CHAPTER 1

26 2 0
                                    

Chapter 1
Weird

Shin's POV

Nagising ako sa paghaplos ng araw sa aking mukha.Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at nag-unat. Pagkabukas ng aking mga talukap, bumungad sa akin si ina na patuloy na naghahawi ng mga kurtina sa aking silid.


"Shin, pasko na anong oras ka babangon? Malalate ka na oh."

"Five more minutes mom." Tugon ko sa kanya sabay nagtalukbong ng kumot.

"Aba! Ikaw bata ka ha, sandali ka."

Napabuntong-hininga ako noong narinig ko na ang papalayong mga tunog ng hakbang ni mama, sa pag-aakalang paalis na siya ngunit napawi ang saya kong iyon nung naramdaman ko na ang lamig sa aking katawan.

"Ma! Mama naman eh!"

"Aba! Huwag mo akong ma-mamama mama naman Shinee Delfin! Alas dose na't late ka na. Hala't ipagpatuloy mo na ang paliligo mo sa banyo kung ayaw mong ako ang magpatuloy ng pagligo sa'yo rito." Ani ni mama habang tinataboy ako papalayo sa aking kama.

At sa kadahilanang wala akong pagpipiliang no choice, kaysa naman lalo pang mabasa ang pinakamamahal kong kama, naligo nalang ako.

Pagkatapos kong maligo ay bilow dry ko na rin ang aking kakaibang buhok. Oo kakaiba, kulay gray kasi siya na may pagkasilver na ewan. Kaya nagsusuot nalang ako ng wig tuwing napasok sa school, bawal kasi may kulay buhok dun eh. Hindi naman sila naniniwala kapag sinasabi kong natural to. Hayst.

"Shinee! Baka natulog ka pa ha? Hindi na talaga ininit na tubig na talaga ang ibubuhos ko sayo!" Napabuntong-hininga nalang ako nung narinig ko ang katakot-takot na sigaw ni mama mula sa kusina.

"Pababa na po."

Pagkatapos ng lahat ng aking morning routines ay kinuha ko na ang aking wig na kulay itim at sinuot sabay bumaba na kasi baka bugahan na ako ng apoy ng aking pinakamamahal na ina.

Pagkababa ko sa dining area ay nakita ko ang aking ama na prenteng nakaupo habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Magandang umaga, prinsesa ko." Bati sa akin ng aking ama.

"Good morning din po, papa." Tugon ko sa kanya sabay yakap.

"Buti ka pa po papa maganda ang bati sa akin hindi tulad ni mama." Nakasimangot kong sumbong sa aking ama.

"Narinig ko iyon!" sigaw ni mama mula sa kusina.

Tumawa nalang si papa maya-maya ay dumating na si mama dala-dala ang aking paboritong chocolate pancake na nakalagay sa isang malaking plato.

Umalis muli si mama at kumuha ng plato, noong bumalik siya ay nagtaka ako. Bakit isang plato lang at pang-isang tao lang ang dala niyang utensils? Hindi ba sila kakain? Siguro babalikan niya nalang.

Akmang kukunin ko na yung isang plato at pares ng utensils ng tampalin ng mahina ni mama ang mga kamay ko. Taka akong napatingin kay mama habang ang aking ama naman ay nagpipigil ng tawa.

"Sa akin lang yan, hindi kayo kakain." Tugon ni mama sa aking reaksyon.

"Bakit ma? Paborito ko 'yan eh. Hindi mo na ba ako mahal?" Madrama kong sabi sa kanya.

"Hindi! Maganda pala ang bati sa iyo ng ama mo ah. Magsama kayong dalawa, hmp!" Sabay balik niya sa kusina para kumuha ng maiinom.

Pagkaalis ni mama ay aakalain mo'y natatae na si papa sa reaksyon ng kanyang mukha. Tapos nag sisign pa ng 'lagot ka'.

"Papa naman." pagsasaway ko sa aking ama.

"Ikaw kasi anak eh, ayan tuloy nagtampo nanay mo." Dinugtungan niya pa ng mahihinang tawa na ewan.

Starlight AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon