Chapter 4
Too Much InformationShin's POV
Narito ako ngayon nagbabantay sa kwarto ni Serena kung kailan siya magigising. Hindi pa rin magawang maproseso ng utak ko ang mga naganap kanina.Flashback--
Dali-daling hiniga ni Tito Dylan si Serena sa kanilang sofa. Nagtaka ako sapagkat hindi sila tumawag ng ambulansya, bagkus si mama ang tinawagan ni Tita Meridith. Napaupo na lamang ako sa upuan sa tapat ni Serena at pinipilit intindihin ang mga nangyayari.
Maya-maya pa ay dumating na si mama. Napansin kong nag-bow pa siya kay Tita at Tito bago tuluyang pumasok. Tila nagulat yata siya nung nakita niya ako ngunit mabilis naman iyong napalitan ng ngiti bago dumeretcho kay Serena.
Noong nakita niya si Serena ay bumakas sa kanyang mukha ang pagkatakot at pagkaalala. Dali-dali niyang kinumpas ang kanyang mga kamay at may lumabas na liwanag na kulay luntian at may sinasabi siyang hindi ko maintindihan. Unti-unti namang naghilom ang mga sugat ni Serena.
MAY MAGIC DIN SI MAMA? WHAT'S HAPPENING? AM I DREAMING?
Tinampal-tampal ko pa ang aking sarili upang makumpirmang hindi ako nanananaginip. Hininto ko ito nung aking nakumpimang hindi nga ako nananaginip at napatanga muling nanood sa aking ina.
Maya-maya pa ay huminto na si mama at may kinuha mula sa kanyang bag na isang bote na maliit at inabot niya ito kay Tita Meridith at hinatid naman ni Tita Dylan si Serena sa kanyang kwarto.
"Duchess Meridith, ipainom niyo po ito sa kanya paggising niya upang mas bumilis bumalik ang kanyang lakas." Ani ni ina kay Tita Meridith tapos nag-slight na bow.
"Salamat ng marami, Sherry."
"Walang anuman po." Tugon ni ina.
Bumaling naman sa akin si Tita Meridith at ngumiti.
"Iha, nais mo bang sumama sa akin sa kwarto ni Serena?" Pag-aaaya sa akin ni tita. Tumango nalang ako ng marahan at sumunod na sa kanya.
Pagkarating namin sa loob ng kwarto ni Serena ay sakto namang palabas na si Tito Dylan.
"Maghahanda lang ako ng makakain sa baba, love." Ani niya kay tita bago ito halikan sa noo at bumaba. Nginitian lang ito ni tita bago tumango.
Pagkaalis ni tito ay sinara na ni tita ang pinto ng kwarto ni Serena upang d makalabas ang lamig ng aircon nito. Umupo siya sa gilid ng kama ni Serena at pinagmasdan ito bago nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Ikinumpas niya ang kanyang mga kamay at may lumabas naman doon ng isang liwanag na kulay bughaw na ipinanglaki ng mga mata ko at sa isang kislap lamang unti-unti nang nalilinis ang damit ni Serena. Wala na itong isang bahid ng dugo mula sa kanyang mga natamong pinsala. Nginitian muli ako ni tita na parang walang nangyari.
End of flashback
Nasa gitna ako ng aking pag-iisip ng biglang nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ni Serena. Agad ko naman itong binuksan. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni tita.
"Halina't magmerienda tayo sa baba, iha." Pag-aaya sa akin ni tita na sinang-ayunan ko naman.
Pagkarating naman namin ni tita sa sala nila ay nakita ko sina mama at papa na kausap si Tito Dylan at nung napansin nila kami ay agad namang nagpaalam si tito na kukuha ng merienda sa kusina. Sumunod naman kay tito si tita.
Pinaupo ako ni mama sa tabi nila ni papa. Bakas pa rin sa aking mukha ang pagtataka sa mga nangyayari. Sakto namang dumating sila tita na may dalang merienda.