J U S T I N
"ACHUU!"
"hahahahaha ang cute nung bahing Bujah" tawang sabi ni kuya Yani.
"Bat ka ba kasi nagpaulan Bujing?" Tanong naman ni mommy na nagluluto ng ulam.
"Maaaa, tanda ko na Bujing parin" reklamo ko kaya tumawa na naman sila.
"Baby ka pa rin namin, wala ka pa namang inuuwing girlfriend eh" sabi ni daddy na kakababa lang.
"Daddy" maktol ko.
"Sige na, kain na kayo para makapasok na ng maaga." Sabi ni mommy habang nilatag sa harap namin ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain, lumabas na si diko at dumiretso sa garahe. Sumunod naman ako baka iwan pa ako nun.
Todo bahing ako sa buong byahe, pagdating namin ng BLIA, bumaba na agad ako at nagpaalam kay diko.
Umakyat na agad ako sa Arts building, nakayuko lang ako. Nang makarating na ako sa tapat ng classroom namin, bumahing ako at nagulat nalang din nang may marinig akong bumahing din sa harap ko.
Tinignan ko sya, at nakatingin din sya sakin.
"HAHAHAHA" sabay naming tawa.
"A-ahh, eto pala yung payong mo" sabi nya pagkatapos ng saglit na katahimikan at inabot sakin ang payong na pinahiram ko sa kanya kahapon.
"Thank you ulit, sige pasok na ako andyan na si Miss Pi eh" ngiting sabi nya sabay talikod.
Pumasok naman na ako sa klase namin at agad na naman na bumahing.
Pagkatapos ng unang subject, lumabas na ako dahil vacant naman kaya nagdesisyon akong pumunta muna sa students' lounge.
Pagkarating ko dun ay kinuha ko ang sketchbook ko at gumuhit ng kung ano-anong nasa utak ko.
Bahing parin ako ng bahing at napapatingin sa akin ang mga dumadaan.
Habang nagdudrawing ako, nakita ko si Sharie, naglalakad habang may kausap sa cellphone.
Ang ganda talaga ni Sharie, parang anghel na naglalakad.
Tatawagin ko na sana sya nang biglang may lumapit sa kanyang lalaki at tinakpan ang mga mata nya.
Sya din yung lalaking kausap ni Sharie noon. Binaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa sketchbook nang biglang may narinig akong kalabog sa likuran ko na parang mga libro na nahulog. At may kasamang bahing.
S T E P H Y
Naglalakad ako papuntang students' lounge para gawin ang activity ko sa major subject ko.
May nakita akong bakanteng upuan, the tables are for four students pero itong nakita ko, isang student lang, lalaki at makikiupo lang sana ako nang bigla akong bumahing at nabitawan ang mga libro ko.
"ACHUU! Argh!" Pikit matang reaksyon ko sabay upo para sana kunin ang mga gamit ko nang may mapansin akong mga kamay na humawak sa libro at.... Sa kamay ko.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Justin na naman.
Anong meron sa kanya? Hahahaha Lagi syang to the rescue.
Author, wag naman ganyan! Lagi mo kong pinapakilig eh >,<
Ok lang yan, di din naman lagi eh, may panahon for pain para sayo ihanda mo sarili mo hahahaha
"A-ako na" nahihiya kong sabi pero di sya nakinig, kinuha nya ang libro ko at saka ako tinulungang tumayo.
Magpapasalamat na sana ako nang biglang may sumulpot.
"Oh Justin!"
"H-hi Sharie" sagot nya kaya napatingin ako sa kausap nya.
Si Sharie nga....
"May kasabay ka ba maglunch mamaya?" Pabebe nyang tanong
"Ahh, wala eh, may classes pa sila mamayang lunch time namin." Gentle naman na sagot ni Justin.
"Sabay na tayo? Puntahan mo ko sa classroom namin?" Sabi ni Sharie sabay irap sakin.
Inayos ko nalang ang gamit ko at naglakad na paalis.
Nang aasar sya eh. Kasi nga diba? Nabasa nya yung diary ko and yeah, alam nyang may gusto ako kay Justin.
Hahaaayyy
Umupo ako sa bakanteng upuan sa oval at dun muna nagpalipas ng oras.
Kailan kaya ako mapapatawad ni Sharie? Ano kaya talaga ang kasalanang nagawa ko sa kanya? Alangan naman yun lang tapos halos isumpa nya na ako buong buhay ko.
F L A S H B A C K
"Sharie, bukas na ang exams natin, nakapag-review ka na?" Tanong ko sa kaibigan kong di maipinta yung mukha.
"Sharie ok ka lang?" Dagdag kong tanong pero ni isa sa mga tanong ko, di nya sinagot kaya tumahimik nalang ako.
Natapos ang araw, di parin ako pinapansin ni Sharie kaya imbis na sabay kaming uuwi, naglakad nalang ako mag isa.
Nag-stay muna ako sa rooftop ng school namin at nagdrawing lang muna. Ayoko munang umuwi, wala pa naman siguro si mama sa bahay, baka nasa trabaho pa.
"I hate you! Lahat nalang talaga pinapakialaman mo!" Rinig kong sigaw galing sa hagdanan kaya napasilip ako.
Si Sharie...
"Sharie, ano bang sinasabi mo?!" Sagot ni Luna, isa pa naming kaibigan habang hawak ni Sharie ang buhok nya.
Bababa na sana ako nang biglang lumingon sakin si Luna at wari'y sinasabi sa akin ang katagang....
"Sorry" walang lumalabas na boses pero yun ang basa ko sa bibig nya.
"S-sharie, s-si Stephy..." Sabi nya saka biglang sumigaw si Sharie at tinulak si Luna sa hagdanan.
"Luna!" Sigaw ko sabay takip ng bibig ko.
"Sharie..." Dagdag ko sabay tingin sa kanya at sya naman ay matalim na tumingin sakin.
Bumaba na si Sharie kaya agad akong bumaba para tulungan si Luna.
"Luna"
E N D O F F L A S H B A C K
"Lalim naman ata ng iniisip mo dyan" biglang sulpot ni Fiona at ni Jenny.
"Wala, May naalala lang ako" sagot ko sabay ngiti.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Isang kabanata na naman ang natapos mo kaps! Congratulations sayo! Kung nais mong maging updated sa mga susunod nating chapters, FOLLOW nyo na ako dahil Kaya'ng lahat IKAw at aKo!NEVERLAND (Chapter 7)
BINABASA MO ANG
NEVERLAND [KU 01] (SB19 JUSTIN)
FanfictionKwento ng isang dalagang nangarap, nagmahal, at naghanap ng kapatawaran. Kasalanan ba ang mangarap na mahalin ng taong mahal mo? Paano kung ang mga alaala din ang hihila sa inyo palayo sa isa't isa? Kwento ng dalagang si Stephy na may mataas na pan...