Chapter 2

4 1 0
                                    


Chapter 2

"Turn? What kind of name he has?" kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"He definitely loathed his name. Yeah, for sure." dagdag ko pa bago ibaba ang blower at patayin ito. Katatapos ko lamang kasing maligo kaya narito ako sa aming vanity table at pinapatuyo ang buhok ko.

Wala ngayon ang mga kapatid ko dahil may kani-kanila silang lakad ngayon. Si Leyan daw ay may kailangang asikasuhin na papers niya para sa pagpapa-transfer niya ng University habang si Zinaya naman ay kinukuha ang padala ni Mama na pera sa padalahan. Si Shez naman ay may pasok sa studio na kinabibilangan niya upang matuto ng drums, mahilig kasi rito si Shez, noon lang niya ito napansin.

Aniya ay gustong-gusto niya lang daw manood ng mga nag da-drums habang sinasabayan ito ng tugtog. She said that it satisfies her. Kaya naman nang mag birthday siya ay ang hiningi niyang regalo kay Mama ay ang Electric Drums Pad.

Isa itong Padding Drums na ipinapatong lamang sa table na may kasamang pitong bilog na nagsisilbing drums nito. Mayroon rin itong kasamang drums stick at pedal.

Asar na asar pa noon si Leyan kay Shez dahil sobrang ingay raw nito tuwing nagpa-practice na matuto ng kaniyang sarili sa pamamagitan ng panonood ng tutorial sa youtube si Shez, minsan naman ay may time na sobrang konti lang daw ang gumagamit ng drum pad ay wala masyado siyang makita sa youtube na tutorial kaya siya na mismo sa sarili niya ang nag-aaral ng kanta at gumagawa ng kaniyang sariling drum sheet.

Mukang worth-it rin ang pag bili ni Mama ng Electric Drum Pad ni Shez dahil talagang pinursue niya ito mag-isa at natuto. Nag simula siya sa mga basics hanggang sa masaulo niya na ang drums niya kaya napag desisyunan ni Mama na ibili si Shez ng sarili niyang Drum Set at ipasok sa studio na nagtuturo ng pag da-drums at pag gamit ng iba't-ibang uri ng instrumento.

Alam kasi naming iba matuto sa Drum Pad at sa totoong Drums kaya 'yun ang ginawa ni Mama na mukang kinatuwa talaga ni Shez ng sobra.

Kaya naman nang makita ito ni Mama dahil laging nag vi-video si Shezaya tuwing may natututunang kanta ay agad niya itong cino-cover gamit ang drum pad at drum set bago vini-video-han ang sarili at sine-send kay Mama.

Tuwang-tuwa naman ruon si Mudra dahil mukang si Shez lamang ang may talento sa aming lima pagdating sa musika o instrumento. Pasalamat siya at hindi patalinuhan ang hanap ni Mama dahil kung patalinuhan 'yun, for sure, disqualify na agad silang apat.

Si Eyxee naman ay patungo raw sa bahay ng kaniyang kaibigan at tatambay muna, wala naman naging kaso 'yun sa amin dahil kilala naman namin ang kaibigan niya pati ang mga magulang nito at tiwala rin kami rito.

Kaya mag-isa ako ngayon rito sa bahay kasama si Lola. Noong nakaraang araw ay good mood akong bumalik sa bahay dahil dumating sina Sab at ang iba pa naming kaibigan at gumala na nga kami sa Mall.

Kumain kami sa restaurant at naglaro sa Arcade, nag uli-uli lamang kami at nag kuwentuhan bago narin maghiwa-hiwalay at umuwi na.

Nang matapos akong talikuran ng lalaking nag ngangalang Turn ay asar akong napalingon sa tatlong babae na kanina pa ako kinukulit.

"Saan ka ba kasi pupunta, Andee? Makikipag-kita ka ba sa jowa mo?" tanong agad ni Ash na laging pasimuno nito.

"May gala ka ba? bakit ya'n suot mo? Pero okay na rin, bagay naman sa 'yo and wait! wtf! ang ganda ng top mo, saan mo 'yan binili sis? Omg, Ash! tingnan mo!" saad ni Aye at agad na hinila si Ash papalapit sa akin na lalong nagpa-irita sa akin.

Agad kong hinawakan ang paper bag kung saan duon nilagay ng cashier ang mga binili ko nang mabayaran na ito ng lalaking basta na lang ako iniwan sa ere.

Lashing AmbitionsWhere stories live. Discover now