dumating na ang Professor namin kaya agad naming itinago ang aming mga cellphone at tumahimik na din kami hanggang sa mag start na ang klase. Pagkatapos niyang mag lecture ay binigyan niya lang kami ng project sa Arts, pinag da-drawing kami ng favorite Greek God namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now