Chapter 2
The new adviser and the kontrabidasShin's POV
Nauna akong pumasok ng classroom at nilapag ang aking project na medyo sira-sira na. Aayusin ko nalang mamayang breaktime, after pa naman ng breaktime yung science namin eh. Hinanap ko na ang upuan ko. Pagkaupo ko ay inusisa na ako ng aking bestie na si Serena Carson.
"Sis, sino yung kasama mong hottie na pumasok?" Tanong niya habang nakatitig kay kuya na nag-aayos ng gamit sa teacher's table.Hala! Baka siya yung new adviser namin. Nagresign kasi ng biglaan si Ma'am Santos eh, kabuwanan na daw kasi. Nakakahiya naman.
"Hindi ko rin kilala sis eh. Basta alam ko lang nabangga ko siya sa hallway tapos nabanggit ko na naliligaw nanaman ako tapos tinanong niya kung anong section ba daw ako edi sinabi ko naman section ko tapos sabi niya dito din daw punta niya edi I AM HERE NA. The end."
" Ahh." Ano ba yan ang haba ng kwinento ko 'ahh' lang sagot niya.
"Shhh." Pagsasaway sa amin ng aming peace officer 'kuno'.
"Ehem! Good morning class. My name is Haco Shion, call me Sir Shion, and I am your new adviser starting today. Since hindi ko alam mga pangalan niyo, I want all of you to introduce yourselves infront. Starting at the back. Row by row."
Buti nalang na sa gitna kami ni sissy, hindi kami mauuna. Nahiya kasi, huhu, bakat na bakat pa rin yung mantsa ng food color at tubig sa polo ni sir. Kulay puti pa naman yun, nagka pinkish na ano tuloy.
"George Santos." Banggit nung kaklase namin na ka-row namin.
Hala malapit na kami ni sissy.
"Savannah Michelle Salamanca, just call me Sami, 16 years old. At your service sir *wink*. " Magiliw na wika naman ni Sami.
"Sabi ni sir name lang bakit parang may kasama yatang landi? " Bulong naman nitong katabi ko na si sissy na wari mo'y naiirita na. Hahahaha!"Erika Kirisaki." Pakilala naman ni Eri.
Pagkatapos magpakilala ni Eri ay tumayo na si sissy. Hala! Turn na ni sissy it means ako na sunod.
"Good morning sir and classmates my name is Serena Carson." Then she flashes her mala-toothpaste commercial na smile.
Pagkabalik ni sissy ay kinalabit niya ako. Ako na pala, kaya tumayo na ako at pumunta sa harapan.
"Una sa lahat sir sorry po ulit. Good morning po my name is Shinee Delfin just call me Shin po." Pagpapakilala ko.
"How old are you?" Tanong ni sir na pinagtaka ko naman kasi ako lang ang tinanong niya nito kasi name lang naman ang tinatanong niya kanina at sa iba.
"Uhmm...16 po sir, why po?"
"Because you looked like her." Hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi dahil binulong niya na lamang ito.
"Po?""Someone. Well, nevermind. Thank you. " Tugon sa akin ni sir.
"Welcome po? Hehe." Weird?
Pagkabalik ko naman sa upuan ay kinurot ako sa tagiliran ni Serena. Sinabayan niya pa ng mga mahihinang tili.
"Ikaw ha! Ano yun?" Aniya na may bahid na panunukso.
"Hindi ko rin alam sis eh. Isa pa, MAGHUNOS-DILI KA NGA ADVISER NATIN YUN!" pasigaw kong bulong sa kanya.
Nagpout naman siya. HAHAHAHA! Mukang bibe. Maya-maya ay natapos na magpakilala ang mga iba kong kaklase at wala namang nangyaring kakaiba.
"Class, since first-day ko ngayon treat ko na'to sa inyo. Vacant niyo buong time ko for today, okay?" Sabi ni sir na nagpahiyaw sa aking mga kamag-aral.
"But! Keep your volumes down, okay? May nagklaklase sa kabila."dagdag na paalala ni sir
"Sir yes sir!" Tugon naman namin.
