Chapter 7
First Class
Shin's POV
Nagising ako sa hindi malamang dahilan, hindi pa nagpapakita ang haring araw kaya't tinignan ko ang orasan sa aking tabi at doon ko nalaman na alas kwatro y medya palang pala ng madaling araw. May dalawang oras mahigit pa ako bago magsimula ang klase.Pagkabangon ko ay dumeretcho na akong banyo upang makapaghanda na sa aking unang araw ng klase sa mundong ito.
Pagkatapos ko maligo ay sinuklay ko na ang aking mahabang buhok na abot sa aking bewang at napagpasyahan ko na huwag na lamang ito patungan ng wig. Tutal hindi lang naman ako ang may kakaibang kulay ng buhok eh.
Pagkatabas ko ng banyo ay isinuot ko na ang aking uniporme at nag-ayos na ng buhok. Napagpasyahan ko na ititirintas ko nalang ito ng dikit sa aking anit.
Nang matapos na akong mag-ayos ng aking buhok ay lumabas na ako ng aking silid at dumeretcho na sa kusina upang magluto ng aming agahan.
Nagluto nalang ako ng bacon and pancakes. Pagkatapos kong magluto ay lumabas na rin sa kani-kanilang kwarto sila Lia at Lili, 6 A.M. na pala.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na nila ako papunta sa aking classroom para raw hindi ako maligaw.
I sighed, as soon as I entered the classroom. It was such a mess, throwing paper balls everywhere, I walked straight to a vacant chair at the very back of the classroom at umupo. Maganda pala ang view dito sa may bintana, sa school ko kasi rati nakatakip yung bintana eh, para raw hindi madistract ang mga estudyante.
Maya-maya pa ay may dumating na babaeng hindi nakauniporme gaya namin, wari ko siya ang aming magiging guro.
"Good morning class." Bati niya na nagpatigil sa mga nagkukulitang aking mga kamag-aral.
"Good morning Miss Hildegard." Bati sa kanya pabalik ng aking mga classmates. Tumango lamang siya at pinaikot ang kanyang mga mata sa classroom, maya-maya pa ay huminto ang kanyang mga mata a akin.
"Oh! It seems like we have a transferee. Come here and introduce yourself to us, iha." Ani niya na sinabayan ng panghihikayat ng kanyang mga kamay na pumunta sa harapan. Agad naman akong tumayo at pumunta sa harapan, upang matapos na, magpapakilala lang naman eh."Hello! My name is Shinee Delfin, but you can call me Shin." After that, I smiled a bit.
"That's it?" Tanong ni Miss Hildegard sa akin na sinagot ko na lamang ng tangô."Okay, so...class does any of you have any questions for Miss Delfin here?" Tanong ni miss sa iba kong mga kaklase.
May dalawa namang nagtaas ng kanilang kamay.
"Okay, you first, Yvonne.""What is your class and element?" Tanong nung green-haired girl sa akin.
"Hindi ko pa alam." Sagot ko sa katanungan niya.
"What? How come? Lahat kami rito sa Section White, alam na namin ang class namin." Sabat naman nung isang blue-haired girl na katabi nung Yvonne.
"That's enough, Romina, next question please." Si Miss Hildegard na ang sumagot para sa akin. Bakit kaya hindi niya nalang ako hinayaan na sagutin iyon?
Nagtaas naman ng kamay ang isang babaeng kulay abo ang buhok na nakasalamin sa sulok, ang cute niya ^-^!"Go on, Mia." Pagtawag naman sa kanya ni miss.
Mia pala name niya, I want to be her friend. She looks kind.
"Why were you with Princess Serena yesterday? What is your relationship with her?" Tanong niya, medyo na offend ako roon ha!
"Kasi kasama ko siya pumunta rito? She is my best friend." Sagot ko naman sa kanya ng may pag-aalinlangan. Na starstruck ako sa tanong niya, gosh!
Napa gasp naman sa sagot ko sila Yvonne at Romina. Bakit? Hindi ba maaaring magkaroon ng bestfriend na prinsesa?
