CHAPTER 8

5 0 0
                                    

Chapter 8
Royalties

Shin's POV


Marami na ang mga estudyante noong kami ay pumasok sa cafeteria. Agad naman akong kinawayan ng aking best friend na si Serena at iginiya na maki table sa kanila.

Nauna na ako papunta roon at umupo sa tabi niya, samantalang nanatili namang nakatayo sila Lili at Lia sa tabi ko.

"Umupo rin kayo, don't be shy." Sabi sa kanila ni Serena. Dali-dali naman silang umupo katabi ko rin. Ganda ng hair niya! sky blue.

Napansin kong 14 pala kami lahat dito sa table ngayon at may bakante pang 6. Siguro para talaga sa mga gusto nilang imbitahin yung mga bakante, kasi complete raw sila sabi kanina ni Lia eh.

"Yep! For you guys yan!" Sabi nung pastel blue hair, whattt?! How? Did I say it out loud ba? Gosh!

"No, honey, you didn't." Sagot niya naman sa akin. Waiiiiiittttt, is she a mind reader?

"Yes yes yes, nakuha mo!" She said before bursting out her laughter, nakitawa na rin ang iba.

"That's rude ha?!"

"Opps, my bad. Ay! Hindi pa pala kami nakakapag-introduce sa'yo 'no? I'll go first nalang. Hi! I am Morgan Quinn Clyde, Princess of the Water Kingdom. I am the daughter of the queen and king and Serena, your best friend, is my cousin. BTW, just call me Morgan." Pagpapakilala ni Morgan, kinalabit niya naman ang katabi niya na lalaking same hair color sa kanya.

"I am Zale Wave Clyde, Morgan's younger brother. Just call me Wave." Pagpapakilala naman niya. OooooOooohhh...so brother niya pala yun kaya pala same sila ng hair color. Ok ok, noted.

"Hi! I am Mathilda Kaylee Stein, Mira's twin, you can call me Math." Pakilala nung brown-haired na girl.
"Hello! I am Miranda Kelly Stein, Math's twin, you can call me Mira." Pakilala naman nung katabi niya. Oh, I see. Kaya pala sila magkahawig, kasi twins sila. Fraternal twins siguro sila, hawig lang eh pero hindi magkamukha.

"Haha! Yes, honey, fraternal twins sila." Huhu! Binasa nanaman ni Morgan iniisip ko. As if on cue, nag peace sign siya.


"Haha, ganyan talaga yan si ate Morgan! BTW, I am Chantal Kasey Stein, Mira and Math's younger sister and we are the Princesses of the Terra Kingdom, you can call me Chantal." Ahhh, sister din pala siya nila Math at Mira. Hindi ko agad napansin, green kasi buhok niya. Unlike kila Math at Mira na brown. She's cute though.

"Nice to meet you, girls. My name is Denver Hugo Stein, cousin of Mathilda, Miranda, and Chantal, you can call me Hugo." Pakilala naman nung lalaking kulay brown din ang buhok na nakaupo sa tapat ni Morgan. Hala! Bagay sila, ayieeeeee.

Nakita ko namang nagblush si Morgan. HAHA, huli! Pero 'd kulong.

"Hoy! Huwag nga! Issue ka ha." Sabi na nga ba eh binabasa niya pa rin iniisip ko.

"Wala naman akong sinasabi ah. Hindi ba, Serena, wala naman?" Napatawa na lang si Serena ng malakas na aakalain mong siya lang tao rito sa cafeteria. Pinagtitinginan tuloy kami, siniko ko siya ng mahina para huminto na. Nagmumuka na kasi siyang baliw.

Sunod namang tumawa ng palihim si Morgan. Haist, nakalimutan kong nababasa niya nga pala iniisip ko.


"Pleasure to meet you, girls. My name is Zephyr Rigel Pellerel, Prince of the Air Kingdom. You can call me Rigel, but I preferred to be called babe." Pakilala naman nung isang kulay abo ang buhok. So siya pala yung gustong-gusto makita ni Lili, HAHAHAHA! Infernes ha, medyo malandi.

"Dustin Cole Sagesun, Dustin." Pagpuputol sa pagpapakilala sa kanya ng ate niya.

Nanahimik ulit and lahat, again, sa hindi ko malamang dahilan.

"Oh! Don't tell me mga pare na fall na kayo agad sa bestfriend ni Serena and her friends? Huwag naman mga tol, popormahan ko pa 'yan eh, egul kapag kayo kalaban." Pagbabasag naman ni Rigel sa katahimikan, sinamaan lang siya ng tingin ng kuya niyang si Kaizer.

