S T E P H Y
First day kong maging trainee, pagkatapos kong magpaayos ng new time schedule ng courses ko, lumabas na ako ng BLIA para pumuntang Horizoid Entertainment.
"Mukhang uulan pa talaga" sambit ko habang tumingala at nilibot ang tingin sa ibabaw.
Babalik sana ako sa loob para iwan ang camera sa locker. Di ko madadala toh eh, baka mabasa pa sa bag ko.
Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo ako at wala pang isang minuto, basang basa na ako.
Niyakap ko ang bag ko at sinigurong di agad mabasa.
"Naman eh!" Mangiyak-ngiyak na sambit ko nang biglang di ko na naramdaman ang patak ng ulan sa katawan ko kaya napatingin ako sa itaas.
Payong?
Nilingon ko ang may hawak ng payong at nakita ko....
Si Justin
Basa din sya
Pero bakit?
"J-jah"
"Mababasa camera mo, samahan na kita papuntang locker area." Sabi nya.
Concerned sya?
"Concerned lang ako sa camera mo, nakita kita kanina na halos balutin mo na na parang sisiw." Sabi nya, nababasa nya ba iniisip ko?
"Di ako mind reader pero alam ko lang kung gaano kaimportante sayo ang camera na yan dahil kasama sa requirements yan bilang isang MMA student ng BLIA" Luh, lakas ng radar ng utak mo Justin.
Naglakad na kami papuntang Arts building, sa basement ng building, andun ang locker rooms ng boys at girls.
Sa paglalakad namin, maraming bulong-bulungan, maraming matang nakatingin samin.
"Si Justin yan diba? Bat naman iba kasama nya?"
"Diba nililigawan nya si Sharie?"
"Oo, bakit ibang babae kasama nya?"
"Bagay din naman sila eh"
"Mas bet ko toh"
Ilan lang yan sa mga naririnig mong bulong ng mga kapwa namin BLIAnian.
"Iwan na kita dito" sabi ni Justin pagkapasok namin ng Arts Building.
"Salamat" sabi ko sabay ngiti.
"Use this, alam kong may training ka pa ngayon" sabi nya.
Teka, pano nya nalaman na magtitrain ako?
"T-thank you" ngiting sabi ko sabay hawak sana nga handle ng payong pero
"Sorry" sabi ko dahil nahawakan ko ang kamay nya.
Ngumiti lang sya at binitawan na ang payong.
Ako naman naglakad na papuntang basement para ipasok sa locker ko ang camera.
Pagkatapos ay nagbihis nalang din ako ng damit na gagamitin ko para sa training mamaya.
Kinuha ko na yung payong na iniwan ni Justin sakin at lumabas na ng building.
"Ikaw yung kasama ni Justin kanina, right?" Biglang sulpot ng isang babae na may hawak na iced coffee. Tumango ako at akmang aalis na nang bigla nya akong hilahin at bubuhusan sana ng kape.
"What are you doing?" Rinig kong boses, boses ni Ken?
"Inaano ka nya?" Dagdag nyang tanong, di naman nakaimik ang babae.
"Di na ba kami pwedeng maglakad ng may kasamang babae? Miss, pareho tayong mga estudyante ng Bright Light International, miss, di naman kami nangingialam kung may kasama kayong lalaki, sana naman ganun din kayo sa amin" sabi nya sabay hila sakin paalis.
Pagkadating ko ng Horizoid Entertainment, nakita ko ang iba pang trainees, sampu kami at pagbilang ko, kulang pa ng dalawa.
"Hello trainees" ngiting bati ng isang babae na parang kaedad lang din ni Teacher Hong ng SBT.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa ang dalawang trainees at nanlaki ang mata ko seeing my cousin!!!
"Lovely!" Tawag ko sa kanya kaya tumakbo sya papunta sakin.
"Trainee ka din pala?!" Tanong ko na tinanguan nya lang.
"Anong nangyari sayo? Bat ang dami mong band aid sa braso?" Sunod-sunod kong tanong nang makita ang mga sugat nya sa braso
"W-wala" sagot nya
"Lovely" i called her with a warning tone.
"Fine. M-muntik na akong masagasaan kanina" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya kaya agad ko syang niyakap
My poor buddy.
"May masakit sayo?" Tanong ko
"Wala Stephy, ok lang ako W-wag mo nalang sabihin kina mama ah? Lalo na kay ate" sabi nya na waring nagmamakaawa.
"Promise, basta sabihin mo lang kung may nararamdaman ka ah?" Sabi ko na tinanguan nya lang.
"Today is your first day as Hori trainees so for today, magpakilala muna kayo sa isa't isa at ihanda nyo ang mga sarili nyo dahil alam nyo naman siguro, we are going to pick only four official members." Sabi nung staff
"By the way, I am Hinata Sato, baka nagtataka kayo bakit Japanese name ang meron ako. Japanese-Filipino ako, dad ko Japanese, mom ko Pinay." Pagpapakilala nya
"Call me ate Hina" sabi nya sabay wave ng kamay nya.
This will be the first day na magbabago ang buhay ko char ititrain palang kami, actually, 5 month training lang daw because supposedly last year pa sila nagpa-audition but unfortunately, nagkaroon ng minor problem ang main office sa Japan kaya di natuloy agad.
T H I R D P E R S O N 'S P O V
Natapos ang araw nila nang puno ng kwentuhan, tawanan, at ensayo.
"Stephy, sabay na tayong umuwi" pag-aya ni Lovely sa pinsan.
Sa BLIA naman naglalakad si Justin papuntang parking area.
"Justin" tawag sa kanya ni Sharie na nakangiti.
"Sharie." Ngiti ding tawag ni Justin sa dalaga.
"Uuwi ka na ba?" Nakangusong tanong ni Sharie kay Justin kaya napakamot sa batok si Justin at ngiting sumagot.
"Oo eh, ikaw ba?" Sabi ni Justin.
"Di ko nga alam eh kung may susundo ba sakin ngayon" sagot ni Sharie kaya nagpresenta na ang binata na ihatid ito sa kanila
"Hatid nalang kita?" Tanong ni Justin na agad namang tinanguan ni Sharie.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N: Let's say, simula na ng pagbabago ng mga buhay nila sa next chapter. Touch the star kaps! Dahil Mahalima, Mahal ka ng Lima. Let's all Go Up!
NEVERLAND (Chapter 6)
BINABASA MO ANG
NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)
FanfictionKwento ng isang dalagang nangarap, nagmahal, at naghanap ng kapatawaran. Kasalanan ba ang mangarap na mahalin ng taong mahal mo? Paano kung ang mga alaala din ang hihila sa inyo palayo sa isa't isa? Kwento ng dalagang si Stephy na may mataas na pan...