Pinaupo na ako ng aming guro pagkatapos ng mini Q and A na naganap. Bumalik naman ako sa aking kinauupuan kanina, sa tabi ng bintana sa pinakalikod ng silid. Wala akong katabi roon...or so I thought.
May pumasok sa aming classroom, isang lalaking kulay bughaw ang buhok. Parehas sila ng pagkabughaw na kulay ng buhok nung Romina. Dirediretcho siyang umupo.........SA TABI KO?!"Care to explain why you are late, Mister Grayson?" Sabi ng guro namin na mapapansin mong naiinis talaga. Sino ba namang hindi maiinis, bigla-bigla nalang siya papasok ng classroom. Hindi man lang nag sorry kasi late siya or whatsoever. Miski nga katok, wala eh. Napakabastos.
WHAT THE HECK?! Umubob lang siya sa mesa niya? Indeed, napakabastos talaga. For sure bagsak to sa GMRC, haist.
Napabuntong-hininga nalang ang aming guro nung napansin niya na mukang wala talagang balak na magsalita itong katabi ko.
"Romina, pagsabihan mo nga 'yang kakambal mo. Palagi nalang ganyan eh." Sabi ni Miss Hildegard kay Romina...so KAKAMBAL NIYA PALA ITONG NAPAKAWALANG GALANG NA LALAKING 'TO? O-okaaaaaay.
"Hindi pa pala ako nagpapakilala muli, para sa ating transferee. I am Hildegard Adair, you can call me Miss Hildegard, and I am your teacher for your potion class," sabi ni miss. Oo nga pala Thursday ngayon, potion class sabi sa schedule ko.Pagkatapos nun ay nagsimula na siya mag discuss ng iba't-ibang klase ng potion. Astig! Halos pala walang limitasyon ang kayang gawin ng mga potions, depende sa pagkakagawa. Gusto kong subukan yung potion na kahit anong kain, hindi nataba. HUHU! Ganun kasi si Serena eh! Nakakainggit.
Nawili ako sa pakikinig, maya-maya pa ay narinig ko na ang isang melodya na pinapatugtog sa hallway.
"That's all for today's class, goodbye." Ani ni Miss Hildegard bago umalis. Woahhhhh...so ayun pala yung ano nila rito for breaktime. Asttiiiiiggggg!
Pagkalabas ko ng classroom ay nakita ko na naghihintay para sa akin si Lili. Agad naman niya akong nilapitan at inaya na sa canteen. Nasaan kaya si Lia?
"Kumusta first class mo? May umaway ba sa'yo?" Tanong ni Lili sa akin.
"Uhmm...wala naman. Astig pala 'no? Andaming maaaring gawin na potions.""Of course naman! Almost all na maisip mo may potion na babagay." Sabat naman ni Lia na kakarating lang.
"Saan ka ba nagsusuot Lia at ngayon ka lang?" Tanong naman ni Lili kay Lia na 'kala mo'y nanay ni Lia tapos madaling-araw na umuwi, HAHAHAHA!"Sorry na ho, inang mother ha? Andami kasing people na papunta here eh. You know, nabalitaan kasi nilang complete na ang mga Royalties and all of them are already inside of the canteen na." Pabalang naman na sagot ni Lia kay Lili. HAHA! Ang cute nila.
"Talaga? No joke? Complete na sila?! Kahit si Prince Rigel?" Sunod-sunod na tanong ni Lili kay Lia."Yes nga! You're so kulet talaga." Sagot naman ni Lia sa tanong ni Lili.
"Kyaaaahhh! Tara, dali bilisan natin baka may maabutan pa tayong magandang upuan para tanawin si Prince Rigel." Sabi ni Lili bago kami hinatak papuntang cafeteria. Bakas na bakas sa mukha niya ang tuwa at pagkasabik.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa cafeteria.<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
May maaabutan pa kaya silang 'magandang upuan' sa cafeteria?Sino ba ang mga Royalties?
Abangan...hehe wala rin akong idea sa sagot sa mga tanong ko eh.
Vote.Comment.Share@katkye ♡