"Sabi ko nga, tatahimik na. How about you, girls? What's your name?" Dugtong pa ni Rigel. Hahahahaha, tiklop naman pala eh.

"Uhmm...Hi, hehe. I am Alia Daffodil, I came from Enchanter class and my subclass is Healer, I go by Lia." Pagpapakilala ni Lia.'

"Melida Terava is the name, Warrior class and my subclass is Assasin, you can call me Lili." Pagpapakilala naman ni Lili. Sa hindi malamang dahilan, pagkatapos magpakilala ni Lili, lahat sila ay napatingin sa akin.

Hala! Ako na pala magpapakilala. Haist.

"Hello, hehe. Ako lang 'to si Shinee Delfin, maaari niyo akong tawaging Shin."

"Uhmm...what's your class?" Tanong naman ni Maddie.

"Unknown, bago lang ako eh hehe." Sagot ko kay Maddie.

"Oh, I see."

"So as you may all know, I am Serena Carson, cousin of Morgan and Wave, you may call me Serena." Useless na pagpapakilala naman ni Serena kasi kilala naman na namin siyang lahat.

Bigla namang napahalakhak si Morgan at Rigel, samantalang nagpipigil naman ng tawa si Wave. Mind readers, hmp.

"Tara, order na tayo?" Pag-aaya naman ni Serena na sinang-ayunan ng lahat kaya't umorder na kami ng pagkain gamit ang papel at panulat sa gitna ng mesa namin. Ipinakain namin ito sa isang robot na naghahawak ng papel at panulat sa gitna ng mesa.

Astig! Maya-maya pa ay may robot na nag-iikot dala-dala ang inorder naming mga pagkain.

Habang kumakain kami ay may biglang pumasok na dalawang babaeng pamilyar sa akin at may kasama pa silang isang babaeng kamukha nung isa.
"I am so sorry babe because we're late. Si Mich kasi so tagal kumilos." Salubong ni Freya kay Dustin, sabay kiss sa cheeks niya. Sumibol naman ang pagkairita sa mukha ni Dustin, ngunit hindi siya nagsalita.

Oo, tama kayo ng nabasa Freya at kung nandito si Freya, syempre nandito rin si Sami. Feeling ko nga eh, buntot na ni Freya si Sami. HAHAHAHA!


"OH! Look what we have here. It's Princess Serena and her alalay, what's her name again? Oh! I remember it is Shine Dolphin. Right? Why you're here nga pala?" -Freya

"Uhm...It's actually Delfin, genius. BTW, she is not my alalay because she is my bestfriend, got that?" Pagsagot pa ni Serena sa kanya. Nako naman, malaking gulo 'to.

"Oh! Sorry, I thought it's Dolphin kasi she looks like one." Hmm...not bad, dolphins are cute.

Narinig ko namang nagpipigil ng tawa sina Morgan at Rigel kaya napatingin kami sa kanila ng may halong pagtataka.

"Why are you guys laughi--"

Na cut yung sinasabi ni Freya nung bigla silang minention sa intercom.

"Attention to Ms. Freya Waria, Ms. Savannah Salamanca, and Ms. Samantha Salamanca. Please report to the headmistress' office right now. Again. Attention to Ms. Freya Waria, Ms. Savannah Salamanca, and Ms. Samantha Salamanca. Please report to the headmistress' office right now."

"Urgh! What does she want now?" Ani ni Freya pagkatapos marinig ang kanyang pangalan mula sa intercom bago siya padabog na lumabas sa cafeteria at sumunod naman sa kaniya si Sami and yung kamuka ni Sami.

"Serena, bakit nandito si Freya? May kapangyarihan din pala siya? At sino yung kasama nila ni Sami? Bakit kamuka ni Sam si Sami 'kuno'?" Sunod-sunod kong tanong kay Serena.

"First of all, sis, Freya's mom is the headmistress of this academy. Second, yes, dahil hindi ka naman makakapasok dito kung wala kang kapangyarihan. Third, yung kasama nila Savannah at Freya is yung twin sister ni Savannah which is si Samantha Mikhaela Salamanca kaya don't call Savannah here na Sami kasi Sami parehas nickname nila. Fourth, kamuka kasi twin nga, ocakes?" Pagsagot naman sa akin ni Serena.

Tumango nalang ako at nagpatuloy na nga kami sa aming pagkain. As if on cue, pagkatapos namin kumain lahat ay biglang tumunog na ang tune kanina na nagpaparating na tapos na ang aming breaktime.

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Bakit kaya hindi manlang nagrekalmo si Dustin sa ginawa ni Freya?


Is Samantha a friend or a foe?


Vote.Comment.Share

@katkye

Starlight AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon