S T E P H Y
Maaga akong pumasok at dumiretso sa psychology class ko, block mate ko si Fiona sa course na toh.
"Wala bang email na matanggap Stephy?" Tanong ni Fiona kaya umiling ako.
"Baka bukas" nakangiti nyang sabi sakin kaya napangiti nalang din ako.
10 minutes nalang at matatapos na ang klase ko dito kaya nagpaalam muna ako kay Fiona.
"Fiona, library muna ako ah?" Sabi ko kay Fiona na busy sa pagsusulat ng kung ano sa notebook nya.
Tumango naman sya kaya agad kong kinuha ang bag ko sabay labas ng classroom.Pagdating ko sa library, dumiretso ako sa dulong upuan kung saan kami laging umuupo ni Fiona.
Pag upo ko binuklat ko ang diary ko at nagsimulang magsulat ng mga pangyayari sa buhay ko ngayong araw.
F L A S H B A C K !
Naglalakad ako sa hallway ng 6th floor, sa HRM department para puntahan ang isa pa naming kaibigan na si Clara nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot
"Hello Clea? Miss na kitaaaa" sabi ko sa kausap ko.
"Jah! Laro tayo mamaya ah?" Rinig ko bago ko maramdamang may humawak sa braso ko. Napapikit naman ako habang hinahanda ko ang sarili ko na halikan ang sahig.
"Sorry" rinig ko kaya agad kong minulat ang mga mata ko.
Si Justin....
Napatayo ako ng maayos saka inayos ang sarili ko.
"O-ok lang ako, sorry din... ulit..." paghingi ko ng paumanhin saka naglakad na papuntang classroom ni Clara.
E N D O F F L A S H B A C K !
Nabalik ako sa wisyo nang marinig kong may tumatawa sa likod ko at paglingon ko ay nakita ko si Sharie.
"Talaga lang ha? Mala fairy tale yang nangyari sayo kanina ah? Hahahaha parang nananaginip ka Ms. Stephy" sabi nya nang natatawa pa.
Oo kilala nya ako kasi naging magkaklase kami noong highschool. Agad kong tinago sa bag ko ang diary ko.
"You know what Stephy, di ka nya magugustuhan dahil di nya type ang tulad mong.." tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa
"old fashioned, poor, and quiet wierd" sabi nya sabay alis.
Aaminin ko, nasaktan ako, naiiyak na ako kaya dali-dali akong lumabas ng library.
Naglakad nalang ako papuntang field para libangin ang sarili ko.
Pagdating ko ng field, nilabas ko ang sketch book ko at lapis.
Sinaksak ko naman sa tenga ko ang earphones sabay play ng The Scientist by Coldplay.
Nagsimula na akong gumuhit ng kung ano-anong nasa isip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Pagbukas ko agad na nanlaki ang mga mata ko.
An email from: Horizoid.ent@gmail.com
Good Day! We would like to inform you that you have passed the audition and we are glad to invite you to join our family and be one of Hori babies.
Hope to see you at Horizoid Entertainment Taft Avenue.
HORIZOID ENTERTAINMENT: Music of Dreams
Kinuha ko agad ang bag ko at pinasok lahat ng gamit ko. Tumayo na ako at nagpagpag ng damit.
Ngiting umalis ng school.
J U S T I N
Nandito ako sa field at nakatingin lang sa mga naglalaro, naglalakad, ang iba nagkukwentuhan.
Sa paglalakad ko nahagip ng mata ko ang babaeng yun na naman.
Di ko alam kung bakit pero sinundan ko sya.
Lumabas sya ng BLIA kaya napatigil na ako. Sabay kaming uuwi ni Stell eh, dun daw sya matutulog sa bahay kaya di ko pwedeng iwan yun.
Lumipas ang isang oras ng pagtambay ko sa field, nilapitan na ako ni Stell.
"Tara na Jah" sabi nya kaya tumayo na ako at naglakad na kami.
"Jah, daan muna tayong CSB, may ibibigay ako sa kaibigan ko dun" sabi nya.
Dumaan nga kami sa CSB, laki din ng school nila, nag abang lang ako kay Stell sa labas ng building, nilibot ko ang tingin ko at sa di kalayuan, nakita ko na naman yung babae.
"Multo ka ba?" Nasambit ko habang sinusundan sya ng tingin at nakita kong pumasok sya sa isang building kaya nagdrive ako palapit dun sa building na yun.
Pagkarating ko sa harap ng building,
"Horizoid Entertainment" basa ko, ito yung magha-handle ng new group, sumali ba sya? Natanggap sya?
Nabalik ang atensyon ko sa realidad nang tumunog ang cellphone ko.
"Jah, asan ka?"
"Hahahaha oo nga pala, lakad ka nalang dito, tabi ng CSB, nasa harap ako ng Horizoid Entertainment." Sabi ko sabay baba ng tawag.
Binalik ko ang tingin sa building, ang ganda din ng building nila, medyo maliit nga lang kesa sa SBT.
"Justin nang iiwan!" Pagmamaktol ni Stella habang nagsiseatbelt.
Napatawa nalang ako at nagmaneho na pauwi.
"Horizoid, diba yan yung magha-handle ng new group?" Biglang tanong ni Stell kaya tumango ako.
"Dun pala office nila? Tsaka ang ganda, maroon ang motif" dagdag nya pa.
"Oo at ang ganda din ng trainees"
"Ha?! Oi Jah, May crush ka sa mga schoolmates natin noh? Maliban dun kay Sharie?! Bakit Jah, sawa ka na kakabuntot kay Sharie?" Sunod-sunod nyang tanong kaya nagbrake ako bigla at tumalsik phone nya
"Aray! Justin naman!" Inis na sabi nya kaya tumawa ako.
"Stell, wala akong crush dun, sinabi ko lang magaganda trainees nila malamang, they're from BLIA. At hinding hindi ako magsasawang mahalin si Sharie." Sabi ko.
"Sabi mo eh" ngising sabi nya at nag-play ng isang video, galing ata sa audition nung isang Linggo.
"Tingnan mo toh, maganda diba? Feeling ko May gusto si Ken dito sa isang toh hahahaha" sabi nya sabay pakita sa akin nung video. Sya na naman, yung babaeng nakita ko kanina, tama nag audition nga sya.
"Feeler ka talaga” sabi ko sabay tingin sa stop light.
Crush ni Ken? Hahahaha manok talaga, di marunong pumili.
"Talaga po? Magtitrain na ako simula bukas?!"
Grabe ang saya ko.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N: Thank you for reading kaps! Follow for more stories! And Wag kalimutang i-click ang star and comment na din. See you sa chapter 6.
Maraming SLMT!NEVERLAND (Chapter 5)
BINABASA MO ANG
NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)
FanfictionKwento ng isang dalagang nangarap, nagmahal, at naghanap ng kapatawaran. Kasalanan ba ang mangarap na mahalin ng taong mahal mo? Paano kung ang mga alaala din ang hihila sa inyo palayo sa isa't isa? Kwento ng dalagang si Stephy na may mataas na pan...