CHAPTER 23;)

115 5 1
                                    

"You are Casandra Yssabel Villa Luna?" Lumingon sa akin ang Lawyer "Yes po" pagtango ko naman ...... bigla syang ngumiti....... "I Can see In you A great Villa Luna" papuri nya sakin saka lumingon kay Lolo "C.E.O, May iniwang Sulat ang Asawa nyo para Sa apo nyang Babae" sabi nito , inilabas nya ang isang ginintuang Sobre at inabot sa akin ..... "Magandang basahin mo na yan Iha....." he suggested saka humarap sa kay kuya at lolo " Maaari muna natin syang iwan" agad namang tumayo si Lolo ,si Kuya Gab naman ay tinapik ang Balikat ko bago sumunod ......

Nag-iisa na ako ngayon, tinitigan kong mabuti ang sobre....at dahan dahan itong binuksan...... Inilabas ko ang mga kulay pink na papel na nasa loob nito....... Tatlong Papel....... mukang mahaba ang babasahin ko..... Una kong binuklat yung Papel na may naka sulat na Number 1....... Ang ganda ng sulat.......

"Para sa minamahal kong Cassandra,

Apo , kamusta ka ngayon? Nakakain ka na ba? Wala bang masakit sayo? "

Sinimulan nya ang Letter sa pangangamusta sa akin na lagi nyang ginagawa noon...... napangiti naman ako.....Mukang hindi ako ok lola....... kumain na po ako...... Wala pong masakit sakin physically, but My heart hurts of missing you......

"Kung nababasa mo man ang liham na to,Malamang ay wala na ako. Patawarin mo ko....... Sana Wag kang huminto sa Pagbabasa nito ,dahil dito ko  ipapaliwanag sayo ang lahat ng tanong dyan sa puso mo.

Unti-unti ng pumatak ang mga luha sa pisngi ko.....Wala ka na lola......

Maraming responsibilidad ang maiitas sayo apo ko........ Pero sisimulan ko muna ang Paglilinaw sayo ng pagkatao mo.....  Iniisip mo ba ang Mama at Papa nyo?  Hindi mo na sila kinagisnan..... patawad..... Hindi na pumayag ang lolo mo na sabihin pa sayo ang tungkol sa kanila ...pero alam kong kaylangan ...... Ang iyong  Papa ay ang nag-iisa naming anak.... sya si William Villa Luna....., ikinasal ang Papa mo sa iyong Mama Na si Lucia Ylisabeth Chan........ Masaya at Perpekto ang kanilang naging pagsasama....... lalo ng isilang nila ang kanilang panganay na si Gabriel Ynigo Villa luna...... Suportado ng Lolo mo ang Buhay may Asawa ng Papa mo.... Ibinigay nya ang Family house kung saan ka nakatira, sa kanila noon...... Mabait ang Mama mo...... Magalang.... Maganda.... Pero hindi ko sasabihin sayo na kamukha mo sya... dahil ipinagmamalaki ko na sa akin mo namana ang Iyong aking Kagandahan........."

Umiiyak man ay napangiti ako sa Pagtatapos ng unang sulat..... Maganda pala ang Mama ko.... Masaya sila ni Papa...... pero bakit wala sila dito? ..Bunuklat ko naman ang ikalawang sulat.....

"Apo, Wag mo sanang iisipin na Hindi ka mahal ng Mga Magulang nyo...... Oo.. hindi ka na nila natutukan... pero alam kong mahal ka nila...... labis ang tuwa namin ng Isilang ka..... isang Magandang prinsesa......

Ngunit naging magulo ang lahat, nang malaman ng Papa mo ang Responsibilidad na ibibigay sa Kanilang mag-asawa sa hinaharap....... Pumunta sila ng Mama mo ,kasama kayo ng kuya mo , Sa Mansion.... para kausapin ang lolo mo........ Nagkasagutan sila..... Ayaw ng Papa mo ng  responsibilidad na iyon..... Napag-usapan daw nila Ni Lucia na magkaroon ng Simple at Sapat na buhay para sa Pamilya nyo..... Matindi kung Mangarap si William ng isang Perpektong Pamilya...... pero mas matindi ang Lolo mo......

Hindi maaaring Walang maghawak ng Responsibilidad nayon..... Pinipilit ng lolo mo Ang papa mo ..... Binigyan nya ng Kotse...... Inalok na Pag-aralin kayo ni Gab sa ibang bansa,.....  Kaso sadyang matigas ang Papa mo.....

Nung Gabing tinangka nila ni Lucia na tumakas ng Mansion...... Ay nahuli namin sila........ Hindi pumayag ang lolo mo na dalhin nila kayo..... Umiiyak sya noon at nagmamakaawa sa Papa mo na wag ng umalis...... Pero ang sabi ng papa mo ay Ayaw na raw nyang Maging parte ng Pamilyang ito...... ayaw nya na ng Nakasasakal na Kayamanan ng Villa Luna.....

Napakasakit para sakin Na marinig yon sa Anak ko..... Sa huli pinayagan sila ng Lolo mo na Umalis at magpakalayo-layo ....... sa Isang kundisyon.......

