CHAPTER 5

7 0 0
                                    

Chapter 5
New World

Shin's POV

Nang tumunog ang alarm clock ko ay agad na akong bumangon upang makapaghanda na ako ng aking mga dadalhin. Sabi nila mama dalhin ko lang daw ay yung mga important things lang daw.

Kinuha ko na ang backpack ko at naglagay ng wipes, alcohol, tissue, earphones, power bank, cord, two books, pulbo, maliit na pabango, at suklay. Pagkatapos kong ayusin ang mga dadalhin ko ay naligo na'ko.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot nalang ako ng isang plain pastel pink na t-shirt at pinartneran ko ito ng maong na jumper pants.

Nang matapos na ako magbihis ay kinuha ko na ang phone ko bago dumeretcho sa kusina. Nilapag ko ang aking bag sa mesa sa gitna ng kusina at nagsimula na maghukay ng pagkain sa refrigerator namin. Mabuti nalang at malaki ang backpack na dinala ko hindi yung maliit kaya't nagkasya ang mga chichirya ko at biscuit. Naglagay na rin ako ng isang bote ng tubig, kung sakaling uhawin ako. Pagkasara ko ng zipper na malaki sa aking bag ay kumuha naman ako ng mga chocolate bars at nilagay sa maliit na zipper sa unahan. Bago ako umalis sa kusina ay kumuha ako ng 1.5L na Gatorade na kulay pula, hehe my favorite, hindi maaaring mawala tuwing aalis ako.

Dumeretcho naman ako sa hapagkainan, pagkaalis ko sa kusina. Naabutan ko roon sina mama na naghahanda ng pagkain. Maya-maya pa ay dumating na si papa na galing labas at nagsimula na kaming kumain.

"Pagkatapos daw nating kumain ay aalis na tayo, naghihintay na sila Duchess Meridith sa labas." Ani ni papa habang nakain. Duchess? Ay siguro first name yun ni tita.

Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain kaya't dumeretcho na kami sa tapat ng bahay nila Serena. Van pala nila Serena ang sasakyan namin ngayon. Pagkapasok namin ni Serena ay nilagay na namin ang mga bag namin sa second row ng van nila at dumeretcho na agad kami sa lagi naming inuupuan, sa pinakailikod, may unan kasi dun at dalawang kumot na para talaga sa aming dalawa.

Bago umalis ang van nila ay kumuha muna ako ng isang pack ng malaking chichirya na baon ko at binuksan ito. Buong biyahe ay nagchichikahan lang kami ni Serena habang nagscroscroll sa social media. Maya-maya pa ay nawalan na ng signal ang data ko kaya't naalerto ako.

"Hala! Nawala signal ko. May signal ba phone mo sis?" Tanong ko kay Serena na nginitian lang naman ako.

"Ibig sabihin nun, malapit na tayo."

"Saan?" Tanong ko naman muli.

"Sa portal papunta sa mundo natin."

HUWAAATTT?!?!? So papasok kami sa isang portal?

Maya-maya pa ay huminto ang van at bumaba si tito na ipinagtataka ko naman. Sinilip ko muna sa bintana kung anong ginagawa niya. Nakita ko siya na lumapit sa isang wall in the middle of this forest na puno na ng vines may kung ano siyang ginawa roon tapos bigla nalang nag-ilaw ang wall at nagkaroon ng parang faded na rainbow na kulay tapos andaming cloud like thingy.

WOW! Ito ba yung portal? Ang ganda naman, nakakaamaze!

Dali-daling pumasok si tito sa loob ng van at pinaandar na ito papasok ng portal, I suppose na yun yung pinasukan namin.

Nagmamaneho lang ngayon si tito ng paderetcho. Para kaming nadaan sa langit, andaming mga ulap sa paligid.

"Ang ganda Serena! Ito ba yung portal? Ito yun, hindi ba?" Tanong ko sa katabi ko.

Tumango lang ito at ngumiti.

"Make sure na nakasuot kayo ng seatbelt, girls." Paalala ng mom ni Serena.

Nagthumbs up nalang kami ni Serena habang nakangiti, napakaganda talaga.

Maya-maya pa ay pakiramdam ko ay para kaming hinihigop ng isang whirlpool. It did not even last a minute bago ako nakaramdam ng bago na naman para kaming nagslislide pababa. Napayakap nalang ako sa unan ko.

Starlight AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon