03

2 0 0
                                    

S T E P H Y

Ngayong araw na ang simula ng audition.
Hinanda ko ang sarili ko.

"Ma, mag-o-audition ako ngayon sa school" ngiting balita ko kay mama

"Talaga? naku! ayusin mo nak ah?" ngiting sagot naman ni mama kaya tumango ako.

Binitbit ko na ang bag ko, anong laman nito? Gamit ng isang multimedia arts student hahahaha, dahil first sem pa naman at traditional arts pa focus namin, laman ng bag ko sketch pads, pencils, water colors and acrylic paints at iba pang basic art materials. Iiwan ko nalang ang iba sa locker.

//someone's knocking//

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang pinsan kong nakangisi, hindi naka uniform.

"Hoy babae, ngising aso ka dyan ah?" tanong ko sa kanya pero tumawa lang sya.

"Steph hahahaha ngayon ako mag-o-audition para sa bagong girl group trainee" ngiting sabi nya kaya nanlaki mga mata ko.

"Mag-audition ka din?!!! sabay tayo! anong oras ka aakyat?" tanong ko

"sa vacant time siguro namin, 2-3:30" sagot nya. Sakto! 3:00 dismiss na kami.

Nag umpisa na kaming maglakad palabas ng subdivision. Magtataxi lang kami ngayon kaya maaga kaming pinaalis.

Habang nasa taxi ay di ko maiwasang kabahan.

"Lovely, kinakabahan ako para mamaya" sabi ko kaso tinawanan nya lang ako.

"Anong nakakatawa?"

"Ano ka ba?! Mas makapal mukha mo sakin oi" sabi nya kaya tumawa kami.

"Ano ipeperform mo?" tanong ko

"Nah, sasayaw ako Twice What is Love, ikaw?" sagot nya at tinanong din ako

"Sasayaw ako'ng EXID Lady" sagot ko bago natahimik ulit.

J U S T I N

Gumising ako ng maaga, nang marinig kong may tumatawag sakin.

"Hello" sagot ko nang di tinitignan kung sino ang tumawag.

"Jah, mamayang hapon, nood tayo sa audition for new girl group" sabi ni Stell.

"Stell naman eh, himbing pa ng tulog ko binulabog mo para lang dyan?Sana hinintay mo nalang na pumasok ako noh?" sagot ko at narinig ko syang tumawa bago binaba ang telepono.

Opo, ganun kawalanghiya mga kagrupo ko, pasalamat sya mas matanda sya sakin.

Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na at kinawit sa balikat ang bag ko. Pagbaba ko nakita ko si diko(appellation for second elder brother) lumalamon na hahaha mas maaga kasi pasok nya 7:30 first course nya. He's taking up BSBA-FM into business talaga sya.

"Oh Jah, kain ka na sabay nalang tayo pumunta ng BLIA." sabi nya

"Ayoko, ang aga pa" sagot ko at tumingin kay mommy.

"Sumabay ka nalang sa diko mo" sabi ni mommy kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango.

Pagkatapos kumain ni diko, kinuha na nya ang bag nya at nagpaalam na kay mommy at daddy.

Lumabas na sya at narinig ko nang nagsara ang pinto ng sasakyan kaya binilisan ko na ang pagkain at nagpaalam na kina mommy.

Pagkasakay ko sa kotse ay agad na akong pinagseatbelt ni diko at nagdrive na sya papuntang BLIA.

Pagdating namin sa Academy, nagpark na si diko sa basement at sabay na kaming naglakad papuntang mga building namin.

Pagdating namin sa CBA building, nandun si Geca, kaibigan ni diko naghihintay sa kanya.

"Yani! hi Justin" wag kayong malito, oo una nyang tinawag si diko tapos nakita nya akong nakasunod kaya nag hi sya sakin.

"Hello Geca" bati ko pabalik. Yes, I never call her ate, why? simply, ayaw nya kasi ang tanda daw pakinggan.

"Diko, alis na ako" paalam ko kay diko at naglakad na ulit papuntang arts building.

T H I R D P E R S O N ' S P O V

Habang naglalakad si Justin, naisipan nyang dumaan sa covered court ng BLIA. Doon ay nakita nya si Sharie na maliksing ginagawa ang mga stunt bilang isang cheerleader. Napangiti si Justin nang makita nya si Sharie na nakangiti din sa kanya. Matagal na nyang kilala si Sharie, naging magkaklase sila nung grade 11. Niligawan nya si Sharie at mag iisang taon na ngunit di parin sya nito sinasagot.

Pero para kay Justin, kaya nyang maghintay.

Pagkadaan ng ilang segundo, nagsimula nang maglakad ulit si Justin papunta na sa Arts Building.

Pagkadating nya ng silid-aralan, agad na umupo sa upuan nya.

Samantala, nagpaalam na si Lovely sa pinsan nang natapat na sila sa MedTech Building ng paaralan.

Pagkaakyat ni Stephy papunta sa kanilang klase ay dumaan muna sya sa block MMA-1B para ibigay sa kaibigan nya ang isang maliit na kwaderno.

Pagpunta nya dun ay sinalubong sya ng kaibigan nya at di nya maiwasang mapalingon sa loob ng klase at salubungin ang titig ni Justin.

Nagpaalam na agad sya at naglakad na papunta sa silid nila sa tabi ng MMA-1B.

"Lagi nalang ba syang magpapakita sakin? Para kasing nakita ko na sya noon, binabangungot ata ako ng babaeng yun." ani Justin sa sarili nya saka humarap sa cellphone nya.






•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Keep reading kaps! Please pakifollow na din for more stories.

NEVERLAND (Chapter 3)

NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon