09

3 0 0
                                    

S T E P H Y

Ito na yung araw na pinangarap ko noon. Isa na akong BLIA Idol.

Bumangon na ako at naligo na. Kagabi, tinulungan ako ni mama na mag impake ng mga gamit na dadalhin ko sa dorm, naging emosyonal si mama kasi daw ang saya nya na natupad ang isa sa mga pangarap ko.

Pagkababa ko, nakahanda na pala ang almusal namin ni mama at masaya kaming nagsalo

"Mag iingat ka dun ha?" Bilin ni mama sakin

"Oo naman ma, tsaka andyan si Lovely hahahaha kaya si Hillary muna makakasama mo dito ah?" Sabi ko kaya tumawa sya

"Opo ma'am hahahaha pupunta dito mamaya si Hillary" sagot nya kaya nag umpisa kaming kumain ng May ngiti sa labi.

Pagkatapos naming kumain, naghanda na ako at yumakap muna kay mama bago lumabas at pumunta kina Lovely.

"Kailangan ko pang umattend sa class ko bago ako pumuntang dorm" sabi ko

"Ako din naman eh HAHAHAHA" Sabi naman nya.

Pagdating ko sa classroom, sinalubong ako ni Jennilyn.

"Hoy panget, school idol ka na?" Tanong ni Jennilyn.

"Oo hihihi, pero oi! Walang magbabago ah? Baka di nyo na ako tutulungang mag-review." Sabi ko.

"Oo naman noh!" Sabi nya sabay akap sakin.

Walang ibang nangyari, ingay ng klase, dumating ang instructor at nagquiz lang. Pagkatapos ng isang core subject, vacant namin kaya chineck ko ang gamit ko sa locker area ng building namin.

After checking, I went to the oval to catch some not so fresh air. I sat on a bench while watching those students who are walking with friends while chitchatting, HHWW couples, students in their PE class, and some students who are chasing each other.

Ang saya ng buhay, lalo na yung mga inlove. I got my sketchpad and my pencil and sketched someone from afar. Di ko man masyadong maaninag pero ginuhit ko parin kahit ang figure lang nya na nakatayo sa malayo.

Pagkalipas ng halos kalahating oras, natapos ko na syang iguhit at eksakto namang naglakad yung taong ginuhit ko.

"Ehem, si Justin pala ginuhit mo" nanlamig ang kamay ko sa narinig kong nagsalita sa likuran ko.

"S-sharie..." Utal kong tawag sa kanya

"It's Riri Steph" napalingon ako sa tono ng boses nya. Paglingon ko, she was smiling while looking at me.

I miss this.

"A-ah hehehe" kinakabahan ako na nahihiya din.

"It's so nice, bigay mo sa kanya I know he'll love that" sabi nya kaya lalo akong kinabahan.

"A-ahh, sorry Riri I-i know naman na nanliligaw sya sayo eh" paghingi ko ng paumanhin

"Don't worry bibbi, its totally fine." Ngiting sabi nya.

"T-tinawag mo kong bibbi?" Ngiting tanong ko, kinukumpirma ko lang, yan kasi tawag nya sakin nung elementary pa kami.

"Oo, ayaw mo ba? Eh diba baby sister kita?" Ngiting sabi nya kaya ang saya ko

Tumayo ako at agad syang niyakap.

"I miss you Riri!" Iyak ko habang yakap namin ang isa't isa.

"Sobrang miss din kita bibbi" sagot nya

"A-akala ko di mo na ako papansinin" sabi ko

"I will always be here bibbi, sorry kung di mo ko mahanap" sabi nya sabay titig sa mga mata ko

NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon