Chapter 3
The IncidentShin's POV
"Sis, mall tayo mamaya?" Pag-aaya sa akin ni Serena habang nagbibihis siya roon sa cr dito sa locker room.
"Sis hindi ako pwede ngayon eh."
"Hala! Why naman? Grounded ka? Wala naman tayong ginawang illegal ha? Except kung may ginawa ka mag-isa or hindi ako kasama. Hoy! Hindi ba sabi ko dapat lagi tayong magkasama? Ikaw talagang bata ka hindi ko malaman bakit napakatigas ng ulo mo, haist. Kanino ka ba nagmana?" Sunod-sunod na tanong niya.
"HAHAHA, SIRA! Hindi ako grounded, family matters lang." tugon ko.
"Anong family matters? Bakit? Sinukuan na ba ni Tito Chandler ang pagkamatampuhin ni Tita Sherry?" Tanong niya pa ulit.
"Uy! Grabe ha? Hindi noh! Basta family talks lang, you know chika-chika."
"Ahh, 'kala ko naman kung ano na." Tugon niya na kakalabas palang ng cr, habang inaayos ang kaniyang uniform sa harap ng salamin dito sa locker room.
"Tara na?" Pag-aaya niya sa akin
Pagkalabas namin ng locker room ay dumeretcho na kami sa garden at umupo sa ilalim ng aming paboritong puno. Pagkaupo namin ay binigay ko na sa kanya ang dalawa sa aking biniling sandwich at isang bottled water. Agad naman siyang nagpasalamat at nilantakan ito.
Maya-maya ay tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang breaktime ng ibang mga klase. Hudyat na rin na malapit na matapos ang vacant time namin.
Nakain lang kami rito sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa payapang kalangitan nang may narinig kaming naglalambingan. Agad kaming napalingon bigla ni Serena at doon namin napagtanto na mag LQ nanaman pala ang aming mga kaklase na sina Erika at Richard.
"Ibalik mo na kasi! Para namang bata to eh!" Pamimilit ni Eri."Ba't ko naman gagawin yun ha?" Gatong naman ni Richard.
"Edi wag!" Tugon naman ni Eri sabay walk out. Pfft...Ang cute talaga nila magkaLQ, araw-araw LQ.
"Uy! Eri sorry na, ito na oh." Panunuyo naman ni Richard.
"Bahala ka sa buhay mo! Hmp." Tugon naman ni Eri at tuluyan nang umalis.
"Edi bahala ka rin sa buhay mo! Kala mo naman ibabalik ko sayo to?" Sabi pa ni Richard habang nakatingin kay Eri na naalis.
Haha! Para talaga silang living Eri Kirisaki at Kogoro Mouri sa Detective Conan na anime. Muntik pa talaga sumakto sa surname ni Erika yung Kirisaki at sakto na talaga sa nickname niya na Eri.
Maya-maya ay narinig ko namang bumuntong hininga itong katabi ko. Hmm...Bakit nanaman kaya?"Psst! Lalim nun ah. Saan galing?"
"Kasi naman tignan mo sila Eri at Richard may lovelife kahit laging LQ. Sana all." tugon niya naman sa akin.
"HAHAHAHA! Serena naman."
"Aha! I know na! Tara boy hunting tayo." Aya niya naman sa akin.
"Pass, haha." Natatawa akong nagdecline.
"Hindi ako tumatanggap ng no." Tuwang-tuwa niya pang sabi sa akin sabay hinatak na ako.
"Uh-oh"
Mistulang naging huni ng mga anghel sa aking tenga ang pagtunog ng aming school bell. Hudyat na tapos na ang aming breaktime. Whoo! Saved by the bell. Nagpakawala naman ako ng isang napakalalim na buntong hininga. Buti nalang talaga.