Pagkatapos nun ay lumabas naman na si sir. Pagkalabas na pagkalabas ni sir ay nag-ingay na ang boys. Lumabas na kasi yung ibang mga babae.
"Tyler arat ML?" Sabi ni Joseph
"Tara buhatin kita" Sabi naman ni Tyler
"Sama ako!" Dugtong naman ni Carl
"Shin, 5-man tayo sama kayo ni Serena para may mid at gold lane na." Aya sa akin ni Tyler
"Pass." Tugon ko sa kanya sabay pinakita ang project kong sira-sira.
"Haha! Sige-sige." Tugon niya naman na tila naiintindihan ang nais kong iparating.
Inaya ako ni Serena sa cafeteria, sabi ko sa kanya ay susunod nalang ako aayusin ko muna yung project ko.
--------
Natapos ko na ayusin ang project ko, haist. Hindi siya kasing ganda ng una pero pwede na. Sumunod na ako kay Serena sa cafeteria at naabutan ko siya dun na.... nakikipag-away??Tumakbo agad ako papunta kay Serena at inawat ko siya.
"Sis tama na! Sis ano ba?!?" Hinatak ko siya palayo at papunta sa table na malayo sa amin.
" Serena, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi naman eh! Isa nalang kasi yung serving ng spaghetti, edi binili ko na. Biglang dumating 'yang Freya the queen bubuyog 'kuno', kinuha ba niya mula sa akin yung spag ko!Syempre hindi ako nagpatalo, sinabi ko sa kanya na ako yung nauna dun sa spag. Tapos ayun tinapon niya sa sahig yung spag sa sahig sabi niya sige daw tapos sa akin nalang yun. Edi ayun nanggalaiti ako, sinugod ko." Pagsagot niya sa aking katanungan.
"Haist, Serena..."
"Ano?!"
"Maghintay ka rito bibili lang ako ng sandwich para masamahan na kita sa locke room, doon nalang tayo sa garden kumain after mo magpalit."
Tumango na lamang ito. Tumalikod na ako at pumila. Habang nausad ang aking pwesto sa linya ay hindi ko naiwasang maisip ang kwintas na aking nakita kaninang umaga. Napakaganda nun, sadyang nakakabighani. Hindi ko namalayan na ako'y nasa harap na ng pila.
"Iha anong iyo?" tanong ni manang
"Apat pong egg sandwich at dalawang bottled water." tugon ko sa kaniya.Pagkakuha ko ng aking binili ay bumalik na agad ako sa mesa namin ni Serena. Naabutan ko siya roon na nakatitig sa malayo na tila may malalim na iniisip.
"Layo ng utak natin ah?""Ay haha, hindi naman." Tugon niya sa akin.
"Ano ba 'yang iniisip mo ha?"
"Eh kasi naman, ilang taon na ako. Hindi pa rin ako nagkakaboyfriend. Sabihin mo nga sa akin Shin, panget ba ako?" Tugon niya na wari mo'y problemadong-problemado.
"HAHAHAHAHA, SIRA! Hindi ah, wala akong best friend na pangit."
"Ano ba 'yan! Tatawa pa, hindi ko tuloy alam kung seryoso ka." Tugon niya na may bahid na pagtatampo.
"HAHAHA! Ikaw naman kasi eh, ano ba kasing klaseng tanong 'yon? Isa pa wag mo munang isipin yan, bata-bata mo pa eh. Problema mo na agad yung problema ng tita ko."
Hinampas niya naman ako sa braso
"Aray ha!"
"Tara na nga sa locker room! Hmp." Tugon niya at iniwan na ako sa cafeteria.
"Hahahaha! Teka wait uy!" Natatawa kong tugon sa kanya bago ako sumunod.
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Ano kayang papel ng bagong adviser nila sa buhay ni Shin?
Iyon lang ba talaga ang dahilan ng pag-aaway nila Serena and Freya?
Abangan...HAHA wala rin akong ideya anong pinagsusulat ko sensya na eto lang ako.
Vote.Comment.Share@katkye ♡