Chapter 1

18 1 0
                                    


Chapter 1

"Naya, si Mama natawag, sagutin mo nga." saad ni Leyan habang nagsusuot ng mga damit na kaniyang binili sa shopee na dumating lamang kanina.

"Aba, ikaw na. Sa 'yong account natawag tapos ako uutusan mo," sagot ni Zinaya at bumalik sa panonood sa laptop.

"Ah, gan'yan ka na, Zinaya huh? Isusumbong kita kay Mama, akala mo ha! 'Yang pinapabili mong sapatos, mawawala 'yan sa isang iglap kapag sinumbong kita kay Mama, sinasagot-sagot mo na talaga ako huh?" pananakot ni Leyan at humarap kay Zinaya na nakasalampak sa couch at nanonood ng movie sa laptop.

Si Leyan ay nasa harapan ng whole body naming salamin habang tinitingnan kung bagay ba sa kaniya ang kaniyang binili.

"Ano, ayaw mo talaga?"

Asar na napaangat si Naya mula sa pagkakahiga sa couch bago sagutin ang tawag ni Mama sa pc.

"Hello, bakit ganiyan ang muka mo Zinaya? Anong nangyari?" Bungad ni Mama nang masagot na ito. Muli namang bumalik si Naya sa couch at humiga bago muling tinutok ang mata sa pinapanood.

"Mama kasi 'yan si Zinaya, pinapasagot ko lang naman sa kaniya 'yung tawag mo, aba nagagalit pa sa akin. Ma, wag mo na nga 'yang bilihan si Zinaya ng sapatos na pinapabili niya. Gumaganda ang ugali, Ma." pagsusumbong ni Leyan habang umiikot ang katawan sa salamin.

"Ma, tamo, tingnan mo, nag bili ako ng top sa shopee, bagay ba?" aniya at humarap sa monitor bago duon mag pacute.

"Nako naman kasi, malay mo naman may ginagawang importante lang 'yang kapatid mo kaya ganiyan." sagot ni Mama. Napasimangot naman si Leyan.

"Ma, nanonood lang 'yan sa laptop, puro k-drama na lang alam ma, bukas-bukas hindi na natin 'yan makausap at laging katabi 'yung laptop niya."

"Anong pinagsasabi mo diyan, Leyan?" agad na naalarma si Zinaya at napatayo sa couch bago tumakbo patungong monitor at kinausap si Mama.

"Ma, wag mo 'yang pansinin. Inggit lang 'yan si Leyan kasi crinush back ako ng crush ko tapos siya hindi. Ma, yung pinapabili kong shoes ha, wag mong kakalimutan." panglalambing nito. Napabusangot naman si Mama sa monitor.

"Ang ba-bata niyo pa, crush-crush agad ang inaatupag niyo, nako, Leyan, bantayan mo 'yang mga kapatid mo at baka mamaya kumekerengkeng na, hindi pa natin alam." pagpapangaral ni Mama.

"Ma, don't cha worry. Akong bahala, sabunot naman sila sa akin kapag nagpahuli sila." aniya.

"Ang kapal mo, sis. Baka nga ikaw pa 'tong masabunutan namin dahil puro ganiyan na lang alam mo." saad ni Zinaya.

"At least wala akong mga lalaking nilalandi, duh!" maarteng saad ni Leyan at umirap sa amin. Aksidente namang nagtama ang mata namin ni Leyan na nagpa ngiti sa kaniya.

"Andee!" aniya at dali-daling tumakbo patungo sa akin.

"Andee tamo, bagay 'di ba sa 'kin?" saad niya at umikot-ikot sa harap ko. Naka crop top siya na hanggang baba lamang ng dibdib ang ikli at sa dulo ay may naka krus na tali na naka-connect sa skirt niya.

Tumango na lamang ako sa kaniya dahil hindi naman siya papayag ng hindi ang isasagot. Isa pa, bagay naman talaga sa kaniya, tho, masyadong labas ang kaniyang tiyan pero nang maalalang ganiyan nga pala talagang manamit siya ay pumayag narin ako.

Mukang natuwa naman siya sa sinagot ko at ngiting-ngiting tumingin kay Mama sa monitor.

"Ma, buti pa si Andee, o. Sabi niya bagay daw sa 'kin, so Ma, bilhan mo na kasi ako ng iPad, hindi lang naman para sa akin 'yun, e. Para din naman 'yan sa kanila, 'di ba?" saad ni Leyan bago humarap sa amin.

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now