Yun ay Maiwan kayo ng Kuya mo saamin........"

Nagulat ako sa mga ikwenento ni Lola sa Sulat na ito..... bakit ayaw ni Papa na maging Villa Luna? Bakit Sya nasasakal? Binuksan ko naman ang huli at ikatlong Sulat na may nakapangalang "PRESIDENT CASANDRA"

"Ikinalulungkot ko apo.... ngunit pumayag ang Papa mo sa Kasunduan....... Umalis sila ng Mama mo......  Mula noon ay hindi na namin nakausap ng ayos ang Apat na taon na si Gabriel...... Ang dating madaldal at masayahin, ay naging mapag-isa at Tahimik...... kaya apo .... Wag mo sanang  pagsawaan ang kakulitan ng kuya mo ngayon...... Dahil pasasalamat namin na Nagbabalik na sya sa Dati..... alam kong sya ang pinaka nalungkot sa piniling landas ng mga Magulang nyo..... dahil ikaw ay wala pang muwang ,ngunit sya..... nakasama na nya at nakilala ang Mama at papa nyo......

Halos araw-araw na umiinom noon ang lolo mo........ Satuwing makikita ko sya at sasawayin..... pumupunta sya sa Kwarto mo upang kargahin ka at Ihele habang tumutulo ang Mga luha nya..........

Ang lolo Arthur nyo, Paki sabi sa kanya na Mahal na mahal ko sya ha?... Wag kang mahihiyang Tawagin syang lolo..... Dahil sya ang pinakamasayang tao kapag naririnig nya iyon sayo..... Oo,masungit sya... Pero ayaw nya lang ipakita sa inyo ng kuya Mo na mahina sya..... dahil yon ang nakita ng Papa mo sa kanya..... Na Si Willian ang kahinaan nya.... Kaya naiwan kami nito ng ganon -ganon  na lang...... Masakit man na Nawala sa Amin ang Nag-iisa naming anak...... Masasabi kong kontento naman ang Lolo nyo sa Meron tayo ngayon.... dahil Nandyan kayo ni Gab ... Ang aming Dalawang  Angel........ Ang mga tagapagmana......

Naiiyak nanaman ako ,kahit hindi ko pa natatapos ang lahat ng nakasulat..... Opo lola, Hindi ko pagsasawaan si Kuya, Mahal ko rin po Si lolo.

Nakatakda sa Kasunduan na Kayo ng kuya mo ang magiging ganap na tagapagmana ng lahat ng Responsibilidad na Nakaatang sa Mga magulang nyo........ Si Gabriel bilang lalaki ay Ang tagapagmana nang lahat ng Nakapangalang pag-aari ng Lolo mo..... Si Gabriel ang Magmamay-ari ng lahat nang yon oras na Pumanaw ang lolo nyo........

Patawad apo at Pumanaw ako kaagad....... Sayo nakatakda ang Lahat ng Pagmamay-ari ko...... Ang pagiging President ng Villa Luna Corporation..... Ang pagpapatakbo ng  mga pag-aari kong hotel.... Hindi lang ito mapupunta sayo dahil Sa responsibilidad..... Alam mo bang matagal ko ng pangarap na magkaroon ng anak na babae? At ikaw ang tumupad noon..... Kaya noong isinilang ka ...sayo ko ipinangalan ang Lahat ng pag-aari ko.... Ang mga Hotel ay "Cassa" Na nagmula sa Cassandra.....  at May isang bagay pa na iilan lamang  ang nakakaalam.....  Ang VLU ay solong pag-aari ko..... iniregalo ito saakin ng lolo mo noong ika 10 anibersaryo namin..... Matagal ko rin inisip kung kanino ko ipapangalan ang susunod na magmamay-ari sa mga papeles nito..... Kaya noong isilang ka ay Ikaw ang isinulat ko .......... kahit na Hindi pa umaalis ang Papa at Mama mo......Tiniyak ko na Mamamana mo ang Eskwelahang iyan...........

Patawarin mo ko sa mga Responsibilidad na Maaga mong susuungin.......  Alam kong kaya mo yan apo ko.......

Pangalagaan mo ang Lahat ng naiwan ko..... ngunit wag mong kakalumutang Alagaan ang puso mo...... Ipaglaban mo ang tinitibok nito.......

Mahal na Mahal kita......, kayo ng kuya mo, Ang Lolo Arthur nyo, ..... ANG PAMILYANG ITO....."

Npahagulgol na lang ako matapos basahin ang lahat ng sulat..... Mahal na mahal din po kita lola...... hindi ko alam kung paano magsisimula....pero tulad ng pangako ko sa inyo noong huli......

"Hindi ko tatakasan ang Responsibilidad na iaatang nyo sa akin..... Hindi ako gagaya kay Papa.... Hindi ko susukuan ang pagiging Villa Luna..."

Sana po ay makaya ko pa...... Sana.....
Kahit wala ka na....... Lola...

;)

NEVER FORGETWhere stories live. Discover now