S T E P H Y
Maaga palang ay naghanda na ako para sa first day ko sa Bright Light International Academy. Bata pa lang ako pangarap ko nang makapag aral dito kaya nung sinabi ni mama na sa BLIA ako magkokolehiyo sobrang naexcite ako, dun din kasi nag aaral ang pinsan ko, at yung ultimate crush ko--- idol pala.
Ilang oras nalang, magiging BLIAnian na ako. Parang sa sobrang excitement ko di na ako makakatulog kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagmessage ako sa pinsan ko.
Lovely <3
Excited na ako para bukas!
Ayy? Parantangs hahaha pero ako din Steph, tour kita bukas sa vacant time ko:)
Promise yan ah?
Oo nga hahaha sige na, tulog na tayo :³
Pinikit ko na ang mga mata ko at napahinga ng malalim.
"Magiging arts student na ako simula bukas" ngiting sabi ko bago ako nagpalamon sa antok.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil 8am ang una naming subject. Naligo na ako, naghanda ng mga gamit, light makeup at lumabas na ng kwarto. Sa kusina naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain. Ngiting lumapit ako sa kanya at yumakap mula sa likod.
"Oh? Anong meron nak?" Tanong nya
"Thank you ma, kasi pumayag kang sa BLIA ako mag aral." Sabi ko
"Sus, wala yun basta makapagtapos ka" sabi nya
"O sya, sige na upo ka na para makakain na" sabi pa ni mama kaya umupo na agad ako at nakangiting sinunggaban ang pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama na umalis.
This is it! Papasok na ako sa Bright Light International.
Sa labas palang ng school, sobrang napanganga na ako, ang ganda! At ang gaganda din ng mga tao dito!
"Stephhhyyy!!!" Rinig kong tawag sakin kaya lumingon ako sa likod ko, there I saw my best friend, Fiona. Dito din sya mag aaral.
"Hoy Fiona!" Saway ko sa kanya.
"Ang ingay mo naman, ang daming tao oh" dagdag ko pa
"Kaya nga, maraming tao kaya sumigaw ako para marinig mo" pagdadahilan nya.
"Alam mo, tara na! San classroom mo?" Tanong ko
"Magkaiba tayong building teh" sabi nya
"Oo nga! Alam ko yun kasi sports ka, arts ako gags!" Sabi ko ulit sa kanya
"Tinanong ko lang san class mo para manahimik kaluluwa mo" sabi ko ulit saka naunang naglakad.
Minsan talaga, slow sya hahahaha bahala sya dun, marunong naman syang magbasa so ok na sya dun.
"Malalagot ka sakin Stephy!" Rinig kong pagbabanta nya bago pa ako mabangga ng taong biglang dumaan sa harap ko.
"Ara-"
BINABASA MO ANG
NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)
FanfictionKwento ng isang dalagang nangarap, nagmahal, at naghanap ng kapatawaran. Kasalanan ba ang mangarap na mahalin ng taong mahal mo? Paano kung ang mga alaala din ang hihila sa inyo palayo sa isa't isa? Kwento ng dalagang si Stephy na may mataas na pan...