J U S T I N
"Dre, nakita mo ba kanina si Sharie?" biglang tanong ni Ken habang nakaupo kami dito sa bench.
"hindi" maikling sagot ko.
"sus dre, kawawa yung nililigawan mo hahahaha" tawang sabi nya kaya napakunot ang noo ko.
"bakit?" tanong ko naman
"Bullseye" natatawang sabat naman ni Josh na ngumunguya pa ng sandwich
Anong bullseye? anong ibig nilang sabihin?
"Jah, aksidenteng natamaan ng bola habang nasa practice hahaha" sabi naman sakin ni Stell
"Pero ok lang naman sya, nga pala Pablo mamaya ba practice tayo?" dagdag pa nya at iniba na ang usapan. Di na ako nagtanong pa malakas at matapang si Sharie eh
"Oo, pero baka 3 hours lang nangako ako kay Alex eh na sasamahan ko sya sa mall mamaya para bumili ng materials nya sa school" sagot ni Pablo kaya nagsitanguan kaming apat.
Habang nakaupo kami dito sa bench, nahagip ng mata ko yung babae kanina na tinulungan ni Ken sa nahulog nyang libro. Maganda din sya, mukhang mabait naman. Bagong salta sa BLIA kasi di naman pamilyar ang mukha nya but why does it feel like I've already seen her before?
"Bujah lutang" biglang usal ni Stell na kanina pa tahimik
"Jah, sasagutin ka pa kaya ni Sharie?" sabi ni Josh kaya sabay silang humalakhak. Sinamaan ko lang sila ng tingin.
Sasagutin nya daw ako, baka nga second semester eh girlfriend ko na sya hahaha
"Hahahaha maiba tayo, totoo na ba talaga? final na talaga na may bagong ititrain na idols?" pag iba ni Pablo ng topic
"Oo daw eh, girl group daw, pinaaudition ko nga si Jannah eh hahaha" sagot ni Josh
"Japanese daw maghohold sa kanila?" sabat ni Ken
"Oo daw, si Mr. Hiroto yung bestfriend ni Sir Charles" sagot naman ni Josh na kanina pa lumalamon.
S T E P H Y
Change POV daw sabi ni author kasi nawawalan na daw ng topic ang SBT5.
Pagkalabas ko ng classroom kanina ay yun nga inakbayan ako ni Fiona at nang maglalakad na sana kami, biglang natulak ako ng tao sa likod ko at nahulog yung libro ko, aabutin ko na sana nang maapakan ang kamay ko kaya ayun, napahiyaw ako sa sakit.
Buti nalang may tumulong sakin, inabot nya sakin yung libro ko at nung tinignan ko sya, narecognise ko agad mukha nya. Si Ken na naman, at andun din sina Justin.
May nagsabi ding mag ingat ako. WAIT! Sinasabi nya bang tanga ako? hmmp!
Papunta na kami ni Fiona sa canteen nagkwento lang sya about sa first moments nya dito sa BLIA at ang bruha may crush daw sa classroom nila
Natatawa ako sa mga expressions nya.
"Girl, diba sina Justin yan?" biglang tanong ni Fiona at tumingin sa bench sa di kalayuan kaya lumingon ako
"Oo" maikli kong sagot saka binaling sa ibang direksyon ang tingin ko kasi naman eh
"yiiieee nagkatitigan sila~" pabulong na pang aasar ni Fiona kaya naglakad ako ng mabilis at iniwan sya
"Oi ito naman eh! nang iiwan" sabi nya habang patakbong sumunod sakin.
Pagdating namin sa canteen may nakita akong isang babae, dating kaibigan.
"S-Sharie..." mahinang usal ko habang nakatitig sa kanya
Nakatawa sya at nang makita nya ako ay agad nawala ang ngiti nya kaya yumuko nalang ako at nagsimulang kumain.
"Steph, ok ka lang?" tanong ni Fiona na halatang pansin ang pagbabago ng timpla ng mukha ko. Tumango lang ako at patuloy na kumain.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagsibalikan sa mga classroom namin.
Habang naglalakad ako sa arts building ay bigla akong nabangga ng lalaking tumatakbo kaya naout balance ako. Talagang pinikit ko ang mga mata ko at nakahanda nang humilata sa hallway nang biglang may naramdaman akong nakahawak sa braso ko kaya minulat ko ang mga mata ko.
"Sorry miss"
"o-ok lang, sorry din Justin?" sabi ko saka umayos ng tayo tumango naman sya saka ngumiti sakin. Grabe! Ang gwapo nya talaga, ang swerte ng mapapangasawa nito girl, sana ako na hahaha
"I need to go now, sorry ulit" sabi nya saka tumakbo na ulit papalayo sakin. Pumasok na ako sa classroom namin at dumiretso na sa upuan ko.
Di parin maalis sa isip ko ang mukha ni Sharie kanina habang nakatingin sakin, parang hanggang ngayon kasi galit pa sya sakin.
Halos kalahating araw talaga akong lutang. Lumabas ako ng classroom nang lutang at nagdecide akong bukas nalang magpractice ng sasayawin ko sa screening o audtion sa bagong girl group.
Pagkababa ko ng building, nakita ko si Justin... may inaabot na rose kay Sharie?
Nililigawan nya ata si Sharie, yun ang rinig ko kanina sa kaklase ko.
Dumaan nalang ako sa likod ni Sharie at patuloy nang lumabas ng school.
Di ko nabisita si Lovely sa Medtech building kasi napagod ako, bat ba ako napagod? ewan ko.
Pagkapasok ko sa gate ng subdivision, dumiretso muna ako kina Lovely, andun na sya at TULOG na daw kaya nagpaalam nalang ako na umuwi nalang muna.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko si mama na nanunood ng tv kaya ahad akong tumabi sa kanya
"Mama~"
"oh? andyan ka na pala, magbihis ka na at nang makakain na" sabi nya kaya ngiting tumango ako.
Umakyat na ako ng kwarto ko at binuksan ang bintana. Nanlaki ang mata ko nang may makita akong mga lalaki sa katapat ng bahay namin. Pamilyar! Tama si Ken at Justin, kasama si RJ? kaklase ko? magkapitbahay kami?!
Dali-dali kong sinara ang bintana nang mapansin kong lumingon si Jah.
Humilata muna ako sa kama ko at sinaksak sa outlet ang laptop ko.
It might sound childish but I have a digital diary.
Pagka-on ng laptop ko ay binuksan ko agad ang diary ko at nilagay dun lahat ng nangyari ngayong first day, kasali na dun ang pagiging tanga kanina hahaha.
Bago ako bumaba para maghapunan, nagbihis muna ako at nag-off ng laptop. Inayos ko ang mga gamit ko saka bumaba.
"Sya yun"
"Sya?" tanong ni Ken
"Wala" sagot ni Justin saka binaling ang tingin sa gitarang hawak ni Ken
dumiretso sila sa bahay ng kaibigan upang mag ensayo para sa darating na Bright Light International Academy Week sa susunod na buwan.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
NEVERLAND: (Chapter 2)
BINABASA MO ANG
NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)
FanfictionKwento ng isang dalagang nangarap, nagmahal, at naghanap ng kapatawaran. Kasalanan ba ang mangarap na mahalin ng taong mahal mo? Paano kung ang mga alaala din ang hihila sa inyo palayo sa isa't isa? Kwento ng dalagang si Stephy na may mataas na pan...